Chapter 7

10 1 0
                                    

PINISIL NI Relaina ang kamay ni Allen na nananatili pa ring nakapikit. Naroon sila sa Rose General Hospital—ang pinakamalaking ospital sa bayan ng Altiera na pag-aari at pinamamahalaan ng mga Cervantes at dela Vega—at doon na siya nagkamalay matapos ang pangyayaring iyon sa park. Dalawang araw na ang nakalilipas mula nang maganap iyon. Dalawang araw na ring walang malay si Allen at nakaratay sa isa sa mga private rooms ng ospital. Hindi niya alam kung ano ba ang nangyari para makita niya ang sarili sa ospital nang magkamalay siya pero ipinaliwanag nina Rianne at Alex ang lahat sa kanya.

Ayon sa mga ito, hindi na daw maganda ang kutob ni Tita Fate sa maagang pag-alis ni Allen sa ancestral house. Pagkatapos niyang tawagan si Alex, humingi ito ng tulong kay Tito Cedric na nagkataong nasa town proper ng Altiera at papunta sa bahay ng mayor upang pag-usapan ang isang kasong pinapaimbestigahan ng huli. Pareho na silang walang malay ni Allen nang dumating ang tulong kaya agad silang dinala sa ospital. Sa tulong ng mga tauhan ni Tito Cedric, nahuli ang lahat ng mga kasangkot sa pangyayari nang gabing iyon. Tumestigo ang isang kaibigan ni Vivian na tila hindi na nakatiis sa pinaggagagawa ng dalaga at isa sa mga saksi sa pinagdaanan nilang magkasintahan. Sinampahan ang mga ito ng kaukulang kaso.

But even after that, hindi pa rin niya makuhang mapalagay dahil maraming isipin ang bumabagabag sa kanya. Idagdag pa ang pag-aalala niya para sa nobyong tumanggap ng pahirap na dapat sana'y para sa kanya. Dalawang araw na itong walang malay na resulta ng head injury na tinamo nito. Mukhang ang ulo nito ang nadale nang husto ng mga lalaking iyon. Sa tuwing makikita niya sa isip ang duguang anyo ni Allen, hindi niya maiwasang umiyak.At sa loob ng dalawang araw na iyon, pinag-isipan niya nang husto ang plano niya tungkol sa offer ni Tita Joan sa kanya.

Pero alam niyang makakapagdesisyon lang siya sa oras na magising na sa pagkakahimbing si Allen. Iyon ang isa sa mga signs na hinihingi niya upang makapagdesisyon siya. Looking at him like this, however, only weakened her resolve to selfishly leave him just to fulfill her dreams. Hindi niya maatim na iwan ito sa ganoong sitwasyon dahil siya ang may kasalanan kung bakit ito nakaratay doon. Siya ang dapat na naroon; hindi si Allen.

Natigil ang pagmumuni-muni niya nang maramdamang kumilos ang isang daliri ng kamay ni Allen na hawak niya. Muli niyang pinisil ang kamay nito upang siguruhing hindi siya nagkakamali ng nararamdaman. Laking-tuwa niya nang maramdamang kumilos ang ilang daliri nito kasabay ng pag-ungol mula rito; indikasyong nagkakamalay na ito. Pigil niya ang hininga habang hinihintay itong magmulat ng mga mata. Hindi niya mawari kung para saan ang kabang bigla niyang naramdaman subalit binalewala niya iyon. Ngunit nang magbukas na ito ng mga mata at tiningnan siya, wala siyang makitang bakas ng rekognisyon sa mukha nito. Hindi niya alam kung saan galing ang tila punyal na tumarak sa puso niya nang marinig niya ang inusal nito na nagpamanhid sa kanyang buong katawan.

"S-sino ka?" tanong nito sa paos pang boses ngunit tila isinigaw iyon sa tainga niya sa tindi ng impact niyon sa kanya. Those words had definitely crushed her heart to bits.

LORD, ITO po ba ang sign na ibinigay N'yo sa akin para makapagdesisyon na ako? Bakit parang ang lupit po yata nito? Bakit sa lahat pa ng malilimutan niya, ako at ang pag-iibigan namin ang naglaho sa isipan niya? Parusa ba ito? Ang sakit naman po yata nito para maging final sign na hinihingi ko, puno ng pait at sakit na dalangin—o mas tamang sabihing hinanakit—ni Relaina paglabas niya sa kuwarto kung saan naka-confine si Allen. Lumabas siya roon na tila wala nang maramdaman kahit ano maliban sa 'di-matatawarang sakit na tila tumutupok sa kanyang buong pagkatao. It was hell. Ayon kay Fate, isang bahagi ng utak ni Allen ang nagkaroon ng pinsala base na rin sa lumabas na resulta ng MRI nito. More or less, may ideya na ang doktora na mangyayari kay Allen ito—ang hindi maalala ang ilang bahagi ng nakaraan nito. In this case, he inadvertently forgot the past two years of his life, noong mga panahon pagkatapos nitong gr-um-aduate sa high school.

Hindi niya alam kung paano niya nakausap ang nobyo nang hindi man lang umiiyak dahil sa sakit ng kaloobang nararamdaman. Pinalabas niyang isa lang siyang kaibigan na tumulong dito nang madisgrasya ito. Gusto sana niyang sabihin dito ang totoo—na siya ang nobya nito—subalit hindi niya magawa. Hindi na niya kakayanin pa ang tila kutsilyong sasaksak na naman sa kanyang puso kapag nakita niya sa mukha nito na hindi ito naniniwala sa katotohanang iyon. Perhaps saying that they were friends would at least lessen the tension between them kahit tutol sa ideyang iyon ang mga magulang nito. Pero sa totoo lang, iyon na yata ang pinakamasakit na mga salitang binigkas niya sa taong mahal niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang mga salitang lumabas sa bibig niya.

Nang hindi na niya kaya pa ang sakit, napasandal siya sa dingding na katabi lang ng pintong nilabasan niya at doon umiyak. Sinikap niyang huwag lakasan iyon kahit na alam niyang mahihirapan siya. Tutop ng dalawang kamay niya ang bibig upang pigilan ang pagkawala ng mga hikbing alam niyang lalabas dahil sa pag-iyak niya. Dala ng nadamang panghihina sa mga pangyayari, unti-unti siyang dumausdos paupo sa sahig at napahagulgol. Wala sa hinagap niya na sa ganito hahantong ang lahat. Bakit kailangang masaktan siya nang ganito katindi? Isa ba ito sa mga magpapaalala sa kanya ng failure niya kay Allen? O baka nga ito ang sign na hinihintay niya mula sa Diyos.

Nagpatuloy lang siya sa paghagulgol. Hindi na niya alintana na may mga tao sa gawing iyon ng ospital at tiyak na pinagtitinginan siya. She would just let it all out until she was okay, even though she clearly knew it was close to impossible—for now. Nang tuluyan na siyang kumalma makalipas ang ilang minuto, umalis na siya doon. She left the place with heavy steps and a crushed heart.

THE REST of the semester was pure torture for Relaina. Hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataong muling makasama si Allen matapos ang mga pangyayari sa ospital. Ni hindi na nga niya ito malapitan para magkausap man lang sila kahit pa gustuhin niya. Bumalik na naman kasi ang dating gawain nito sa mga babae. Kaysa masaktan pa siya nang husto sa nakikita at naririnig ay lumalayo na siya rito. Pati na rin sa ibang tao. Hindi niya gustong kaawaan siya ng tao dahil doon. Sapat na ang pahirap na nararanasan niya dahil para na rin silang naghiwalay ni Allen matapos ang insidente.

Tinapos na lang niya ang natitira pang dalawang buwan ng semester na iyon dahil nanghihinayang siya kung hindi pa niya tatapusin iyon. Ginawa niya iyon kahit mahirap. Matapos ang finals, napagdesisyunan na niyang umalis ng bansa dahil tinanggap na niya ang offer. Pero bago siya tuluyang lumisan ng Altiera, ipinagkatiwala niya kay Tita Marie ang journal niya kung saan nakalagay ang mga bulaklak na bigay ng nobyo sa kanya. Naroon din ang isang sulat ng pagpapaliwanag para kay Allen. That letter held a promise that she would definitely fulfill in time. Hindi niya gustong manatiling panaginip lang ang lahat ng namagitan sa kanila ni Allen. Pero sa ngayon, kailangan muna niyang patigasin ang kanyang puso kung gusto niyang matupad ang pangakong nakasaad sa sulat.

Sana lang ay maintindihan siya ni Allen kahit na wala itong maalala tungkol sa kanya...

✔ | I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon