Chapter 9

128 5 0
                                    

It’s been a two weeks since nagtapat sa kanya si Seth. From then on, they became secret lovers. They were very discreet about their relationship in the office. Ang nakakaalam lang ng sikreto niya ay ang nagiisang kapatid niya na babae na si Cassey who just moved at her place recently dahil kakatapos lang nitong magtapos sa pag-aaral at naghahanap ito ng trabaho. Palagi naman siyang pinapaalalahanan nito. Mayaman at gwapo si Seth baka dumating ang araw na iwanan siya nito masaktan siya ng sobra.

Hindi naman niya pinapansin ang mga iyon. All she know was that she loves him and she’s willing to do anything for him. And with every kiss from him is enough para mapawi lahat ng pangamba niya na balang araw ay matatapos din ang kanilang relasyon. 

Truth be told hindi niya alam kung ano ba ang relasyon nila ng lalaki. Kung sila na ba or hindi. Wala naman silang commitment sa isa’t isa. Pero umaasa siya na sa pagdaan ng mga araw ay mabibigyang linaw din ang katanungan niya at marinig mula dito ang mga salitang gusto niyang marinig mula rito. 

It's already late ng ihatid siya ni Seth sa apartment niya. Kakatapos lang nilang kumain sa labas ni Seth. Kanina pa niya napapansin ang pananahimik nito. Nag-alala na siya sa ikinikilos ng binata.

"Hey, may problema ba?" pukaw niya sa malalim nitong pagiisip.

"Ha? Ahh. Wala naman."

"Wala? Eh kanina ka pa tahimik diyan.  Tell me."

"I'm leaving."

"A-alam ko." she stammered. "You have a two weeks business trip in Korea. I should know kasi ako ang executive assistant mo."

"Baka matagalan ako. It might take me a month or more"

"Akala ko ba sandali lang iyon?"

"Well, i need to tie up some loose ends."

"Kailan ang alis mo?" pilit niyan kinontrol ang panginginig ng boses. Naiiyak na siya na malamang mahihiwalay siya ng ganoong katagal sa lalaki.

"Sa makalawa na." malungkot na sabi nito.

Niyakap niya ito ng mahigpit. "Mami-miss kita."

"I'll miss you too." sabi nito habang hinahaplos ang kanyang likuran. Lumipas ang ilang sandali na ganoon ang ayos nila. Tila ayaw pakawalan ang isa't isa. Sa huli ay nagpaalam na rin ito sa kanya.

Binibilang ni Chloe ang araw ng pagbabalik ni Seth. Isang beses pa lang siyang tinatawagan nito simula ng umalis ito. Naiintindihann naman niyang baka busy ito sa trabaho nito doon. She missed him terribly pero wala naman siyang magawa. Wala rin siyang mapagsabihan na kahit na sino sa trabaho.

Ilang araw bago bumalik si Seth ay nagulat ang lahat ng magpatawag ng general assembly si Don Eduardo Alcaraz ang lolo ni Seth. Siya, bilang executive assistant ni Seth ay kailangan pumunta dahil may mahalaga daw itong iaannunsyo.

Msaya ang bungad ng matanda sa mga tao roon. He was thee older version of Seth. Sigurado siya na pagtumanda si Seth ay ganon na ganon ang hitsura nito. 

"I'm very happy to announce a very important matter. Seth's going back here with her fiancee." Masayang iniikot nito ang mata sa loob ng conference room.

Nagpalakpakan naman ang mga tao sa narinig. Parang bigla naman nanikip ang kanyang diddib.

"I want you all to prepare for the celebration of Seth's 25th birthday sa Sabado. Doon iaanounce ang engagement nila ni Stacy Villaraza. As you all know, Chloe is the granddaughter of the business tycoon Fausto Villaraza. Kapag nakasal sila, the two companies will merge."

Nilingon siya ng matanda. "Chloe, hindi pa alam nila Seth ang tungkol dito so wag ka sanang magbabanggit ng kahit ano pagbalik niya sa office."

Pagkaraan ay bumaling na naman ito sa lahat. "Again I want Saturday's affair to be strictly secret."

Nilingon naman muli siya ng matanda. "Chloe, i want you to coordinate with Fausto's secretary for the details.

Hindi siya makasagot. Naguulap na ang  kanyang mga mata. Gusto na niyang umalis sa kinauupuan at takasan na lang ang lahat.

"Chloe?" tawag ulit nito sa kanya. "Did you get my instructions?" tanong nito.

Hindi na niya kaya pa. Tumayo siya. "Yes sir." sagot niya. "Excuse me po. Masama ang pakiramdam ko." Bago pa siya maiyak sa harap ng matanda ay kaagad na siyang tumalikod at umalis ng conference room. 

Kaagad naman siyang nagkulong sa isa sa mga cubicle para doon ilabas ang lahat ng luhang kanina pa niya pinipigil.

Alam naman niyang may hangganan ang relasyon nila ni Seth. Na hindi siya ang nababagay para dito. Ang mga katulad ni Stacy ang tipo ng babaeng dapat nitong pakasalan. Pero ang hindi niya matanggap ay hindi nito sinabi sa kanya iyon. Hindi man lang ito nakipaghiwalay sa kanya ng matino Siguro nga hindi mo talaga ako minahal. Ni hindi mo rin nga nagawang sabihin iyon sa kin. Ako lang siguro talaga ang nagmahal sating dalwa. Naisip niya.

Parang wala ng sasakit pa sa nararamdamanan niya ngayon. Durog na durog ang puso niya pero wala siyang magawa kung hindi ang umiyak.

Kinabukasan ay agad na nagresign si Chloe sa opisina. Ni hindi na niya hinintay na bumalik si Seth at pakinggan ang paliwanag nito kung meron man.

A Night of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon