Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Chapter Six

405K 11.7K 3.4K
                                    

Chapter Six

Isang buwan ang lumipas at sineryoso ko ang sinabi ni Carly Woodsen. Umiwas ako and I made sure na hindi siya makalalapit sa 'kin. For safety measures, sinigurado kong malayo talaga ako sa kanya. Lumipat ako sa bakanteng upuan sa harap sa klase na kasama ko siya. Kahit na sa hallway tuwing makakasalubong ko sila, lumiliko ako kahit na roon din naman talaga ang daan. The students in the hall part for them na para bang dagat na hinawi dahil daraan sila.

Being attacked by a vampire left a mark that's why it's better safe than sorry. He didn't care anyway. Wala na naman kaming close contact after that. Nagiging comfortable na ako sa paligid ko because I was getting the hang of living in Sinclaire Academy.

Pero minsan, nakikita ko si Carly at palagi niya akong nililingon. I didn't know why though. Minsan nga ay nginingitian pa niya ako. Ang sabi niya ay lumayo ako kay Senri, hindi lumayo sa kanya. She's confusing me really, pero sinakyan ko na lang ang trip niya. I sometimes smile back when no one's looking. She seemed nice, despite the rumors going on na maldita raw si Carly Woodsen so it's better not to talk to her. I think they're just intimated. Totoo naman, not only Carly, but Cain and Senri who's always beside her—guarding her.

"Alam mo matagal ko nang napapansin ha, bakit tingin nang tingin sa 'yo si Carly?" Gray threw a suspicious look at me while we're eating lunch.

"Siguro napagtanto niyang magkasingganda kami," pabiro kong sagot. Binato ako ng tissue ni Mia at kumunot naman ang noo ni Gray. "I'd kill to get that kind of attention from a Woodsen, especially the male one."

"Seryoso na ako." I dropped my fork at tinignan silang dalawa. "Hindi ko talaga alam, pero bet ko talaga yung maganda theory. Pumili ka na lang doon kung ano ang gusto niyong paniwalaan." If I tell them the truth, they won't believe me anyway.

Everyone's attention was on the Fearsome Four again when they entered the dining hall. Like everyone else, hindi ko rin maiwasang hindi tumingin sa kanila, lalo na kay Rianne DiLaurentis.

Rianne DiLaurentis showed herself on my second day here, and they were right na maganda siya. Mukha siyang prinsesa. I was awestruck with her beauty the first time I saw her kahit na hindi ko pa sila kilala noon. Gray and Mia filled me in. She got the same reaction as the trio nang pumasok siya sa dining hall noong araw na 'yon which wasn't surprising. Kumpleto silang apat na nakaupo sa table nila na nasa gitna ng dining hall. Rianne was in the middle of Cain and Senri while Carly sat next to her twin. They were aware that all eyes were on them. Araw-araw ganito palagi, walang nagbabago. Parang first day nila palagi rito with the stares they're getting.

"Ayos din 'tong si Carly, 'no?" Gray pursed her lips.

"Nako kung si Cain ang titingin sa 'kin nang ganyan, baka nasa langit na ako ngayon." Mia laughed and glanced dreamily at Cain Woodsen.

"Lalo naman si Senri! Pabalik-balik na ako sa kalawakan n'on!" The two burst out laughing at what Gray said. Napailing naman ako. "Hay nako, 'wag ka nang umasa. Wala ang smile sa vocabulary n'on!" Mia sighed after her laugh subsided.

"Paano mo naman nasabi 'yan?" I asked.

Humarap siya sa 'kin at tiningnan ako nang deretso. "Sabihin mo nga sa 'kin, sa tinagal mo rito, kailan mo siya nakitang ngumiti o magpakita ng ibang emosyon bukod sa emotionless face na 'yon? I'm not complaining pero sa gwapo niyang 'yan, magpakita naman siya ng emosyon kahit minsan para kahit sa panaginip, alam namin kung ano ang itsura ng ngiti niya."

Pinipigilan ko ang tawa ko sa sinabi ni Mia. Well, someone's a fan.

"Fangirl."

"Pagpa-fangirl na lang ang exciting sa buhay ko." She stuck her tongue out at me at may hinalungkat sa bag niya. Naglabas siya ng isang stainless box at kinuha niya ang isang syringe na may lamang pulang likido sa loob.

Sinclaire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon