Nagaayos na ng gamit pauwi si Chloe. Buong araw wala ang boss niya, hindi naman ito nagpasabi na mawawala pala ito ngayong araw kaya naman ng matapos lahat ng trabaho niya ay nagpasya na lang siya umuwi.
Palabas na siya ng building ng may isang lalaking lumapit sa kanya. Nagpakilala itong Mang Gardo at driver daw ito ni Seth. Sinabi nito na pinapatawag daw siya ni Seth. Sumama naman siya sa lalaki. Baka may importante itong ipapagawa kaya siya ipinatawag.
Naiinip na si Chloe. Halos lumabas na sila ng Maynila. Hindi naman niya magawang kabahan dahil muka namang harmless si Mang Gardo. Madilim na at mag-iisang oras na silang bumibyahe. Sa rest house daw ni Seth sa Laguna sila pupunta.
“Malapit na ho tayo.” Anito sa kanya.
“Manong, alam niyo ho ba kung bakit ako pinapatawag?”
“May mahalaga ho yatang sasabihin sa inyo.” Makahaulugang sagot naman nito sa kanya.
“Ano naman po iyon? Nasabi ho ba niya sa inyo?” nagtatakang tanong niya.
“Sa kanya niyo na lang po malalaman ma’am” yun lang at saka siya nginitian nito sa rearview mirror ng kotse.
Hindi na siya muling nagtanong. Nag-ayos na lamang siya ng sarili. Hindi nagtagal ay pumarada ang sasakyan sa tapat ng isang bungalow. The house was located few meters away from the beach. Kulay puti at dilaw iyon. May three steps na hagdan ito papunta sa verandah ng bahay.
Pinagbuksan siya ng pinto ni Mang Gardo.
“Ma’am, tuloy na lang po kayo sa loob.”
“Salamat Mang Gardo.”
“Wala pong anuman.”
Tinungo na niya ang bahay. Pagkapsok niya sa ay nakita niya ang isang white porch swing sa kaliwang bahagi ng verandah at sa gitna naman ay may maliit na coffee table at dalawang wooden chairs. Pumasok na siya sa loob ng bahay. Iginala niya ang mga mata sa loob ng sala. Sa punong kahoy gawa ang halos lahat ng mga kasangkapan doon. Napadako naman ang mata niya sa isang note na nakapatong sa center table. Lumapit siya at binasa ito.
Go inside the room at the right wing of the house. There's something for you in there.
Nagtataka na siya kay Seth. Ano naman kayang pakulo nito. But still, pumunta pa rin siya sa sinabeng kwarto. She found a midnight blue summer dress with a v shape neck line lying on the bed. It has white floral design on it and white ribbon belt. There's another note beside it.
Go change your clothes. I'll be waiting for you by the beach.
After changing she looked at a full length mirror. The dress fits her very well. It accentuated her sinuous body. Nang makuntento ay saka siya lumabas ng bahay at pinuntahan si Seth sa beach.
Seth smiled. Malayo pa ay tanaw na niya ang dalaga.
The moonlight was giving Chloe a silvery glow, making her beautiful face look more ethereal. Pero hindi yun ang nagustuhan niya dito. It was how her presence makes him feel so alive and comfortable. Na sa bawat ngiti nito ay parang okay ang buong mundo.
She was shocked to find a beautiful dinner set up by the beach. It was a table for two. The dim light from the torches which stand at the corner of the parameter gives a romantic atmosphere. Rose petals are scattered on the sand as she moves closer to where Seth was standing.
“You look beautiful in that dress.” Puri nito sa kanya. Pero hindi niya pinansin iyon.
“What’s this? Magpopropose ka ba?” she sounded a bit bitter when she said those words.
“Yes. I am.” anito. She could see happiness in his eyes. And it pains her to know na may gusto itong iba.
“So what am I here for?”
“Actually you played a big part here tonight.”
“As a waitress, you mean? Where’s the lucky girl?” pinilit niyang pasiglahin ang boses.
“No. ahm. Well, I don’t know if she feels lucky but she’s standing right in front of me.” Seryosong sabi nito sa kanya.
Whoa. Wait. In front of him? Ako ba ang tinutukoy niya? Naisip niya.
“Stop messing around, Seth.”
“I’m not messing around. I’m serious here.” Hinwakan siya nito sa kamay at saka sinalubong ang kanyang mga mata.
With that simple hold naramadaman na naman niya ang kakaibang kuryente na dumaloy sa katawan niya and her heart starts beating rapidly fast.
“You feel it too.” Anito. It was not a question but a statement.
“What should we do?” tanong niya.
“I don’t know. All I know is I’m willing to take a risk. Are you?”
“Yes. I wanted to Seth, but it’s gonna be complicated. Sa trabaho…”
Hindi na siya pinatapos nito “We’ll work things out. As long as I know you’re willing to take a chance on me. I promise I won’t let anything get on our way nor anyone hurt you. Please?” pagsusumamo nito.
“Okay.” Ang tangi na lang niyang nasabi. Hindi pa rin siya makapaniwala na gusto rin siya ni Seth.
Hinalikan siya nito sa labi and washed all her fears away.
“I’ve been wanting to kiss you since the day I first kissed you at your house.” Anito.
Masaya silang nagsalo sa hapunan ng gabing iyon. She never thought that a dull normal day would end like this. It’s like she’s dreaming except the man in front of her was very real. Ayaw na niyang matapos ang gabing iyon. Gabing puno ng pag-asa para sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
A Night of Fate
Short StoryThis is a short story about two strangers who met on a one fine evening. They get to know each other and parted ways. As the night ended, they kept on thinking if they will have the chance to see each other again. And by some twist of fate, their ro...