Two months had passed since nagsimulang magtrabaho si Chloe kay Seth. Their relationship is very professional while working. Paminsan minsan ay inaaya siya ni Seth to have dinner with him kapag naiiwan sila sa office to work over time. Pinapaunlakan naman niya ito. Wala naman sigurong masama doon. After all, they’re still friends. At least that’s what she wants to think. Ayaw niya sanang bigyan ng malisya ang pagaaya nitong kumain sa labas pero alam niyang lihim siyang kinikilig sa binata. Nahuhulog na nga yata siya dito. Ayaw lang niyang tanggapin dahil sa agwat nila sa buhay at dahil boss niya ito.
Nang minsang lumabas sila ay kala niya sa isang fast food lang sila kakain. but no, dinala siya ni Seth sa isang mamahaling French cuisine restaurant. Pagpasok sa loob ay napakacozy ng atmosphere. Dinala sila ng waiter sa isang table for two. Pinaghila siya ni seth ng upuan pagkatapos ay umupo na ito sa kanyang harapan.
First time niyang makapasok sa ganoong lugar. Hindi naman kasi siya mayaman pero hindi rin naman sila mahirap. Saktong may kaya lang. Matalino siya sa totoo nga ay nagtapos siya bilang Suma Cum Laude sa UP kaya hindi siya nahirapan maghanap ng trabaho. Siya pa nga ang pinag-aagawan ng iba't ibang kompanya. Nang makaluwag ay saka siya bumukod sa mga magulang para magtrabaho sa Maynila. Hindi naman niya nakakalimutan ang responsibilidad niya sa mga ito. Siya halos ang nagpapaaral sa mga kapatid niyang nasa kolehiyo. Alam niya ang hirap ng buhay. kaya laking gulat niya ng makita ang presyo ng mga pagkain. Hindi niya mapigialan ang mapangiwi.
Napansin naman ito ni Seth. "Hey, is there a problem? ayaw mo ba dito?" tanong niya sa dalaga.
"Ahh, hindi. Ano kasi. ang mahal ng mga pagkain. sa iba na lang tayo kumain" honest nitong sagot sa kanya.
Gusto niyang matawa sa sagot ng dalaga pero pinigilan niya iyon. "Don't mind the price. Let’s just eat. My treat." sabi niya.
"Treat? nako, sa dami ng treat mo sakin baka wala ng matira sa sweldo ko." seryosong sabi nito.
Hindi na napigilan ni seth ang tumawa. At ng mahimasmasan ay saka siya nagsalita "This is on me. Hindi kita sisingilin. I promise." saka siya ngumiti. Hindi na nagawang magprotesta pa sa kanya ni Chloe.
Natapos ang hapunan na puno ng kwentuhan at tawanan. Bago matapos ang gabi hinatid ni Seth ang dalaga sa apartment na tinutuluyan nito. Ayaw pa sana nitong pumayag pero madilim na rin kasi nang lumabas sila ng restaurant kaya pumayag na rin ito.
“Diyan na lang.” sabi ni Chloe nang tumapat na ang kotse ni Seth sa apartment niya
“So this is where you live.”
“Yep, Gusto mo ba munang pumasok muna para magkape?” alok niya dahil gusto pa niya talaga itong makasama.
“No, next time na lang siguro. Alam ko namang pagod ka at maraming paper works na aasikasuhin.”
“Yes. Thanks to you.” Biro niya na ikinatawa nito. “sige, papasok na ko sa loob. Ingat na lang sa pagdi-drive. Salamat.” Paalam niya.
“Okay. Good night.”
“Good night.” Iyon lang at bumaba na siya mula sa kotse nito.
Hinintay muna siyang makapsok ni Seth bago nito pinaarangkada ang sasakyan.
Nang gabing iyon ay nakahiga si Seth sakanyang kama. Pagod siya mula sa buong araw na pagtatrabaho pero parang nakalimutan niya iyon ng makasam si Chloe sa hapunan. Habang tumatagal ay mas lalo siyang napapalapit kay Chloe. Aaminin niya alam niyang mali ang makipaglapit pa dito dahil boss siya nito. Pero hindi niya mapigilan ang sarili. Gusto niya itong nakikita at nakakasama. Mas lalo niyang nakilala ang dalaga sa paglabas nila paminsan minsan. Baluktot ang mga naiisip niyang katwiran pero nagkasya na lamang siya doon at hinayaan ang sarili na makatulog.
![](https://img.wattpad.com/cover/1268325-288-k138554.jpg)
BINABASA MO ANG
A Night of Fate
Short StoryThis is a short story about two strangers who met on a one fine evening. They get to know each other and parted ways. As the night ended, they kept on thinking if they will have the chance to see each other again. And by some twist of fate, their ro...