Kabanata XII

8.2K 139 5
                                    


T H I R D P E R S O N



Sa kalagitnaan ng paglalakad ng binata, tumunog ang kanyang cellphone. Agad nya ito kinuha at sinagot.

"What it is?"

[Your mother, young master.] Sagot ng nasa linya.

Nagtiim kanyang bagang at parang binalot ng itim na aura ang katawan nya.

"Where is she?" Kalmadong tanong ng binata.

[She will be arriving at exact 7 pm. Young master, you must have to fetch her before 7 pm.] Anya nito.

"Why would i? Tsk. She have a chauffeur and i don't want to deal with her! NEVER!!" Galit na saad ng binata at marahas na pinatay ang tawag.

Pinakalma nya muna ang sarili nya bago pumasok ng kotse pero bago nya man isarado 'yon. Napakunot ang noo dahil may isang itim na kahon ang nakaagaw pansin sa kanya. Nasa harap 'yon ng kotse nya.

Lumakad sya papunta sa kahon at kinuha 'yon. May nakalagay na stationary, kakulay iyo ng kalangitan na may bahid ng mga dugo. Binasa nya ito.

His fist clenched hard and he slammed the box on the ground.

"Goddammit! Get the hell out of my life!! Thalia!!" Inis na sigaw nya at kitang-kita nya ang mga kumakalat na pulang likido na alam nyang dugo iyon. Sinipa nya pa ang kahon at padabog na sumakay ng kotse sabay pinaharurut ito.





°°°°°°°



A L E X U S



Matapos ang klase namin, lumabas na ang mga kaklase ko at naiwan akong magisa. Bumuntong hininga ako.

"Hindi muna ako kakain. Ayoko din lumabas!" Malungkot na bulalas ko.

Humalumbaba ako at pinagmasdan ang tanawin sa labas. Kitang-kita ko ang mga puno dito pati ang magagandang halaman.

Kung nandito lang si...Hidden. Ano na kayang ginagawa nuon?
Pinagmasdan ko lang ito hanggang may makarinig akong nakakaakit na musika.

Ang sarap pakinggan, napapikit ako at dinamdam ang musika. Parang ito 'yong naririnig ko sa mga kwentong pambata pero mas maganda ito.



*click*



Napamulat ako ng biglaan at napatayo. Ginala ko ang aking paningin pero walang ibang tao dito maliban sa akin. Tuloy-tuloy parin ang musika na parang papahina ito.

"Saan kaya 'yon?" Tanong ko sa sarili ko. Lumakad ako palabas ng klase at hinahanap kung saan galing ang musika na 'yon.

Lakad lang ako ng..Lakad. Hanggang mapunta ako sa rooftop. Binuksan ko ang pinto at patuloy ako sa pagpasok.

May nakita akong isang kahon kulay pula ito na may isang malaking bilog na may butas sa gitna, plaka ata iyon, kung saan galing ang tugtugin. Nilapitan ko ito, nakaramdam ako ng kaba at takot.

Namatay naman bigla ang musika at huminto sa pag-andar ang bilog na plaka.



*click*



Kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung saan galing ang mga naririnig kong isang pitik.

Tinitigan ko muna ang kahon at sinuri, naalala ko 'yong kahon! Namaraming dugo na may manika, nanginig ang buong katawan ko at napaupo sa harap ng kahon. Hindi naman mainit ngayon pero nagkukulimlim ang kalangitan.Bubuksan ko sana ang kahon ng biglang gumana ang bilog na plaka at nakarinig ako ng garalgal na tunog. Nakakakilabot ang bawat tunog.

*ehem*


*click*



Napatayo ako at di ko sinasadyang mabangga ang kahon. Nanlaki ang mga mata ko dahil umagos ang kulay pulang likido sa sahig. Umatras ako.

"Du.....d-dugo!!" Wala sa sariling bigkas ko. Nakakatakot! Natatakot na ko! Nangangatog na ang mga tuhod at ang labi ko.

"There is a girl were so in-touch with him..that stupid girl, low IQ. She will be killed and the true-worthy queen, the high class and lovable queen, desire to love back by the king she'd love..." Tumutugtog pa rin ang kanta sa bilog na plaka. Napatakip ako sa tinga ko at pumikit. Nakakatakot ang boses na 'yon.

Paatras ng paatras ako at hindi ko alam kung san pupunta. Ang tanging naiisip ko lang ay...I need him...

Adopted By The Possessive Badboy (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon