Chapter 2

145 6 0
                                        

Kinabukasan alas syete ng umaga ang pasok ni Chloe pero ala sais y medya pa lang ay nasa opisina na siya. Unang araw niya ngayon sa trabaho at gusto niyang magpagood shot sa bago niyang boss. Hindi na gaanong masakit ang kanyang sprain. Nakatulong dito ang pagpapacheck up niya kagabi. Salamat na lang kay Seth. Nakaupo na siya sa silya ng kanyang sariling desk nang marinig niya ang papasok na mga empleyado.

“Nakita mo na ba yung apo ni sir Eduardo? Yung papalit sa kanya bilang CEO?  Ang gwapo! Maiinspire yata akong magtrabaho nito.” Anang boses ng empleyadang babae.

“Sino ba namang babae ang hindi maakit dun? Devastatingly good-looking and rich. He was one of the city’s most eligible bachelors” saad naman ng kauasp nito na kinikilig din.

Napakibit balikat na lang siya. Mukang interesting naman masyado ang pagtatrabaho niya sa company na ito. After all, may boss daw siyang strikingly handsome.

Ilang sandali pa ay dumating na ang kanina pa pinag-uusapang boss nila.  Pakiramdam niya ay matutunaw na lang siya sa kinauupuan niya pagkakita sa dumating.

Ipinatawag ang lahat sa conference room to formally introduce the new CEO ng company.

“Good Morning. I’m Seth Alexander Alcaraz, your new CEO. I expect all of you to do your job efficiently. And I’m hoping na wala tayong magiging problema now that I’m the CEO.

She blinked, hindi pa rin sya makapniwala na si Seth ang nasa harapan ng conference room. Bakit ba nung tinanong niya kung anong kurso ang tinapos nito at sumagot itong Bussiness Management eh inisip agad niyang empleyado rin ito tulad niya. Sino ba naman kasing CEO ang nakasuot lang ng simple shirt at jeans at pakalat kalat sa daan?

“Okay, you may now go back to your work.”

Iyon na lamang ang narinig niya sa speech nito sa mga staff, Kaagad naman siyang umalis sa kinatatayuan at nagtungo sa washroom upang iprocess ang lahat sa utak niya.

“Mirna, ngayon darating yung bagong executive assistant right?” tanong ni Seth.

“Yes, sir. Nakita ko na po siya kanina sa conference room.” Sagot nito.

“Tell her to report immediately in my office. I need to brief her.” Aniya bago tumungo sa sariling opisina.

Saktong paglabas ni Chloe ng wash room ng maabutan siya ni Mirna, kilala niya na ito dahil ito ang naginterview sa kanya kahapon.

“Chloe, pinapatawag ka ni Sir Seth. Report to him immediately.” Anito sa kanya.

 “Yes, ma’am” ang tangi niyang nasagot bago kinakabahang pumunta sa office ng boss niya.

Nasa harap na siya ng pintuan. Actually, hindi niya alam kung kinakabahan ba siya or naeexcite sa muli nilang pagkikita nito. She gathered all her strength as she turn the knob of the door. Nang makapasok ay nakita niya itong seryosong nakatutok sa laptop nito. Kaya hindi nito napansin ang pagpasok niya.

“Good Morning, Sir. Sorry I’m late” Masiglang bati niya rito.

Masyado nang absorbed si Seth sa binabasa niyang documents sa laptop niya. Isang boses ang nagpabalik sa kanya sa realidad. Isang pamilyar na boses. Hindi siya pwedeng magkamali, nagtaas siya ng tingin only to find out that he was right. Hindi siya makapniwala na ang taong laman ng isip niya buong gabe at ang dahilan kung bakit hindi siya makatulog ay nasa kanyang harapan.

Dahan-dahan humarap sa kanya ang lalaki at nang lubusan niya itong makita ay halos maputol ang kanyang hininga. Because right there, sitting in front of her ay ang lalaking hindi nagpatulog sa kanya sa kakaisip dito. Mas gwapo ito ngayon sa suot nitong business suit.

Kung nabigla man ito sa muli nilang pagkikita ay hindi niya alam marahil ay hindi na lamang nito pinahalata dahil kalmado pa rin ito ng magsalita “It’s all right Miss Chloe Martinez. Small world, isn’t it?”

“Did you know it was me?” tanong niya rito. “Sa totoo lang, Hindi.” Tugon nito, sabay senyas na maupo siya.

“Kung hindi mo alam na ako ang bago mong executive assistant bakit alam mo ang buong pangalan ko?”

“Miss Martinez, I make sure that I know all my employees.” Sabi nito na.

Tama nga naman, bakit ba niya kasi naisipang itanong pa iyon.

“I know, I’m sorry. Nabigla lang ako. Hindi ko kasi ineexpect.” Paliwanag niya sa binata.

“Now, shall we start?” pag-iiba nito ng usapan.

“Yes, Mr. Alcaraz.” Pormal niyang sagot.

“Seth. You may call me Seth. Can I call you Chloe?”

“Yes.” Kiming sagot niya sa kaharap.

Nagsimula na itong ipaliwanag sa kanya ang mga kailangan niyang gawin. Habang nakaupo at nakikinig sa kaharap, hindi niya mapigilan ang humanga. He was so thorough and analytical. No wonder he could run a company this big.

A Night of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon