Chapter 4

17 0 0
                                    

Chord's POV

Naalimpungatan ako ng maramdam kong may humahawak sa kamay ko.Doon ko nakita si Mommy na nakatulog sa tabi ko.Ginalaw-galaw ko naman ito ng bahagya upang magising siya.Naging matagumpay naman ito,kaya ng imulat niya ang kanyang mga mata ay nginitian ko siya.

"Ma,higa ka doon sa couch,oh!" sinenyas ko sa kanya ang couch na halos kasinglaki na ng kamang hinihigaan ko.Tumango naman siya at tumayo.Sinermunan ko naman siya habang naglalakad papunta doon.

"Kung bakit ba naman po kasi dito pa kayo natulog sa tabi ko,eh ang laki-laki ng couch na yan!Ikaw lang naman ang kasama ko dito mommy pero di mo naisipan humiga dyan?!Mygahd,kaka-stress!" pag-iinarte ko sa kanya.Ngunit tiningnan niya lang ako at nahiga sa couch tsaka pumikit.Aba't---Nanay kong 'to!Tinitigan ko lang siya habang natutulog kasi wala rin naman akong makakausap dito pati natutuwa ako kapag nakikitang payapa ang mukha ni Mommy.Napalingon ako sa pinto ng bigla itong bumukas at iniluwa si Ate Symphony.

"Woah,gising  ka!" pagbibiro niya kaya inismidan ko lang siya.Tumabi siya sa akin at inabutan ako ng pagkain na agad ko namang tinanggihan. "Oh,anong arte mo at ayaw mong kumain?" nagtatakang tanong niya.

"Di pa ko nagto-toothbrush." sabi ko tsaka ngumuso.Humagalpak naman siya ng tawa kaya agad ko siyang binatukan. "Wag ka ngang maingay!Baka magising si Mommy!" pagsuway ko sa kanya.Sinulyapan naman niya si Mommy tsaka bumuntong-hininga at humarap sa akin.

"Halika,tulungan na kitang pumuntang sa banyo para makapag-ayos ka na." pag-aaya niya at tinulungan akong makabangon ng ayos sa kama at nagtungo sa banyo.Natuloy kaya ang kasal niya?Bakit parang may gusto siyang sabihin pero di niya kaya?I shrugged off and continued brushing my teeth.Matapos kong mag-ayos ay lumabas na ako kasi hinintay niya lang ako doon.

"Are you okay?" nabigla siya sa tanong ko.

"What?Of course I am!Helloo,I think I should be the one asking you that!" sagot naman niya.Iniabot niya sa akin ang mga  pagkain at malugod ko naman iyong tinanggap.

"Well,I'm perfectly fine though kumikirot pa rin yung mga sugat ko." pagsasabi ko sa kanya.Nagulat naman ako ng bigla niya akong batukan. "What the heck?!" I exclaimed.

"Sino ba naman kasing nagsabi sayo na mag-drive ka ng ganun kabilis,ha?!Pwede namang ipa-move niyo na lang ng konting oras yung flight ah!Ganun ba talaga kayo kalala nalasing at nakalimutan niyong alas-singko ng hapon ang start ng kasal ko na maaari pang ma-delay kasi gusto ko perfect sa sunset ang effect!" paglilitanya niya sa harap ko.Mataman ko siyang tiningnan at nabakasan ko ng lungkot ang mga mata niya kaya tinanong ko na siya.

"Ate...natuloy ba ang kasal?" natigilan naman siya sa tinanong ko.Unti-unti niya akong tiningnan habang nangingilid ang luha sa mga mata.Doon ako nagsimulang kabahan.

Umiling muna siya bago sumagot. "No,Chord.Hindi natuloy ang kasal." bumuhos ang mga luhang kanina pa niyang pinipigilan kaya napakuyom ako sa sobrang guilt na nararamdaman.

"Ate,I'm so sorry.Kung hindi dahil sa akin at sa paglalasing naming magkakaibigan--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang putulin niya ito.

"NO!Wala kang kasalanan.Actually,ok nga lang na hindi natuloy yung kasal kasi ako lang pala ang handa." nasasaktang sambit niya.

"What?Anong ikaw lang ang handa?" naguguluhang tanong ko.Tiningnan naman niya ako ng direkta sa mata habang patuloy na bumabagsak ang mga luha niya.Napapikit ako sa sobrang inis.Damn!Ayokong nakikitang umiiyak ang ate ko!Not any girl from my family will shed a tear for any fucking reason.

"Narinig ko,nakita ko." nakatulalang sabi naman niya. "Sabi niya hindi pa siya handang makasama ako habang buhay.Sinabi niya para daw kay baby kaya siya magpapakasal."

Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon