Chapter 9

19 2 0
                                    

ISANG MALALIM na buntong-hininga ang itinugon ni Rianne nang ihayag na ng emcee ang hudyat ng bouquet toss. Araw iyon ng kasal nina Rianne at Alex. Inabot ng humigit-kumulang tatlong buwan ang preparasyon ng mga ito. Gusto kasi ni Alex na maging memorable ang kasal na iyon para kay Rianne. And it looked like he succeeded. It was the grandest wedding she had ever seen... so far. Ginanap ang seremonya sa simbahang karugtong ng Hacienda Rosalia, ang hacienda kung saan nakatirik ang ancestral house ng mga Cervantes at villa ng mga dela Vega. Naroon sila ngayon sa malawak na hardin ng ancestral house para sa reception. Karamihan sa mga bisita ng mga ito ay may sinasabi sa buhay. Ang mga trabahador naman ng hacienda ay sa pahingahan nagkakasiyahan kasama ang pamilya ng mga ito.

During the ceremony, hindi niya napigilan ang sariling bigyang-pansin ang porma ni Allen at hangaan ito. He definitely looked handsome sa suot nitong barong-Tagalog. Kung ikukumpara sa mga lalaking pinsan at kababata nito, kahit wala siyang itulak-kabigin sa kakisigan ang mga iyon, mas nakakalamang pa rin sa kanya si Allen. Papasa na itong groom. Tiyak na suwerte ang babaeng makakasilo sa puso nito at nanaisin nitong mapangasawa.

Kung ako na lang sana ang bride niya... Teka lang! Bakit ganoon agad ang pumasok sa isipan niya? Nang tingnan niya si Allen, dagli ang pagbilis ng tibok ng puso niya dahil nakatingin din pala ito sa kanya. Sabay silang napangiti at natawa nang walang tunog. Oh, well. Wala naman sigurong masama kung iyon ang pumasok sa isip niya. After all, she already said to herself that she only wanted Allen to be her groom and no one else. Pero gugustuhin ba nito na siya ang maging bride nito? Sana nga...

"Don't you want to catch the bouquet?" tanong ni Allen nang lumapit ito at naupo sa katabi niyang upuan.

"I'm not exactly in the mood to catch a bouquet right now."

"Ako rin. Wala rin ako sa mood sumalo ng garter mamaya. Mas gusto ko na ikaw ang sasalo sa bouquet para ikaw ang susuotan ko ng garter," ngingisi-ngising tugon nito.

Napangiti na lang siya. The past three weeks since she came back had been busy. Hindi lang para sa mga bagong kasal kundi pati na rin sa kanila ni Allen. They dated most of the time even though they were busy helping Rianne and Alex with the wedding preparations. Palagi itong nasa tabi niya at nakaalalay sa kanya. Hindi rin pumapalya ang pagiging sweet at maaalalahanin nito. Hindi rin nito mapigilang sermunan siya kapag nakakaligtaan niya ang oras ng pagkain. Daig pa nito ang mama niya sa sobrang concern sa kanya. Hindi tuloy naiwasang tumaba ng puso niya sa mga pinaggagagawa nito. Mahal niya ito pero lalo pa yata itong napapamahal sa kanya. Tila ba sa ipinapakita nito ay bumabawi ito sa mga panahong nasayang dahil sa paglisan niya at sa amnesia nito noon.

Pinagmasdan nilang dalawa si Rianne habang naghahanda ito sa pagtapon sa bouquet na hawak nito. Bigla siyang nakadama ng lungkot nang may maalala siya.

"Hindi ko akalaing wala na si Tita Marie. Kung nandito pa siguro siya, sigurado ako na isa siya sa matutuwa sa kinahinatnan ng relationship nina Rianne at Alex."

NAPATINGIN SI Allen kay Relaina nang marinig ang sinabi nito. Dama niya sa tinig nito ang lungkot habang sinasabi iyon. Parang gusto tuloy niyang pagsisihan na sinabi pa niya dito ang nangyari kay Tita Marie. Pero hindi niya gustong ilihim iyon sa dalaga. Gustong-gusto ni Relaina si Tita Marie. Kaya naman hindi na kataka-taka sa kanya nang sabihin niyang matagal nang patay ang paborito niyang tita ay ganoon na lang ang paghagulgol nito.

Tita Marie died in a vehicular accident six months after Relaina left the country. Na-coma pa ito nang mahigit isang linggo. Nang magkamalay naman ito, ilang oras lang ang itinagal nito. Tila ba binigyan lang ito ng pagkakataong makapagpaalam sa mga taong mahal nito, lalo na sa kaisa-isang anak nito na si Miette. Nagbilin lang ito sa anak ng mga dapat nitong gawin at ipinaubaya nito sa dalaga ang flower shop na pinamamahalaan ng ginang. Sinabihan naman siya nito na sana ay maalala na niya ang importanteng taong kinalimutan niya at tiyak na nagdurusa dahil sa pagkawala ng alaala niya kasama ang taong iyon.

✔ | I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon