KITANG-KITA ni Allen mula sa veranda ng ancestral house ng mga Cervantes sa bayan ng Altiera ang malawak na hardin niyon. Kararating lang niya galing Manila dahil na sa pakiusap ng kakambal niyang si Alex na siya ang maging best man sa nalalapit nitong kasal. Tatanggihan sana niya ito pero hindi niya magawa iyon. Minsan lang makiusap sa kanya si Alex ng mga bagay-bagay. Wala siyang tinanggihan sa mga pakiusap nito maski ni isa. Hindi niya gustong biguin ito lalo na sa pinakamasayang araw sa buhay nito. Lamang, may dahilan kung bakit alangan siya noong una na pagbigyan ang pakiusap nito. Dahilang alam niyang alam din ni Alex.
Nakatuon ang atensiyon niya sa mga bulaklak na nakatanim doon. Doon siya dinala ng kanyang mga paa nang maisipan niyang magpahangin sa labas. Kunsabagay, iyon ang paborito niyang lugar sa ancentral house bukod sa silid niya. Gusto niyang naglalagi sa veranda kapag gusto niyang mapag-isa at mag-isip. He was fond of looking at flowers ever since he was a kid. But looking at them right now allowed his mind to travel through time—back to those special times when flowers became the witness of the most wonderful part of his life.
"Ang hilig mo talagang magmukmok. Kung kailan aalis na ako kinabukasan, saka ka pa ganyan. Hindi na ba maaabot iyan dahil sa layo ng nilalakbay?" anang tinig sa likuran niya.
Napakurap siya nang marinig iyon, dahilan upang mapalingon siya. He smiled when he saw his friend-client Joseph Benedict Juller grinning while approaching him. Ito ang una niyang kliyente nang makapasa siya sa board exam ng Civil Engineering at mag-umpisa siyang magtrabaho sa Cervantes Construction and Development Company, ang kompanyang pinamamahalaan ng maternal aunt niyang si Cecille Mercado. Siya ang kinontrata ni Joseph sa pagpapatayo ng isang restaurant sa Los Angeles na pag-aari nito. Sinundan iyon ng ilan pang kontrata mula rito dahil nagustuhan nito diumano ang trabaho niya. Ang latest project nito sa kanya ay ang building na magsisilbing branch ng Special Hearts Publishing o SHP—ang publishing company na pag-aari ng pamilya nito sa Glendale—sa Pilipinas. Regalo daw nito iyon para sa "special someone" nito na babalik na sa Pilipinas.
"Madali lang para sa iyo na abutin iyon. Ikaw pa, magaling kang bumasa ng nilalaman ng isipan ko," aniya at muling ibinalik ang tingin sa hardin.
Tumigil ito sa tabi niya at nakimasid sa hardin. "Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagagawa ko iyon, Allen. I may be older than you but that doesn't mean I could read your deepest thoughts. Tulad na lang ng dahilan kung bakit nagmumukmok ka dito habang nakatingin sa mga bulaklak."
Tulad ng sabi nito, mas matanda ito sa kanya. Apat na taon ang pagitan ng mga edad nila ni Joseph. Tumanim sa isip niya ang mga sinabi nito. Was he really that hard to read right now?
"Is the reason a woman?" nananantiyang tanong nito.
Napalingon siya nang marahas rito. Joseph smiled sadly. "I should've known. And if I'm not mistaken, she was a very special woman."
Hindi siya umimik. Suddenly, memories started invading his mind. Memories of music, of Valentine's Day, of one love he knew he'd never feel to any other woman again, of a woman he kept on looking forward to return to his life. "She'll always be. Wala naming ipinagbago iyon," sagot niya sa mahinang tinig.
"Lucky woman. So how long have you actually wished for her to return?"
"Ever since she left eight years ago."
Nanlaki ang mga mata nito. Natawa siya nang makita iyon. "O, bakit ganyan kung manlaki ang mga mata mo? Hindi ba kapani-paniwala?"
"Sa totoo lang, hindi talaga kapani-paniwala. Ganoon ka katagal naghintay? I can't believe you'd be this faithful to her. Bihira na lang ang tulad mo, Allen. Sa guwapo mong iyan, walang maniniwalang hindi ka nagpapalit-palit ng girlfriend."
"Eh sa hindi nga dahil wala naman akong plano't dahilan para gawin iyon. Ibinuhos ko ang lahat ng panahon ko sa trabaho." Totoo ang sinabi niya. Yes, he had his carefree days until he reached first year college. But ever since he found the love he wanted, wala na siyang ibang minahal kundi ang babaeng iyon sa nakaraan niya. Pinatunayan iyon ng nakalipas na walong taong hindi siya nakipag-date at trabaho lang ang inatupag niya. For the twenty-seven years old acclaimed charmer of the Cervantes clan, masasabi niyang wala talagang maniniwala na hindi siya playboy.
"Pero hindi ka pa rin masaya." It was a statement that pricked his heart a thousand times .
He sighed. "Magiging masaya lang ako kung babalik siya sa buhay ko. Then everything I've worked hard for will have a greater sense to me."
Katahimikan ang muling bumalot sa kanila. Hindi siya sigurado kung naiintindihan siya ni Jospeh. Kung magkagayon man, nagpapasalamat siya. His throat tightened as he faced the garden once again. Ngunit tila nawalan na ng kulay ang mga bulaklak na pinagmamasdan niya. Everything turned gray. But he knew it would come to this. "Laine..." he uttered. Love and pain were in his voice, he was sure of it. Hindi niya itinago iyon. Kailan ka kaya babalik sa buhay ko, Laine? Iyon ang tanong na hindi naglaho sa kanyang isipan at tila nakaukit na sa puso niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/114339760-288-k983434.jpg)
BINABASA MO ANG
✔ | I'll Hold On To You
Romansa『COMPLETE』 Disaster na maituturing ni Relaina ang pagdating ng campus crush na si Allen Anthony Olivarez sa buhay niya-kahit sabihin pa na ito ang kauna-unahang lalaking iba ang impact sa kanya sa simula pa lang. Bigyan ba naman kasi siya nito ng he...