"IF I COULD hold on to love, I'd never let it go. I'd keep it right next to my heart. If I could hold her tonight, I'd never leave her side. If I could only hold on to love..." Bumilis ang tibok ng puso ni Relaina nang marinig niya ang pamilyar na kantang pumailanlang sa paligid. Naroon siya sa pinakamalaking hardin ng ancestral house kung saan abala ang karamihan sa mga kasambahay sa paghahanda para sa birthday celebration ni Armand mamayang gabi. Pero hindi doon nakatuon ang atensiyon niya. Nakapokus siya sa lalaking naroon sa stage at kasalukuyang tumutugtog ng piano. Pakiramdam niya ay nagbalik siya sa nakaraan kung saan unang beses niyang narinig si Allen na kumanta noong School Festival at noong finals week nila kung saan ay naging magkaibigan sila nito sa unang pagkakataon.
Bumaling ito sa kanya at ngumiti nang maluwang nang matapos itong kumanta. Ilang sandali pa ay may kinuha ito sa tabi nito at tumayo sa kinauupuan. Tumalon ito pababa sa stage at lumapit sa kanya. "I hope you like my surprise for you on our ninth anniversary. And to complete it all..." Inilagay nito sa kamay niya ang pitong pink carnations. "I'm giving you these flowers again. And this time, I won't make a promise. Ayoko nang biguin ka for the second time. Nangako ako noon na hindi kita malilimutan, 'di ba? Only in the end, I never managed to fulfill them. Ang sakit n'on para sa akin, alam mo ba iyon?"
Napaluha siya nang maalala ang tinutukoy nito. Huminga siya nang malalim at tiningnan ito. "If you're not going to make this flower's meaning a promise, what are you going to do with it? It's not entirely your fault kung bakit nangyari ang mga iyon sa ating dalawa. Wala kang kasalanan kung nakalimutan mo man ako. At kahit ilang beses mo man akong kalimutan... Ilang beses man akong umalis dahil masakit para sa akin ang paglimot mo, babalik at babalik pa rin ako para ipaalala sa iyo na ako ang taong nakatakda mong mahalin habang-buhay. At sisiguruhin ko na hindi mo iyon malilimutan kahit na kailan. I'll let your heart remember all that. I'm saying all these because I have faith in our pledge. That no matter what might come between us, we'll love each other till—"
"Till beyond eternity," pagtatapos nito sa mga sinabi niya. "I know. And I'm glad you've held on to it." At bigla ay niyakap siya nito nang mahigpit na tila ba mawawala siya sa isang iglap kapag pinakawalan siya nito. In the process ay nabitiwan niya ang basket na hawak niya para yakapin din ito.
Right now, all she wanted to do was to hug him and feel his warmth that she missed so much. Ang akala talaga niya ay mawawala na naman ito sa kanya dahil sa mga nangyari kahapon. Hindi niya alam kung anong klaseng pagpapaliwanag ang ginawa ni Joseph para ipaintindi kay Allen ang lahat. But she was glad it turned out well.
Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan siya. "I already read your journal and the letter where you wrote the promise you were talking about. Thank you dahil tinupad mo iyon. I also read the other letters that you wrote every twenty-eighth of each month for the past eight years."
"Binigay ni Kuya Joseph sa iyo ang mga iyon?" She couldn't believe it. Oo nga at alam ng kapatid niya ang tungkol sa journal at sulat. But she never thought that her brother would take those letters from California and hand it over to Allen. Was that how Joseph explained everything?
"Ginawa niya iyon dahil gusto niyang ipaalam sa akin kung gaano kahalaga sa kanya ang kaligayahan mo. Your brother entrusted your happiness to me. And I have no plans of breaking that trust, Laine. Hinding-hindi ko na hahayaang umiyak ka at maging malungkot ulit nang dahil sa akin. Hindi ko nga lang ipapangako iyon. Gagawin at ipaparamdam ko na lang sa iyo sa bawat araw na daraan sa buhay nating dalawa."
"Don't be afraid of making a promise to me, Allen," pag-a-assure niya rito. "Ang mga pangako mo ang pinanghawakan ko noong mga panahong malungkot ako at nasasaktan dahil alam kong nagmula iyon sa puso mo. The last promise you made—the one about not forgetting me—was something that your heart had fulfilled. I've been in your heart all this time. Kahit nasasaktan ako noon dahil hindi mo ako maalala, may pakiramdam ako na hindi talaga naglaho sa puso mo ang mga alaalang pinagsaluhan natin. Napatunayan iyon ng mga sinabi sa akin ni Rianne tungkol sa mga observations niya noon sa iyo." Binanggit si Rianne sa kanya ang tungkol doon ilang araw bago ang kasal nito. She was surprised to hear all of it but she chose to believe in it.
"Like watching you in secret while you were in the library or in the music room or at the park while you were crying alone? Pati iyong paghahanap ko sa iyo noong bigla kang nawala, iyon pala ay umalis ka na? Even the fact that I cried and let myself get drunk kahit hindi ko alam kung bakit nasaktan ako nang malaman kong wala ka na at baka hindi na bumalik pa? Sinabi ni Rianne sa iyo ang lahat ng iyon?"
Ngumiti siya at tumango dahil sa mga sinabi nito. "Thank you."
"For what?"
"For holding on to me."
"I should be the one saying that. But I know one way for you to thank me."
"What?" And just like that, Allen gave her a breathtaking kiss that she had been yearning to feel again for a long time. Noon lang niya naalala na kahit nagde-date sila nitong mga nakalipas na linggo ay hindi pa siya nito hinahalikan sa mga labi. Kaya siguro nag-alangan siya kung mahal pa rin ba siya nito. Pero ngayong mapusok at malalim ang halik na iginagawad nito sa kanya, dagling naglaho ang pag-aalangan niya. Now she knew and could feel that he really loved her—the same way she loved him. She wouldn't stop doing so whatever happens from then on.
Habol nila ang hininga na pinagdikit nito ang mga noo nila nang tapusin nito ang paghalik sa kanya. "Your lips are sweeter than I last remembered them. You have no idea how much I longed for me to do this. I love you... so much."
"I love you, too," maluha-luhang sagot niya at hinaplos ang pisngi nito. "Thank you for waiting for me."
"Then marry me if you really want to keep on thanking me. Be with me. Be the biggest part of my life from now till eternity just like what I've always wanted for us," seryosong sabi nito.
She chuckled after her mind finally absorbed what he said in her mind. "I'm sorry. I just... realized that this was the place kung saan kita sinagot noong magtapat ka sa akin. Birthday din iyon ni Armand. And now, we're on the same place and on the same ocassion. The only difference is that now you're asking me to marry you." Then she planted a kiss on his lips. "Of course, I have no plans of refusing. So yes, I'll marry you."
Muli ay hinalikan siya nito nang mahimasmasan ito sa pagkagulat na buong puso niyang tinugon. Narinig niyang nagpalakpakan ang nasa paligid. Nahihinuha na niyang kumpleto ang buong pamilya ng mga Cervantes at dela Vega, maging ang pamilya niya, na saksi sa pagpo-propose ni Allen sa kanya.
"Here in my heart lies a promise that you and I will be together whatever happens. No matter what may come between us, we'll love each other till beyond eternity," sabay na wika nila sa pangakong pinanghawakan nila nang labis sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan nila. Marami pa silang pagsubok na pagdaraanan sa sandaling hinarap nila ang panibagong yugto ng buhay nila. Pero iisa lang ang nakatitiyak sila.
Hinding-hindi sila bibitiw sa pag-ibig na nagbuklod sa mga puso nilang minsang naghanap ng tunay na pag-ibig. Their hearts finally found each other and now they knew one thing—they finally found their home.
A home meant for their hearts to live in till beyond eternity.
THE END
BINABASA MO ANG
✔ | I'll Hold On To You
Romance『COMPLETE』 Disaster na maituturing ni Relaina ang pagdating ng campus crush na si Allen Anthony Olivarez sa buhay niya-kahit sabihin pa na ito ang kauna-unahang lalaking iba ang impact sa kanya sa simula pa lang. Bigyan ba naman kasi siya nito ng he...