Chapter 2

16 1 0
                                    

"ARAY! DAHAN-DAHAN ka lang naman sa pagpapatong mo niyan sa mukha ko, Alex," reklamo ni Allen habang pinapatungan ni Alex ng ice pack ang pasa sa mukha na natamo niya. Hindi niya naiwasang mapangiwi dahil doon. He couldn't really believe it. Isang babae ang nagbigay ng pasang iyon sa kanya!

Totoo ang sinabi niya kay Relaina na ito pa lang ang babaeng nakagawa niyon sa kanya. Mas madalas na sampal ang inaabot niya sa mga babae, lalo na kapag nakipag-break na siya sa mga nakarelasyon niya noon. But no girls had ever punched him hard like what Relaina did. May mga pagkakataon noon na umuuwi siyang may pasa sa mukha dahil madalas siyang napapaaway sa labas ng eskuwelahan. Ngunit nangyayari lang iyon kapag inaabangan siya ng mga basagulerong estudyante ng Oceanside at nagkataong pinakiusapan ng mga ex-girlfriend niya ang mga iyon. Bilang ganti lang daw sa paglalaro niya sa puso ng mga babaeng iyon na ilang linggo lang ang itinagal sa kanya. Kadalasan ay hindi pa lumalampas ng isang buwan.

Well, he couldn't help it kung masyado siyang lapitin ng mga babae. After all, he was born a charmer. Namana daw niya ang isang major trait ng mga Cervantes, ayon sa kanyang ina. Technically, panganay siya sa tatlong magkakapatid kahit sabihin pang may kakambal siya. Limang minuto ang tanda niya kay Alex. His mother Fate Olivarez belonged to the Cervantes clan—one of the few prominent clans in Altiera—and one of the amazing surgeons he had ever met. Sa katunayan, pagiging doktor ang pangarap ng bunsong kapatid niya na si Armand. His father Cedric Olivarez became a private investigator after quitting the military service. Isa ito sa tumutulong sa mga maternal uncles niya sa pamamahala ng Twin Rose Agency, ang security agency na pag-aari ng mga Cervantes at dela Vega—another of Altiera's prominent clans. Plano naman ni Alex na sumunod sa yapak ng ama na maging isang private investigator.

Kaya misteryo sa kanya kung bakit imbes na Criminology ang kunin nitong kurso, naisipan nitong kumuha ng Architecture. Siya naman ay Civil Engineering ang kinuhang kurso. He wanted to become an engineer, just like his mother's sister Engr. Cecille Cervantes Mercado. He still has a few more years for him to achieve that, though. Kaya naman pinagbubutihan niya ang pag-aaral.

Tatawa-tawa lang si Alex habang patuloy pa rin ito sa pagpapatong ng ice pack sa napinsalang bahagi ng mukha niya. "Hindi lang naman kasi ako makapaniwalang may babae pang maglalakas-loob na gawin iyon sa iyo. Ano ba kasi ang pumasok diyan sa kukote mo at hinalikan mo si Relaina pagkatapos kang bigyan ng pasa sa mukha?"

Honestly, hindi ko rin alam, sagot niya sa isip. Umismid lang siya at hindi niya sinagot ang tanong nito. Hindi niya maisip ang naging rason kung bakit nga ba niya ginawa iyon. All he knew, he was smitten at the sight of her eyes, as if he was enchanted upon seeing them. Or maybe his darn ego should be the one to blame dahil sinuntok siya nito at pagkalakas-lakas pa. Hindi pa niya matukoy sa ngayon. Ang tiyak lang, nagustuhan niya ang ginawa niyang paghalik dito. Pero hindi niya inakalang ang mapangahas na paghalik niya kay Relaina ang magbibigay sa kanya ng ibang klaseng sensasyon. Sensasyong bago sa kanya.

Kaya lang, wala sa hinagap niya na gagantihan siya nito ng isa pang suntok sa kabilang pisngi at tinuhod pa siya nito. Noon lang siya nakakilala ng babaeng kayang gawin ang ganoon sa kanya. Ang mga babaeng nakakakita sa kanya ay laging kinikilig, nagpapapansin, nanlalandi at pinagnanasaan siya. Kung hindi naman ay hinihimatay kapag kinikindatan niya. Hindi naman sa pagmamayabang—kahit alam niyang may kayabangan talaga siya—pero iyon ang totoo. Ngunit iba si Relaina. Matapang ito at tila hindi man lang tinatablan ng kaguwapuhan niya. Kung tingnan siya nito, tila kaya talaga siya nitong katayin dahil sa kapangahasang ginawa niya rito.

Patuloy pa rin sa ginagawa si Alex nang lapitan sila ng isang teenager na lalaki na may hawig sa kanilang magkambal. Si Armand iyon, ang bunsong kapatid niya na mas bata sa kanila ni Alex ng tatlong taon.

✔ | I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon