A L E X U S
Napaangat ang tingin ko. Isang lalaki na may hawak na baril. Hindi ko makita ang kaniyang mukha dahil sa dilim ng paligid. Hindi ko masuri kung pulis gaba ito dahil mahahalata mo dapat iyon sa tindig ng katawan nila.
"Fuck! I will fucking kill them once we're met again." Nakatingin lang ako sa kanya. Lalaking-lalaki ang boses nya at may pagkano pa ang boses nito! Tumayo na ko, yuyuko na sana ako ng yakapin nya ko.
"Are you okay, baby?" Malambing na sabi. Napakunot ang noo ko.Sinong baby 'yon? Ano pinag-sinasabi nya?
Bumitaw ako sa pagkayakap at tumingin sa kanya ng diretso. Duon ko nakumpirma na hindi siya pulis.
"U-uuwi na k-ko! Hindi kita kilala!" utal utal na sigaw ko. Tatakbo na sana ako na higitan nya ko at nanlaki ang mga mata ko nang maglapad ang mga labi namin. Nag-init bigla ang pisngi ko sa ginawa nya. Iyon ang unang halik ko! Bakit niya ginawa 'yon?! Katulad ba siya sa mga lalaki'ng binastos ako?! Babastusin niya ba ako?! H-hindi ko kakayanin!
"I'll take you home." Saad nya at humiwalay sa'kin. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nya. Gusto ko na umuwi siguradong hahampasin na naman ako ni tita nito.
"Gusto ko na umuwi! Umalis ka na. 'di kita kilala!" Bulyaw ko at nagmadaling tumakbo. Habang tumatakbo ako buti hindi sya nakasunod pa. Sino ba sya ni hindi ko nga alam ang pangalan nya o kahit ano pa man?! Baka kung ano pa ang gawin niya akin. Mas natatakot pa ako sa kaniya kaysa sa mga lalaki kanina dahil may baril ito.
Pagkarating ko sa bahay. Pagbukas ko palang ng pinto naka-abang na pala sa'kin sila tita. Parang mangangain sila sa itsura.
"Malandi ka talaga! Siguro lumandi ka naman, noh?! Kaya antagal mo umuwi! Gutom na gutom na kami tapos ikaw nagpapakasaya sa paglalandi mo, hah?!" Sigaw sakin ni tita at sinambunutan ako ng maghigpit.
"Ahh! Tita, 'di naman po ako lumandi ang totoo nyan may nagtangkang manggahasa sa akin!" Sabat ko.
Napadaing ulit ako ng iloblob nya ko sa drum. Hindi ako makahinga! Parang napapasukan na ng tubig ang tinga ko. Tinaas ulit ni tita ang ulo ko.
"Napakalandi mo at sa akala mo maniniwala kami sa mga pinagsasabi mo, hah?! Sinong gago ang papatol sa hamak na sampid sa bahay na ito! Isang bobita!!" Singhal nya sa tainga ko. Bakit ba palagi na lang nila sinasabi sa akin ang hindi naman totoo?
Nabibingi ako sa pagsigaw nya sa tainga ko. Kasabay no'n ang pagtulak nya sa'kin ng malakas. Napadaing ako sa sakit.
"Tita ayoko na po! Parang awa nyo na!" Makaawa ko. Hindi sya sumagot, kumuha sya ng sinturon at pinagpapalo sakin.
"Sana magtino kang malandi ka! Bobita!" Asik ni tita. Narinig ko naman si Krisha tumatawa sila, rinig na rinig ko ang mga pangungutya nila sa sakin. Iyak lang ako ng iyak hanggang magsawa sila.
Sobra na sila sakin, umakyat agad ako sa kwarto ko at nagpatuloy sa pagiiyak. Titiisin ko to 'di rin ako makakaalis dito dahil wala naman ako mapupuntahan. Saan ako pupulutin? Napayakap na lang ako sa tuhod habang umiiyak.
Mama....ayoko ko na po dito.
Kasabay ang pagtulo ng luha ko, walang katapusan na atang pagtulo nito dahil hindi ko na mapigilan.
*bruuuu*
Bigla naman kumalam ang sikmura ko. Oo nga pala paano 'yan hindi ako makakakain dahil papaluin na naman nila ako.Tiniis ko na lang ang gutom ko at hinayaan ko na lang ang sarili ko makatulog.
KINAUMAGAHAN...
*tok*
*tok*
"Alex!! Gumising ka na daw!!"
*tok*
BINABASA MO ANG
Adopted By The Possessive Badboy (Revising)
General FictionAdopted by the possessive badboy ♡《Revising》♡ ♡♡♡ Si Alexus Soriano na lumaki sa kinikilala niyang pamilya ngayon at ilang taong naging alila sa puder ng kaniyang kinilalang tiya. Ngunit nang makilala niya ang misteryosong binata ay nagbago ang kani...