Nasa office si Seth ng mga oras na yon. Medyo marami-rame din ang natambak sa trabaho niya ng alagaan niya si Chloe. Pero wala sa trabaho ang isip niya. Hell, ni hindi nga siya nakatulog dahil sa halik na pinagsaluhan nila ni Chloe kahapon. Ano bang pumasok sa isip niya at bigla na lang niya itong hinalikan.
Nasa ganoong pagiisip si Seth ng biglang may pumasok sa opisina niya. Akala niya ay si Chloe.
“Hi Seth, miss me?” masiglang bati nito sa kanya.
“Stacy? What are you doing here?”
“Aww. That’s not the response I was hoping to hear.” Kunwari ay pagtatampo nito.
“I’m sorry. Na-shock lang ako. Of course I missed you baby sissy.” Tumayo siya upang lumapit dito at yakapin. “Kalian ka bumalik galing America?” pagkaraan ay tanong niya.
“eww. Seth. Wag mo na nga akong tawaging “baby sissy” malaki na ako oh.” Reklamo nito. “anyway, kagabi lang ako dumating. Pinatawag kasi ako ni lolo Fausto.”
Apo ito ng matalik na kaibigan ng kanyang lolo na si Fausto Villaraza. Kasabay niya lumaki si Stacy, mas bata ito sa kanya ng limang taon kaya halos kapatid na turing niya dito. Madalas niya itong tawaging “baby sissy” bilang endearment.
“Bakit hindi ka man lang nagpasabe?” tanong niya.
“I wanted to surprise you.” Ngumiti ito ng matamis. “Kamusta nga pala si lolo Ed?” tukoy nito sa lolo niya.
“He’s doing great. Nakauwi na siya sa mansion. Nakakarecover na ang katawan niya.”
“That’s good to hear.”
Papasok na sana si Chloe sa office ni Seth nang marinig na may kausap si Seth na babae sa loob. Nagtataka man ay tinuloy pa rin niya ang tangkang pagpasok para ibigay dito ang mga hinihingi nitong papeles.
As she enters the room, she was suprised to see a girl hugging Seth tightly. The girl was very classy. Matangkad ito halos kasing tangkad ni Seth. Mamula-mula ang makinis na balat nito. At ang buhok nito ay mahaba na unat na unat at makintab. Bilugan ang mga mata nitong itim na itim. And her nose small and upturned. Bagay na bagay din sa muka nito ang maninipis nitong labi. All in all she looks like an angel here on earth. Nakaramdam siya ng insecurity sa sarili. Bagay na bagay ang dalawa. Isang angel at isang Greek god. Perfect match. Naramdaman niya ang pinong sakit sa kanyang dibdib sa realisasyong iyon. Ngunit hindi na niya ipinahalata iyon. Tila nagulat din ang dalawa ng mapansin ang presensya niya.
"Uhm, I'm sorry to interrupt. I came here to drop some papers you ordered me to get." aniya kay Seth in a polite tone.
"Pakilagay na lang diyan sa table."
Sinunod naman niya ito.
"Oh, by the way. Chloe this is Stacy Villaraza. Stacy this is Chloe Martinez my executive assistant."
And that hit her. Oo nga pala, empleyado lang siya nito kaya anong karapatan niya para magselos?
"Hi, nice to meet you." bati nito sa kanya at nakipag-kamay. Iniabot naman niya iyon at saka ngumiti.
"Nice to meet you, too." aniya. "Uhm, I'd better go, marami pa akong tatapusin. Baka naabala ko na rin kayo." pagkaraan ay sabi niya sa dalawa at saka magalang na ngumiti.
Iyon lang saka nagmamadaling tumalikod sa dalawa. Hindi na niya kayang makita ang mga ito. Pero bago pa siya makalabas ay nagsalita muli ito.
"Kamusta na nga pala an pakiramdam mo?" may pag-aalalang tanong nito.
Nasasaktan. Gusto sana niyang sabihin pero sa halip ay sinabi niyang "Okay naman na ako. Salamat nga pala." Sabay ngumiti para itago ang nararamdamang sakit. "Mauna na ako." Paalam niya.
Nang tuluyan ng makalabas ng office si Chloe ay saka naman nagsalita si Stacy.
"What was that all about?" natatawang tanong nito.
"What?" takang tanong naman niya dito.
"I saw the way that you looked at her with full of endearment, Seth" tukso naman nito.
"What? You're seeing things Stace."
"No, I'm not. I know you Seth. Come on tell me. Are you in love with your assistant?" diretsong tanong nito.
Gusto sana niyang magsinungaling pero para san pa? nacorner na siya ng kaibigan besides she knows him very well. Hindi siya makakapsinungaling dito.
"Okay. yes." pag-amin niya.
"What? since when?" gulat na tanong nito.
"Since that night na nakilala ko siya by some sort of fate."
Nagsimula siyang magkwento mula sa unang beses nilang pagkikita. Mataman naman itong nakinig sa bawat sinabe niya. Nang matapos siyang magkwento ay nagsalita ito.
"Oh my gosh! I can't believe this."
"I know it was wrong na makipaglapit ako..."
Pinutol naman nito an g kanyang sinasabi "No! you moron. How can you be so stupid and slow? What I’m saying is bakit hindi mo pa siya nililigawan?"
"What? Are you crazy? Besides the fact na unethical iyon sa trabaho namin, paano kung hindi niya ako gusto?"
Humalakhak naman ito na ipinagtaka niya.
"I can't believe that you're saying that. Seth Alexander Alcaraz one of the most eligible bachelors ng Pilipinas ay natatakot na baka hindi siya magustuhan ng babae? Tell me ganyan ba talaga pa in love?" sabay tumawa na naman ito.
"I'm serious. I don't wanna scare her away or something."
"Gusto ka niya Seth, hindi mo ba nakita yun sa reaction niya kanina nung makitang magkayakap tayo?"
Akala niya ay naimagine lang niya iyon. pero nakita rin pala ito ni Stacy.
"Seth, if i were you ay gagawa na ako ng move. Ikaw na rin ang nagsabe na maraming lalaki ang umaaligid kay Chloe. Ikaw rin baka maunahan ka pa ng iba. I must admit she's pretty at mukang mabait."
Para namang natauhan si Seth sa mga sinabi nito.
"Enough of Chloe." pag-iiba niya ng usapan. "Ikaw, kamusta na ba ang love life mo?"
"Ahm..." tantyang sagot nito.
"May kailangan na ba akong kilatisin?" kunwari ay pananakot niya.
Natawa ito. "Grabe ka, alam mo yun? kaya walang nanliligaw sa kin sa States eh tinatakot mo."
"Hindi ko sila tinatakot, I'm only protecting you."
"Yeah right. As I've said hindi na ako bata. And to answer your question, Yes, may iniwan akong boyfriend sa States." Pag-amin nito.
"Really? Who's the lucky guy? At kailan mo naman siya balak ipakilala sa kin?"
"Soon." sabi nito at saka ngumiti. "sige na. pupuntahan ko pa si lolo Fausto at may sasabihin daw siya sa akin. Mauna na ako."
"Gusto mo bang ihatid kita?"
"no, i brought my car."
"Okay then, magiingat ka lang sa pagdi-drive. Ikamusta mo na lang din ako kay lolo Fausto." aniya at saka hinatid ito palabas ng kanyang opisina.
"Okay, I'll call you later." humalik ito sa kanyang pisngi at saka tumalikod na sa kanya ng biglang may naalala itong sabihin.
"Oh, by the way. Keep me updated." pilyang sabi nito bago tuluyang umalis.
Napailing na lang siya sa sinabi nito.
Pumasok na si Seth sa opisina niya. Hindi mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Stacy. Natatakot siya na lumayo ito sa kanya, pero mas hindi niya yata kakayanin na makita ito sa piling ng iba. Nagpasya siyang aminin na dito ang nararamdaman. Bahala na kung ano ang magiging sagot nito. Basta desidido na siya sa gagawin.

BINABASA MO ANG
A Night of Fate
Short StoryThis is a short story about two strangers who met on a one fine evening. They get to know each other and parted ways. As the night ended, they kept on thinking if they will have the chance to see each other again. And by some twist of fate, their ro...