Papalabas na sana si Chloe ng building ng makita siya ni Jake de Vera. Isa ito sa mga civil engineer ng company. Matagal na itong nangungulit sa kanya. Ngunit hindi niya ito pinapansin dahil wala naman siyang nararamdaman para dito. Alam naman din iyon ng binata. Umaasa lang talaga ito na baka mabago nito ang isip niya.
“Hi Chloe!” mabilis nitong bati sa kanya.
“Hi Jake.” Balik niyang bati at nagpatiuna nang lumabas ng building.
Patuloy pa rin ito sa pagsunod sa kanya.
“So, Chloe, gusto mo bang mag-lunch?” tanong nito nang makasabay na ito sa paglalakad sa kanya.
“Uhm, hindi na siguro. May imi-meet din kasi akong client for lunch. Sorry.”
“Next time then?” kulit nito with a glint of hope in his eyes and flashing a sweet smile. Marami ang nagsasabi na good catch ito. Ngunit hindi niya alam kung bakit hindi niya maisip ang sariling mahuhulog para dito. Kaibigan lang talaga ang turing niya sa lalaki.
“Yeah, next time.” Sagot na lang niya sa binata saka ngumiti ng matamis.
Nakita niya si Chloe sa labas ng building. Palapit na sana siya nang may lalaking lumapit sa dalaga. Hindi niya sigurado kung empleyado ba niya ito. Napangiti ang dalaga sa kausap. Why do I feel jealous over this? Piping tanong niya sa sarili. Hindi niya na pigilan ang sarili at tinawag ang pangalan nito.
“Miss Martinez...” tawag sa kaniya ng isang boses mula sa kaniyang likuran. At kahit hindi siya humarap ay kilala niya kung kanino galling iyon. Si Seth.
Humarap naman siya rito. Hindi rin siguro namalayan ni Jake na lumapit ito sa kanila base na rin sa pagkagulat nito.
“Good Morning, Sir.” Magalang na bati nito.
Seth acknowledged him with a nod.
“Seth, si Jake. Isa siya sa mga civil engineer ng firm.” Mabilis na page-explain niya.
“May imi-meet lang akong client for lunch. Baka hindi na rin ako makabalik mamaya. So you may leave pag natapos mo na ang lahat ng trabaho mo. I’ll just call you kung may mga kakailanganin akong documents.” Mahabang na sabi nito, sabay talikod upang sumakay sa naghihintay na kotse nito.
Sinundan niya nang tingin ang papalayong kotse ng lalaki. Nang mabaling ang atensyon niya kay Jake ay taka itong nakatingin sa kanya.
“You just called the CEO of Alcaraz’ construction firm ‘Seth’?tanong nito sa kanya.
Paano nga ba niya ipapaliwanag dito kung bakit first name basis sila ng boss nila. “We knew each other before I work here in the company.” yun na lang lumabas sa kanyang bibig. “Sige Jake, mauna na ako.” Sabi niya at saka nagmamadaling umalis bago pa ito muling makapagtanong.
Hindi yata siya tinawag ni Seth na Chloe. Weird. Chloe naman ang tinatawag nito sa kanya at hindi Miss Martinez.
Kinabukasan ay maagang nagtungo si Chloe sa opisina ni Seth para magreport. Kaagad naman siyang pinapasok ng binata.
“Good morning.” Bati niya.
“Good morning Miss Martinez.” Pormal na bati ng lalaki.
Whoa. What happened to Seth and Chloe? Bakit naging pormal itong bigla? Tanong niya sa sarili.Pero hindi na niya isinatinig pa.
“You came to see me?” tanong nito na wala man lang emosyon sa muka.
“Yes. May gusto lang sana akong ipaapprove sayo na mga documents.” Sabi niya habang inilalapag ang mga papeles sa mesa nito.
Saglit lamang nitong tinignan ang mga iyon. “Are these for the upcoming project in Batangas?”
“Oo” matipid na lang niyang sagot. Muka kasing masama ang timpla ng lalaki. Baka maling sagot lang niya ay siya ang mapagbuntunan ng galit nito.
Binasa nito ang mga papeles at saka pinirmahan. Iniabot nito sa kanya muli ang mga papeles. Tumayo ito at saka humarap sa glass wall sa gilid ng opisina nito at tila nagisip ng malalim.
“One more thing…” sabi nito na hindi pa rin tumitingin sa kanya.
“Yes?”
Humarap ito sa kanya at mataman siyang tinignan. “I hope hindi magiging sagabal ang mga personal issues ninyo sa propesyonal na trabaho.”
What is he talking about? Iniisip ba niya na may relasyon kami ni Jake? Nagsimulang tumaas ang kanyang kilay. Hindi niya gusto ang pinupunto ng lalaki.
"Mr. Alcaraz, I do wish you would go straight to the point." aniya sa nagtitimping tono.
"What I’m trying to say is, and this goes to the other employees, Hangga't maaari eh ayokong nahahaluan ng romantic tendencies ang trabaho. It’s not good for the company" ani Seth.
And boom. Doon na naputol ang pisi ng pasensya niya sa kausap.
"Mr. Alcaraz, you can expect nothing but professionalism with me. And although i think it's none of your business, sasabihin ko pa rin sa iyo. There is nothing going on beetween me and Jake." sunod-sunod niyang sabi.
He was a little shock sa pagsagot nito sa kanya. May bahid ng galit ang tono nito. But still, he was relieved to know na walang namamaagitan sa dalawa. not good fot the company o para sa sarili mo? anang isang bahigi ng isip ni Seth.
"Iyon lang po ba?" pagkaraan ay tanong nito sa kanya.
"Yes. That would be all." sagot niya na pinipigil ang sarili na mapangiti.
Lumabas na si Chloe ng silid and left him witth a huge smile on his face.
Nakalabas na si Chloe ng office ni Seth. Damn that man. Ano bang problema niya? Iniisip ba niyan inuubos ko ang oras ko sa trabaho sa pakikipaglandian? How dare him.

BINABASA MO ANG
A Night of Fate
PovídkyThis is a short story about two strangers who met on a one fine evening. They get to know each other and parted ways. As the night ended, they kept on thinking if they will have the chance to see each other again. And by some twist of fate, their ro...