Chapter Two
Lahat siguro ng dasal na alam ko ay na-recite ko na sa isip ko. Ramdam kong hindi pa rin siya umaalis sa harapan ko. Napagtanto kong hindi pader ang nabangga ko dahil walang nagsasalitang pader at walang nagagalit na pader. Nakasalampak pa rin ako sa lapag, walang lakas na tumayo o buksan man lang ang mata ko.
Normal lang naman magkabanggaan sa hallway ang dalawang estudyante,'di ba? Eh bakit feeling ko ibang iba ito?
Biglang may malakas na humatak sa kamay ko at hinila ako patayo. Ramdam ko ang mahigpit at malamig na kapit ng kamay niya sa kamay ko. Agad kong binawi ang kamay ko at tumungo. Tinitingan ko ang sapatos ko na para bang ito ang pinaka-interesting na bagay sa buong mundo.
Mag-sorry kaya ako?
Wait! Ako nga ba talaga ang nakabangga sa kanya o siya ang nakabangga sa 'kin? Sabi nila it takes two to tango kaya kaming dalawa ang may kasalanan. Ugh. Why won't he just leave? Kung gusto niyang akuin ko ang kasalanan, e di gagawin ko.
Kaming dalawa lang naman ang narito kaya hindi niya masisisi sa iba. Pero bakit hindi ako makapagsalita? Dahil ba ito ang unang beses na makalapit ako sa isang tulad niya?
Wala pang alas otso ay umaarangkada na ang kamalasan sa araw ko. Isusumpa ko talaga si Gray kung may balat siya sa pwet.
Pagka-graduate ko rito, magmamadre na talaga ako.
Bahagya kong itinaas ang tingin ko kaya nakita ko ang suot na itim na Converse ng lalaking kaharap ko.
Naghihintay talaga siya na mag-sorry ako.
Pumikit ako ulit at humakbang paatras. Sumunod din siya sa 'kin. Humakbang ulit ako paatras, umulit naman niya ang paghakbang palapit. Kahit hindi ko siya tinitingnan, nararamdaman ko naman ang mga galaw niya.
Humahakbang pa rin ako palayo at sumusunod naman siya nang biglang tumama na naman ang katawan ko kung saan.
Sure akong pader na 'tong tinamaan ko. Hindi kasi nagsalita o nagalit. Naramdaman ko ang sakit ng ulo ko sa pagtama sa pader. Physical pain yata ang hatid nitong school na ito sa 'kin.
Ang plano ko talaga ay humakbang palayo sabay talikod at takbo nang malayo pero plan failed kasi na-corner na ako. Dagdag na naman sa kamalasan ko ngayon.
Nakapikit pa rin ako kasi alam kong nand'yan pa siya. Napagsabihan na naman niya ako. Hindi ba siya nakontento na ako 'yong lumagapak sa lapag at hindi siya?
He's close. Too close. Naririnig ko ang paghinga niya, parang bigla namang nawala 'yong oxygen sa paligid ko. Air, nasaan ka na?!
Nakakulong ako sa magkabilang kamay na nakalapat sa pader.
Damn it. I'm trapped.
Ano'ng gagawin niya?
Bakit kailangan ganito pa ang kahantungan ng simpleng banggaan namin? Hindi ko kayang lumaban, di hamak naman na mas malakas siya sa akin. Hindi ko pa rin magawang buksan ang aking mata pero nagtataka na rin ako kung ano ang itsura niya.
Baka naman pag nakita ko siya ay magkasala pa ako.
Nakaiintriga 'yong itsura niya. Kung mamamatay ako ngayon, gusto ko man lang makita kung sino ang pumatay sa 'kin para maisumbong ko kay Lord pag-akyat ko ng heaven.
Curiosity killed the cat.
Bahagya kong binuksan ang mata ko. Nakita ko ang itim na buhok na mukhang pinasadahan lang ng kamay at hindi ng suklay. It was untamed. Naka-side view siya at sobrang lapit ng mukha niya sa akin kaya hindi ko makita ang itsura niya, tanging ang buhok lang.
BINABASA MO ANG
Sinclaire Academy
VampireHoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she discovers that there is more to Sinclaire Academy than what meets the eye. *** Unsure of what's wai...
Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte