"BAKIT BA kailangan pang dumating ang Valentine's Day? Nakakawalang-gana tuloy," tila nababagot na reklamo ni Relaina habang papasok sila ni Rianne sa school gym ng Oceanside. Tinawanan lang siya nito. Kasabay ng Valentine's Day ang School Festival ng unibersidad na tumatagal ng isang linggo kaya naman kabi-kabila ang activities at booths ng bawat colleges, school departments at clubs. Ikalawang araw iyon ng school festival at nagkataong tumapat sa Araw ng mga Puso. Wala naman sanang problema sa kanya ang nasabing okasyon. Kaya lang—
"Ako na lang ang date mo, babes!" Narinig niyang nang-aasar na sigaw ng isang taong laging panira ng araw niya. Boses pa lang nito ay sapat na upang kumulo to the highest level ang dugo niya. Nakakabuwisit!
"Iyan ang rason kung bakit nakakawalang-gana ang ganitong okasyon," inis na aniya. At lalo siyang naiinis dahil hindi niya nagugustuhan ang reaksiyon ng puso niya gayong boses pa lang ni Allen ang narinig niya. Sa loob ng mga panahong naging kaklase niya ito sa tatlong subjects niya, palaging ganito ang epekto ni Allen sa puso niya. Mukhang tumatak na yata sa puso niya ang atraksiyong unang beses niyang naramdaman pagkakita niya rito noon. Tila lumala pa iyon nang maging partner niya ito sa dance practicum may tatlong linggo na ang nakalilipas. It was the first time she was near Allen without them fighting.
Then she remembered the Sweet William that Rianne gave her—na kalaunan ay nalaman niyang galing pala kay Allen. Hindi niya nakuhang mainis sa ungas na iyon nang malaman niya ang tungkol doon. In fact, she was grateful because for the first time, someone gave her a flower. And not just any flower given to her randomly. Rianne said that its meaning was something that Allen wanted her to do in exchange of it. Nag-research siya tungkol sa kahulugan ng naturang bulaklak. Sweet William actually meant "grant me one smile". But she did what the flower wanted to say in secret. Next time na lang niya ngingitian ang ungas—kapag matino na ang pagkakaayos ng turnilyo sa utak nito at hindi na siya asarin pa.
"Ikaw naman, patulan mo na lang ang pagpapapansin ni Allen sa iyo. Tingnan mo nga, siya na itong nagpiprisintang maging ka-date mo. Minsan lang daw mangyari iyan, sabi ni Alex."
Umismid siya. "Puwede ba? Kung siya rin lang ang magpiprisintang maging ka-date ko, mas gugustuhin ko pang huwag nang makipag-date. Panira lang iyan ng araw ko."
"Sinabi mo, eh." Pero nasa tono nito na hindi ito naniniwala sa sinabi niya.
Nakita niyang palapit sa kanila si Alex. May ibinulong ito kay Rianne na ikinaaliwalas ng mukha ng pinsan niya matapos niyon.
"Aina, okay lang ba kung iwan muna kita dito? May pupuntahan lang kami ni Alex sandali," ani Rianne na hindi mabura-bura ang ngiti sa mga labi nito. "Aina" ang madalas na tawag nito at ng mga magulang niya sa kanya dahil masyado daw mahaba ang "Relaina".
Nakangiting tumango siya. "Okay lang. Sanay naman na akong iniiwan sa ganitong okasyon, eh," nagbibirong pagpayag niya. Napailing lang ito at nagpaalam na sa kanya. Nakangiti siya nang umalis ang mga ito subalit unti-unting napawi iyon nang tuluyan na itong nawala sa paningin niya. Hindi niya alam kung tama bang makadama siya ng pananaghili sa pinsan dahil nagkaroon ito ng pagkakataong makasama ang lalaking espesyal sa puso nito. Kahit pabiro ang pagkakasabi niya, totoo sa loob niya ang mga katagang sinambit niya. Sanay na siyang iniiwan tuwing Valentine's Day. Sanay na hindi pinapansin.
Ni-reject siya ng dalawang lalaking naging espesyal sa kanya. Matapos niyang ipagtapat sa mga ito ang sa tingin niya'y nararamdaman niya, nilalayuan na siya ng mga ito. At ngayong si Allen naman ang nagpapatibok nang mabilis sa puso niya—kahit na anong pigil niya—she couldn't bear another rejection for the third time. Anyway, wala naman siyang planong ipaalam dito ang nagiging reaksiyon ng puso niya kapag nasa malapit lang ito. Mamamatay muna siya bago nito malaman iyon.
BINABASA MO ANG
✔ | I'll Hold On To You
Romansa『COMPLETE』 Disaster na maituturing ni Relaina ang pagdating ng campus crush na si Allen Anthony Olivarez sa buhay niya-kahit sabihin pa na ito ang kauna-unahang lalaking iba ang impact sa kanya sa simula pa lang. Bigyan ba naman kasi siya nito ng he...