Lyric's POV
"Ms. Lennon, ang advice ko sa'yo ay huwag ka munang masyadong mag-isip ng mga bagay lalo na kung ikaka-stress mo ito. May problema ka ba these days?" pagtatanong ni Doc Mendez. Agad naman akong umiling.
"Wala po,Doc." Tipid kong sagot. Tiningnan niya lang ako nang parang may hinihintay pang sabihin ko. Napahinga na lang ako ng malalim. I guess, kailangan ko ng sabihin.
"Masyado lang po akong maraming iniisip these past few weeks. Katulad ng future ko...kung aabot pa ba ako sa mga mahahalagang okasyon ng mahahalagang tao sa buhay ko...kung ayos lang ba talaga ako, overthinking po siguro Doc." Nakayuko kong saad.
"Ms. Lennon, look at me." Mukhang naintindihan naman ni Doc ang sitwasyon ko. "Walang masama sa pag-iisip tungkol sa mga bagay-bagay pero piliin mo lang ang mga ito. 'Diba sabi ko sayo dati, kapag stress ang iniisip mo, naii-stress din ang brain mo?" tumango ako.
"I understand po, Doc." Nginitian niya naman ako.
"Walang improvement sa lagay mo ngayon, pero ngayon lang ito. Alagaan mo lang ang sarili mo at for sure next month, pagbalik mo dito ookay ang condition mo." Pang-eencourage niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Gahd, I have the best Doctor!
"Promise po yan, Doc. Thank you so much po!" tumayo na ako. Nagpaalam na ako sa kaniya at lumabas na sa office niya.
"Don't stress yourself,iha. Nagkaroon ng konting minimal issues sa kalagayan mo this time. Alagaan mo ang sarili mo. Medyo magiging madalas ang pagsakit ng ulo mo if you'll keep getting stressed and that may worsen your condition."
Nag-flashback sa isip ko ang sinabi ni Doc kanina matapos niyang suriin ang results ng test ko kanina sa check-up. Hindi ko maiwasang malungkot sa sinabi niya pero hindi ko na lang ipinahalata. Pagkalabas ko sa pinto ay wala sa sariling naglakad ako. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko hanggang sa natauhan ako nang tawagin ni Leilani ang pangalan ko. Bahagya pa akong nagulat nang makita kong kasama niya ang "The Flamin' Galah" kung saan nadun ang mga high school friends namin. Nginitian ko lang sila,binati at matapos ay nagpaalam na... ayaw ko naman maging bastos pero hindi lang talaga kaya ng puso ko. Magkikita pa naman siguro uli kami,dun na lang ako babawi sa kanila.
"Lyric,what was that?" naguguluhang tanong ni Leilani na halata ang pag-aalala sa mukha. Hindi ko naman siya magawang tingnan kasi alam kong iiyak lang ako sa oras na magtama ang paningin naming.
"I'm sorry..I know I've been rude earlier." Paghingi ko ng paumanhin ngunit hindi niya iyon pinansin.
"How was your check-up? Anong sabi ni Doc?" tanong niya.
"Same old results..no improvement but it got more complicated." Napakunot naman ang ulo niya.
"How come?"
"Stress." Maikli kong sagot. She sighed.
"Don't worry, you'll be okay. Magpapaka-stress free tayong tatlo sa mga susunod na araw!" excited na sabi niya. Gagang 'toh! Nawala naman ang lungkot ko sa sinabi niya,dang! I'm so lucky for having this friend beside me and also Skylar. Pag-uwi namin sa unit ay wala pa rin si Skylar. Nagpasiya naman kaming dalawa na magpahinga muna. Pagkatapos kong magbihis ay humiga ako sa kama at natulog.
Chord's POV
"Pare,tara naaaa!" pagpupumilit ng mga kaibigan ko.
"Sinabing ayaw ko nga eh." Naiinis ng sambit ko. Kauuwi ko pa lang sa bahay, ni hindi pa nga ako nakakapagpalit, hinihila na nila ako kaagad papunta sa bar.
BINABASA MO ANG
Lost Stars
RomanceThis story is about a 22 year-old girl who is suffering from brain cancer but still continues to pursue her ambitions in life until she met a guy that will show her the bright side of life. Will the love & happiness dominate her life?Or will sufferi...