Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

Chapter Three

397K 12.4K 1.4K
                                    

Chapter Three

You can immediately recognize vampires based on their physical traits alone. Marami ang mamamangha sa kanila dahil sa kakisigan at kagandahan nila. Their complexion, aura, and beauty were different from the normal human standard, and they knew how to carry themselves in situations like this.

Noon, sa news lang ako nakakikita ng vampires dahil sa liit ng Eraie. Sa human school na pinag-aaralan ko dati, marami akong classmates na nahuhumaling sa vampires. Back then, I couldn't understand why they acted like that. Hindi ko rin naman gustong tanungin sila because I was never one to hang out and gossip. But now, I understand kung bakit gano'n na lang ang pagpa-fangirl nila.

Vampires were insanely beautiful creatures. They waltzed in like they owned the place. May dumeretso sa food area, mayroon ding umupo agad sa tables nila, may iba pang naki-socialize na sa human friends nila. They just lounged around like normal teenagers na nagtatawanan, nagkukulitan, at may iba pang naghahabulan.

Aside from their insane beauty, they all looked normal. Patuloy ko silang pinagmasdan, my food already forgotten.

"Kung makatingin ka sa kanila, iisipin ko na ngayon ka lang nakakita ng vampires."

Napailing na lang ako at matipid na ngumiti. Kung alam niya lang. If it were up to me, magpapaiwan na lang ako sa Eraie kahit wala naman akong iiwang importante roon. My comfort zone was there. Alam ko ang daan ko kung saan-saan at dito ay hindi. Kilala ko ang mga tao sa paligid ko samantalang dito, kahit kapitbahay namin ay hindi ko kilala. Siguro ay masasanay rin ako. Time will tell.

My story right now was twisted. It turned 360 degrees like those cliché heroines in books. Biruin niyo, sa isang iglap ay narito na ako at walang alam kung ano ang mangyayari kinabukasan. I just hope I'll get by this school year dahil kung hindi ay hindi ko alam ang gagawin ko. At least I made a new friend on the first day. That's good, right?

"Uy, Gray, sino 'yang kasama mo?" a voice said behind me. I turned around to see a beautiful girl staring down at me as she hugged her books close to her chest. I blinked at her a few times, appalled to see a vampire up close. Excluded ang nangyari kanina because I didn't count that as part of my day. Kalimutan mo na, Adri!

Bahagya kong tiningnan ang braso ko. Bigla tuloy akong nahiya sa itsura ko.

"Siya 'yong roommate na sinasabi ko sa 'yo." Tinuro ako ni Gray gamit ang tinidor.

The girl nodded, her mouth forming a simple "Oh." then umupo siya sa tabi ko at inilapag ang dala n'yang libro sa lamesa.

"I'm Mia. Mia Shawn." Mia held her hand out for me, offering a gentle smile.

Tinanggap ko agad, my own hand felt clammy. Sana hindi niya mapansin. "Adrianna Walter. Adri na lang."

"Saan ka galing, Mia? Nang magsimula ang klase, bihira ka lang nagpapakita sa akin," tanong ni Gray sa kanya at pinunasan ang labi gamit ang puting panyo.

Binuksan ni Mia ang isang libro. "'Di ba palagi naman akong busy tuwing unang linggo ng klase? Hindi ka pa nasanay. I'm still struggling with my afternoon subjects dahil hindi ako makontento."

Mia turned to me. "Ikaw, Adrianna? Ano-ano ang subjects mo?"

"Uh..." I paused for a moment, recalling what I saw on my form. "Literature yata ang sunod ko rito."

"Parehas tayo. Gusto mo sabay na tayong pumasok? Iba na kasi ang klase ni Gray mamaya."

Tumango na lang ako. She's a vampire pero ayaw kong ipakita sa kanya na hindi ako comfortable because she seemed nice. Sadyang kailangan ko lang talagang masanay.

Sinclaire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon