Chapter 1
It was exactly a week ago nang dumating si Seth Alexander Alcaraz from America where he spent most of his life. He doesn’t even want to go back here in the Philippines but he has no choice his grandfather had spoken and everyone knows that once Eduardo Alcaraz said his words no one dares to argue. He was assigned to take over their company because of the medical condition of his grandfather. Kaya nga ngayon eh nandito siya sa pilipinas sa ayaw at sa gusto niya. Alam ng lolo niya na ayaw niyang hawakan ang kanilang kompanya but circumstances asks him to. Ito na rin siguro ang pasasalamat niya sa abuelo para sa pag-ako sa kaniya mula ng mamatay ang mga magulang niya sa isang car crash. Hindi sila close ng abuelo but they were in good terms. Strict kasi ito at animo’y walang kahit anong amor sa kanya. Tanggap naman niya iyon. O mas tamang sabihin na nakasnayan na niya iyon.
All his life Seth was molded to be the next CEO of the well-known in Asia Alcaraz constructions firm. And he knew it all along. Alam din niya na ang buhay niya as isang business asset, that he would undergo an arranged marriage someday. Kung kalian ang definite time, hindi niya alam. Ang lolo lang niya ang makakapagsabe.
Three days na nang magsimula ang effectivity ni Seth bilang temporary CEO ng company nila. Though hindi pa siya nagpapakilala formally sa mga opisina. He was doing pretty well in adjusting except for the fact na humingi ng leave ang executive assistant ng kanyang lolo to have a vacation. Hindi naman siya makatanggi dahil alam niyang ngayon lang din ito makakapagleave simula nung magtrabaho ito roon. Inatasan na lang niya si Mirna, ang head ng HR na ihanap siya ng sarili niyang executive assistant as soon as possible.
It was around eight in the evening when Seth decided to go out of his penthouse to grab something to eat. His penthouse was located at the top floor of the Alcaraz construction firm’s main office. The whole floor was restricted so no one knows na doon siya nakatira.
As he got out of the building he was surprised to find someone, most importantly a lady sitting at the sidewalk meters away from the building. Narinig niya ang mahinang pag ungol nito sa sakit. Hindi man niya ito kilala naalarma naman siya na baka kung napano ang babae. Throwing caution at the wind he went to see what is happening to the girl.
Chloe Martinez was on her way home when she twisted her ankle. She tried to stand up and walk again but she couldn’t beside the fact that she broke her heels the excruciating pain she feels at her ankle was unbearable.
Hindi niya napansin ang isang lalaki na papalapit sa kanya.
“Miss, are you okay?” tanong ng isang boses sa kanya.
Nang magtaas siya ng tingin doon niya nasilayan kung sino ang nagsalita. She was dumbfounded ng mapagtanto kung gaano kalapit ang kanilang muka. He was incredibly handsome despite the fact that he was wearing a pair of jeans and a plain shirt. Makapal at makintab ang unat nitong buhok na may kahabaan bumaba ang mga mata niya sa mga mata nitong kulay abo na tila nangungusap at napapaibabawan ng makakapal na pilik nito matangos din ang ilong nito. Bumaba pa ang kanyang mga mata sa mga labi nitong mamula-mula. Ano kaya ang pakiramdam na mahalikan ng mga labing ito. Nag-init ang kanyang muka sa naisip.
“Miss?” tanong muli nito na tila bale wala ang lapit ng kanilang muka ng hindi siya sumagot.
“Ahh, no. I twisted my ankle.” Sagot niya.
Nagulat naman siya ng bigla itong lumuhod sa harap niya at tignan ang kanyang paa.
Sa estado ni Seth sa buhay hindi na bago sa kanya ang makakita ng mga magagandang babae. He even dated countless of women that fall in the category. But this woman in front of him was an exception. Hindi man sya kasing sophisticated tignan ng mga babaeng nabibilang sa mga socialites na kilala niya but she was very beautiful. She literally took his breath ng masilayan ang muka nito. She possesses a long wavy hair that was soft as silk. Her eyes were a shade of honey brown with thick lashes, her nose small and aristocratic, and her lips full and luscious. Her face was strikingly beautiful.
“Dadalhin na lang kita sa malapit na hospital mukang masama ang pagkakatwist ng ankle mo” anito.
Nagulat siya ng bigla na lang siya nitong buhatin.
“nako, ‘wag na. ok lang ako. Hahanap na lang ako ng taxi.” Protesta niya.
“wag kang mag-alala, hindi ako masamang tao.” Hindi na niya nagawang magprotesta dahil nginitian sya nito ng ubod ng tamis.
Natapos ang check up at sinabe ng doctor na hindi naman ganon kalala ang sprain niya. Kailangan lang nito ng konting pahinga at cold compress pagdating niya sa bahay.
“Maraming salamat, ano nga pala ang pangalan mo?” aniya.
“Call me Seth. Chloe, right? Don’t mention it.” Sagot nito sa kanya.
“Paano mo nalaman ang pangalan ko?” takang tanong niya.
“Oh. Wag ka muna magisip ng kung ano. Nabasa ko kanina sa pinirmahan mo sa information’s desk” sagot nito na tila naamuse sa kanya.
“Nagdinner ka na ba? Gusto mo bang kumain muna sa labas. Pasasalamat ko na rin sayo.” Paanyaya niya rito.
“Sige ba. Ang totoo nung maabutan kita sa labas ay naghahanap ako ng makakainan.” paunlak nito sa kanyang imbitasyon.
Sa huli ay napagdesisyunan nilang kumain sa isang kalapit na fast food chain. Kahit hindi siya mahilig kumain ng mga fast food ay sumang-ayon siya. Hindi niya alam kung bakit siya pumayag. Ang alam lang niya ay gusto pa niyang makasama ang dalaga.
Kakaunti na lang ang tao sa loob ng fast food ng makarating sila. Late na rin kasi.
Nasa kalagitnaan sila ng pagkain at pagtatawanan nang itanong niya sa kasama ang kanina pa niya napapansin mula ng pumasok sila sa fast food.
“Bakit kaya kanina pa nila tayo pinagtitinginan?” ani Chloe kay Seth.
“Ewan ko baka nagagandahan sila sayo.” Nag-init ang kanyang mga pisngi sa sagot nito.
“Ano ba?”
Uminom muna ito bago muling nagsalita. “O baka naman napopogian lang sila sakin.”
Tumingin siya paitaas kahit na alam niyang hindi malayo sa sinasabi nito ang katotohanan. Sobra-sobra nga ang kagwapuhan nitong lalaking to.
“Okay, hindi pa masyadong mahangin. Signal number three pa lang naman.”
Humalakhak naman ito. At aminin man niya o hindi, gusto niya ang tunog ng tawa nito.
Hindi kalaunan ay hindi na rin niya napansin ang atensyong ibinibigay sa kanila ng ilang tao. Nalipat ang usapan nila ni Seth sa iba’t ibang bagay. Simula sa simpleng interests nila sa buhay, na napunta sa topics related sa business world hanggang sa latest issues in politics. She enjoyed talking to Seth. Hindi ito boring kausap. Ni hindi na nila napansin ang oras.
Alas diez na ng gabi ng maghiwalay sila. Kinuha siya nito ng taxi bago ito tuluyan nagpaalam at kumuha nang sariling taxi na masasakyan pauwi.
Kapwa hindi nakatulog ang dalawa sa kakaisip. Iniisip kung may chance pa kaya na magkita silang muli. Sa bandang huli ay iginupo na lamang sila ng antok na may ngiti sa mga labi.
A/N:
By the way, this is my first attempt to post a story here on wattpad.So forgive me if there are typos and wrong grammar.
Feel free to correct me and comment. :)
Thank you.
- tintin
BINABASA MO ANG
A Night of Fate
Short StoryThis is a short story about two strangers who met on a one fine evening. They get to know each other and parted ways. As the night ended, they kept on thinking if they will have the chance to see each other again. And by some twist of fate, their ro...