Chapter 5

146 5 0
                                        

Saktong kadarating lang ni Seth sa penthouse niya ng mag-ring ang cordless phone niya. He was too tired to answer calls but in the end tinanggap pa rin niya ang tawag.

“Hello?”

“Seth, Pare!”

Si Miguel Alegro iyon, best friend niya at right hand man niya. Isa itong civil engineer.Ito ang head ng current project nila ngayon sa Batangas.

“Oh, Migz. Ikaw pala. What do you have for me?”

“Na-secure na ang lahat ng necessary permits to start the construction dun sa lupa sa Batangas.Tuloy na bukas ang groundbreaking.”

“That’s good news! So wala na tayong problema?”

“So far wala na. Kaya tuloy na tuloy na tayo bukas.”

“Okay. Sige. I’ll be there.”

“Pare. You don’t have to. Anyway I’ll keep you informed naman.”

“I’ll be there, Migz.”

“Okay, sige. Ikaw ang bahala. Kita na lang tayo bukas sa site.”

“Yeah. Salamat.”

The line went dead. Kinuha niya ang kanyang cellphone para tawagan si Chloe, isasama niya ito sa Batangas bukas. CEO always needs his executive assistant by his side. Pangangatwiran niya.

Kakatapos lang magshower ni Chloe ng magring ang kanyang cellphone. Agad naman niyang sinagot ang tawag ng makitang si Seth ang caller. Ayos na sila ng binata. Siguro ay bad mood lang talaga ito ng umagang iyon.

“Hello?”

“Chloe, this is Seth. Pack your things dahil pupunta tayo sa Batangas. We’ll stay the maybe a night or two.”

“Batangas? Anong gagawin natin dun?” alam niyang mali ang magtanong sa boss niya pero huli na ng mapagtanto iyon.

“Yes. Batangas. Samahan mo akong tignan yung site na idedevelop doon.”

Buti na lang at hindi ito nainis sa pagtatanong niya. “Okay. Sige.”

“All right, I’ll see you tomorrow.” Iyon lang at pinutol na nito ang tawag.

Kinaumagahan ay nagising si Chloe na masama ang pakiramdam. Tinawagan niya si Seth na hindi siya makakasama. Mukang nasobrahan ata siya sa pagod. Pumayag naman ito at sinabing huwag ng pumasok ng opisina at magpahinga na lang.

Kasalukuyang nasa Batangas si Seth ng mga oras na iyon. Tumawag ito kanina at sinabing masama ang pakiramdam kaya magisa na lang siyang tumungo sa Batangas. Ayaw na sana niyang tumuloy pero gusto rin niyang masiguro na maayos ang lahat sa site.Gusto na niyang makabalik ng Maynila upang puntahan si Chloe. Alam niya kasing magisa lang ito sa apartment nito. Nasa ganon siyang pag-iisip ng kausapin siya ni Migz.

 “Seth, are you listening?” tanong nito sa kanya. “Are you okay, pare?” dagdag pa nito ng hindi siya makasagot.

“uh, yes. I’m sorry. So where were we?”  sagot niya.

“I said ok na ang lahat dito. Kung gusto mong umalis ay okay lang. mukang nagmamadali ka.” Nangingiti ito sa kanya. Kilala na siya ng kaibigan kaya hindi na siya tumanggi.

“Salamat pare. Ikaw na ang bahala dito.”

“Okay, tatawag na lang ulit ako for future developments.”

Iyon lang at tinungo na niya ang sasakyan para puntahan si Chloe.

Buong araw na nakahiga si Chloe sa kama niya. Ang bigat ng pakiramdam niya. Hapon nang lumabas siya ng bahay para bumili ng noodles sa kalapit na tindahan para may makain. Hilong hilo siya kaya hindi na niya kayang magluto ng matinong pagkain. Matapos makakain at uminom ng gamot ay bumalik na ulit siya sa kwarto niya upang matulog.

Gabi na ng makarating si Seth sa apartment nito. Bumili na rin siya ng pagkain sa dinaanan niya kanina. Kaagad siyang bumaba ng sasakyan at tinungo ang pintuan. Sinubukan niyang tawagin ang pangalan nito ngunit walang sumasagot kaya pumasok na lamang siya sa loob ng malamang bukas ang pinto. Madilim sa loob ng bahay. Nakita niya ang pinaglutuan ng noodles. Napapalatak siya. Sinasabe na nga ba niya na hindi pa ito nakakain ng matino. Ibinaba niya ang mga biniling pagkain sa lamesa.

Umakyat siya sa ikalawang palapag upang hanapin ito. Inabutan niya ang dalaga sa kwarto nito na nakahiga. Umupo siya sa gilid kama upang tignan kung may lagnat pa ito. Hindi na ito ganoon kainit. Siguro ay nakainom na ito kanina ng gamot.

Nagising si Chloe ng maramdaman na may nakahawak sa kanya. Nagulat siya ng mapagsino kung sino iyon. Si Seth. Pinilit niyang bumangon pero pingilan siya nito.

“Huwag mo ng pilitin tumayo. Baka mabinat ka.” Anito sa kanya.

“Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok? Akala ko nasa Batangas ka?” sunod-sunod na tanong niya.

“I’m here to check on you. Kababalik ko lang galling Batangas. I went straight here. The door was open, so pumasok na lang ako since wala naman sumasagot kanina nung tumatawag ako.“ sagot naman nito sa lahat ng katanungan niya.

“I’m okay, Seth. Umuwi ka na. I know you’re tired from the trip.”

“No, I’ll stay here hanggang sa gumaling ka. Huwag ka ng kumontra ‘coz I’m not leaving.”

Naiinis siya. Bakit kailangan pa nitong pumunta sa bahay para alagaan siya. Lalo tuloy siyang nahuhulog para dito.  “But why? Kaya ko na naman na ang sarili ko.”

The question caught him off guard. Oo nga. Bakit nga ba niya gustong alagaan si Chloe? “Dahil mahihirapan ako sa trabaho pag wala ka.” Yun na lang ang lumabas sa bibig niya. He wanted to punch himself sa sinabe. And was it a glint of pain that she saw in her eyes o baka guni-guni lang niya iyon?

She was hurt sa isinagot nito sa kanya. Gaga rin kasi siya. Tinanong pa niya hindi naman siya handa na marinig dito ang totoo. Pero hindi na niya ipinahalata dito na nasaktan siya. Ambisyosa lang talaga siya para umasa na mahuhulog sa kanya si Seth.

Hindi na rin siya kumontra sa gusto ng binate. Wala na siyang lakas para makipagtalo pa dito.

“Humiga ka muna. Ihahain ko lang yung pagkain na binili ko kanina para makainom ka na ng gamot.” anito bago tumalikod at bumaba.

Pagkaraan ay bumalik ito na hawak ang isang tray ng pagkain. Inilapag nito iyon sa kanyang side table at saka siya tinulungan tumayo.

“Kaya mo bang kumain o gusto mong subuan kita?”

 “Hindi kaya kong kumain.”  Sinubukan naman niyang kumain kaya lang nahihilo talaga siya. Kaya ang ending nagkalat lang siya.

“Akin na nga yan. Susubuan na lang kita.” Sabi nito at kinuha sa kamay niya ang kutsara.

“Ahh.” Sabi nito nang itapat ang kutsara sa bibig niya. Namula siya sa ginawa nito. “Huwag ka ng mahiya. Bilisan mo na at ng makainom ka ng ng gamot at makapgpahinga.”

Ibnuka niya ang bibig ng maliit. Nahihiya talaga siya. Hindi tuloy siya makatingin dito ng diretso. Feeling niya ay pulang pula na ang kanyang muka ng mga oras na yon.

Nakailang subo lang siya kung dahil sa hiya o dahil sa wala lang talaga siyang gana kumain ay hindi niya alam. Hindi naman na siya pinilit nito na ubusin ang pagkain. Ininom na lang niya ang gamot na ibinigay nito at saka humiga na muli.

“San ka matutulog?” hindi niya napigilang tanong dito.

“Sa sofa na lang siguro.”

“Baka mahirapan ka, ang tangkad mo kaya. Magkasya ka kaya sa sofa ko?”

“Okay lang ako. ‘wag mo na nga akong intindihin. Magpahinga ka na. Good night.”

“Okay. Good night”

Tumalikod na ito sa kanya at pinatay ang ilaw saka lumabas ng kwarto.

A Night of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon