Chapter 1

36 2 0
                                    

Lyric's POV

"LYRICCCCCC!!!" sabay na sigaw nina Skylar at Leilani ng makita ako.Nagpigil naman ako ng tawa habang papalapit sa kanila kasi pareho silang mukhang paiyak na.

"Huhuhuhu akala ko naaksidente ka na!Bakit ba kasi ngayon ka lang ha?!" sabi ni Leilani.

"Bessy,nakalimutan mo bang ikaw ang kakanta sa kasal ngayon?!Kung makapagpa-late ka dinaig mo pa ang bride!" sabi naman ni Skylar.Itinaas ko naman ang dalawa kong kamay para patigilin sila at para na rin makapagpaliwanag.

"HEP!Bago tayo malayo sa pagiging O.A niyo,magpapaliwanag muna ako,ok?" sabi ko at agad naman silang tumango na parang aso hahaha cute.

"Kaya ako na-late ng 'KONTING ORAS' kasi paggising ko kaninang umaga kumirot na naman yung ulo ko.Since 1:00 p.m. pa naman ang kasal umidlip muna ako ng konting oras.Habang papunta ako rito,kamalas-malasan eh muntik pang mabangga yung sasakyan ko dahil may nagkarambolang truck at kotse.At sa pagkakatanda ko,hindi ako sa mismong kasal late kundi sa calltime natin.So please,dinaig niyo pa si Mommy kung makaratrat ng tanong sa akin?Hahaha." hindi ko na napigilan ang pagtawa ko dahil sa mga reaksyon nila kanina pagdating ko pero na-realize kong....ako lang pala ang tumatawa at nakatulala lang sila sa akin.

"Oh?Bakit ganyan kayo makatingin?May problema ba?" tanong ko sa kanilang dalawa.Lumapit si Leila at niyakap ako.

"Masakit pa ba ulo mo?I'm sorry kung umalis kaagad kami ah.Nataranta lang kami kasi first client natin 'to eh.Nakalimutan ka namin." nangingilid ang luhang sabi niya.

"Ano ba!Hahaha.'Di ka na nasanay sa pagsakit ng ulo ko.Ayos lang ako tsaka napuyat din ako kagabi sa sobrang excited.Wala naman tayong magagawa kapag sumakit yung ulo ko kasi normal na naman 'to sa mga taong may canc--AWWW!" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil bigla akong sinipa ni Sky sa paa.Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa amin ni Leila.

"Subukan mong ituloy yang sasabihin mo,tutuluyan na kita!Wag mong iisipin yang bagay na yan!" umuusok yung ilong ni Sky habang dinuduro ako.Napakamot naman ako sa batok ko habang tinitingnan siya.

"*sighs* Fine,hindi na.I'm sorry, okay?Hindi na po mauulit Mommy Sky.HAHAHAHA" natawa kami ni Leila sa sinabi ko habang umuusok pa rin ang ilong ni Sky.

"Anong Mommy?!Gusto mong sagasaan kita?!" sabi niya pero this time nakangiti na siya.Dumamba siya  ng yakap sa amin ni Leila kaya pare-pareho kaming lumagpak sa lupa.

*PLOK*

"AWWWW!!" sabay-sabay naming sigaw.

"Shocks,Sky ambigat!" maarteng sambit ni Leila kaya naman binatukan siya ni Sky.

"Hello!Excuse me,sexy tayong lahat dito at biniyayaan ng magagandang fez 'noh!Wag kang mag-ilusyon ng panget Leila baka mapariwara ka!" sagot naman ni Sky.Tumayo ako at inilahad ang tig-isang kamay ko sa kanila at agad rin naman nila itong tinanggap.

"ABA!Impaktang 'to.Gusto mong sungalngalin kit--hmmmmm!" binusalan ko ng dala kong panyo ang bibig ni Leila upang matahimik siya.Sinamaan niya ako ng tingin at agad tinanggal ang panyo.Bago pa man,magsimula uli ng asaran,niyaya ko na sila papasok ng simbahan upang makapaghanda.Nag-peace sign muna ako kay Leila bago ibaling ang tingin sa mga taong papasok sa lugar na pagdarausan ng kasal.

"Bessy,tara na sa loob ng simbahan dumarami na yung mga tao oh!" nakangiti sabi ko sa kanila habang tinuturo ang simabahan.

"Oh siya,tara na!Ayos na ba lahat ng kailangan natin?" tanong ni Sky at tumango naman kami bilang sagot.Akmang lalakad na kami ng bigla kaming pigilan ni Leila.Taka naman kaming napatingin sa kanya habang dali-dali siyang pumupunta sa harap namin.Ipinakita niya ang pinky finger niya sa amin sabay sabi ng "L!".

Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon