Was it all in my fantasy?
Where are you now?
Were you only imaginary?Alan Walker
Faded🌸
Kring Kring Kring!
9:17 am
Sinong hinayupak naman kaya ang tatawag ng ganitong oras tuwing Saturday? Oo alam ko medyo late na ito para sayo, pero para sakin napakaaga niyan para sa 12 noon kung gising.
"ALAM MO WALA AKONG PAKIALAM KUNG SINO KA! ALAM MO BA KUNG ANONG ORAS PA LA-" Sigaw ko sa taong nasa kabilang linya.
"Well, hello din sayo MANDY." Sagot ng babeng nasa kabilang linya.
Bigla kong na realize lahat.
Saturday, 11:00 flight
Trip to Palawan, Puerto Princessa City.
"OH FUDGEEEEBARRR, Kelly! I'm so sorry I forgot na may flight pala tayo. OMG. OMG. BYE magbibihis na ako Bye."
How can I forget na may biyahe ako papuntang Palawan? HOW AMANDA?!HOW?!
Nagshower ako ng madalian, at hindi na kumain, mabuti nalang ay sinipag akong ayusin lahat ng kakailanganin ko para sa trip na to at nakapagimpake na rin.
Nakapagbihis na ako at maayos na lahat. Mabuti nalang ay malapit lang itong tinitirahan ko sa airport at nakarating ako kaagad.
Nakapagcheck-in na ako at tinawagan ko si Kelly.
"Kel? Asan ka?"
"Bench. Yellow shirt. Denim short."
"Saw you." Sabi ko habang papalapit sa kanya.
"Hi Kel! Sorry kung nalate ako napasarap kasi tulog ko. Ugh sorry talaga" sabi ko habang naga apologize.
"Haha, wag mo na yun intindihin actually natatawa ako kasi ikaw yung pinaka excited sa trip na to at ikaw pa yung nakalimot." sagot niya.
Oo gustong gusto ko talaga manibisita yung Palawan... Bakit? Hahaha syempre taga doon ako. Doon ako pinanganak at lumaki pero nung 7 ako lumipat kami dito sa Manila dahil lahat ng kapamilya namin ay nandito na. Wala na kaming naiwan sa Palawan na kahit ano o sino, pwera nalang sa mga ala ala.
Natahimik ako, ewan ko kung bakit, kahit wala naman akong iniisip o kahit ano. Gusto ko lang maging tahimik.
"So... Kamusta ka?" Nabigla ako sa tanong ni Kelly. Hindi ko inaasahan yung tanong na yun.
"Anong kamusta?" Sagot ko na parang natatawa.
"Kamusta ka?" Sa tono ng tanong niya na yun alam ko na kung anong tinutukoy niya.
"I'm going to be okay." Sagot ko sa kanya.
"Sure?"
"Sure."
Hindi na tinuloy ni Kelly yung pagtatanong dahil alam niya na masakit parin sa akin at bumalik nalang sa pagbabasa niya ng libro.

BINABASA MO ANG
That Girl Was Me
Genç KurguChildhood bestfriends na nagkahiwalay, pagkalipas ng panahon mahahanap pa nga ba ang isat isa?