A L E X U S
Paggising ko. Agad ako bumangon at naligo atsaka hinanda na ang susuotin ko. Sabi daw nya dapat suot ko 'to. Hindi talaga mawala ang saya sa akin.
Pag bababa ko, nakita ko si Krisha.
"Ang ganda nito!" Manghang bulalas nya. Mamaya ganyan din ako kaso 'di ko pa sinusuot. Napatingin sya sa'kin.
"Inggit ka noh?! Hmp.. Kawawa ka naman 'di ka makakapagaral! Ha!Ha!" Pang-iinis nya. Umiwas na lang ako at naghain na para sa hagaan.
"Bilisan mo! Papasok pa ko! Sirado daw muna ang karenderya dahil walang bantay ang bahay!" Sambit nya. Umupo sya sa upuan.
Salamat naman makakapasok na din ako. "Sige." Mahinang usal ko.
Kumain na kami. Pagkatapos..
"Huwag kang magpapapasok! Tanga ka pa naman!" Sigaw nya sabay umalis.
Nang makaalis sya agad ako umakyat sa kwarto. hindi ko alam ang gagawin ko, pero naisip ko na kakailanganin ko din ang mag-aral kaya kinuha ang uniporme sa ilalim ng kama ko. Buti 'di pa to gusot. Magkano kaya ang bili dito?
Naligo muna ako bago isuot ang damit. Inayos ko na rin ang mga gamit ko at sinilid sa bag. Nagsuklay na ko at sinukbit ang bag sa balikat ko.
Handa na ko! Bumaba agad ako at lumabas ng bahay. Sinirado ko na rin ang bahay. Sa kagustuhan ko pumasok sa paaralan, iniwan ko ang bahay. Sana mamayang gabi pa sila umuwi. Sana rin maunahan ko si Krisha umuwi. Narinig ko na ang busina ng sasakyan,
*beep*
*beep*
Agad ako lumingon at nakita ko ang itim na kotse. Iba na naman ito sa dating nakita ko. Bumukas ang pinto at sya ang lumabas. Suot nya ang uniporme na tatak Golden university! Kaso iba kulay ng uniform nya sakin. Sakin itim, sa kanya puti. Bakit kaya? Palapit ito sakin.
"Hey, let's go!"Sabi nya. Parang alam ko 'yong sinabi nya ibig sabihin no'n tara na 'di ba? Buti na lang may alam ako kahit kunti lang.
"A-ah.." Mahinang usal ko. Bigla nya ko hinigit at pinasok sa kotse nya. Agad nyang pinaandar ang kotse ng sobrang tulin halos mawalan ako ng malay.
G O L D E N U N I V E R S I T Y
Pinarada nya ang kotse nya nang makarating kami ng eskwelahan. Sa pagbaba namin. Agad ako namangha sa laki at ganda ng eskwelahang ito. Napakaganda bagay na bagay talaga ang mayayaman dito.
"Close your mouth." wika nya. Teka ano bang pangalan nya? Nahihiya pa rin ako. Lahat-lahat na nga, tinulungan niya ako makapasok dito
Lumapit sya sakin at sinirado nya ang bibig ko. Ay! Nakakahiya talaga!
"Mauna ka na may gagawin lang ako bye!" Pagkasabi nya no'n umalis na sya. 'Di ko pala alam ang mga pasikot-sikot sa eskwelahang ito.
Naglakad na lang ako. Maraming mga estudyante ang nakatingin sakin at nagtatawanan pa. Naiilang tuloy ako na sulyapan sila dahil sa paraan ng paninitig nila sa akin.
"How poor? Pano kaya 'yan nakapasok dito? Ew!"
"Yeah! Ang panget pa!"
Puro pangungutya ang mga naririnig ko galing sa mga bibig nila. Nasasaktan ako sa mga sinasabi nila, dapat talaga 'di na lang ako pumasok. Alam ko naman ako ang pinapatamaan nila dahil ako lang ang mahirap dito at isa pa sa akin sila nakatingin.
Napatingin ako sa paanan ko. Ginamit ko kasi 'yong sirang sapatos kasi wala akong bago. Bumubuka na rin ang unahan ng sapatos ko parang kumakain. Nakakahiya tuloy.
Tumaas ang tingin ko at nanlaki ang mga mata ko. H-hindi pwede.... Nakita niya ako.
"Ikaw!! Bakit ka nandito, hah!? Diba wala kang pera! Saan galing 'yang uniporme mo!! Sagot!" Sigaw ni Krisha. Nasa harapan ko at galit na galit. Maraming estudyante ang nakatingin tila nanghuhusga ang kanilang mga mata. Yumuko na lang ako.
"Krisha, may--" Napahinto ako ng sambunutan nya ko. Ang sakit. Naiiyak na 'ko sa ginagawaniya. Kunga bakit ko kasi siya nakita. Hindi mangyayari ito.
"Ano hah!!? Nagnakaw ka noh! Ninakawan mo ang sarili mong kapamilya sampid ka lang naman!! Nainggit ka sakin kaya nagawa mo 'to oh ANO?!! Tapos gan'to ang igagante mo sa amin, hah!! Malanding bobita!! Magnanakaw pa ng kapwa kapamilya!!" Galit na galit na sigaw nya sa tainga ko at pwersahan ako itinulak. Napadaing ako, may bato ata sa likod ko eh. Ang sakit parang 'di na ko makatayo.
"ITONG BABAENG TO! MALANDI TO! MAGNANAKAW! BOBITA PA! DUKHA!! PWEE!!" Malakas na sigaw nya. Mas lumakas pa ang bulong-bulungan. Habang si Krisha nakangisi at hindi natinagan sa mga sinasabi ng ibang estudyante.
"What the hell happening here?! And who told you to hurt my girl!!" Agad ako napatingin sa galit na boses.
Sya! Nandito na siya at galit.
"P-prince?" Nanginginig na sambit ni Krisha.
Nakita ko'ng palapit sya sakin at inalo ako ng dahan-dahan.
Hindi nakatakas sa akin ang mga bulungan.
"What?!! "
"Magkakilala sila? No way!! "
"One wrong move again or else... I will rip your neck, right here, right now!" Galit na galit na sigaw nya at binuhat ako parang pang kasal.Marami ang nagulat at napanganga.
Nakakatakot sya!! Natatakot ako sa mga mata nya'ng handang pumatay.
Umalis kami sa eksena'ng iyon at tumungo kami sa kotse nya at pinasok ako sa loob.
"G-gusto ko nang umuwi!! A-ayoko na dito!" Natatakot na saad ko.Bumuntong hininga sya bago sumagot.
"Ok. But next time, i will take you away from them." Wika nya at pinaandar ang kotse.
Ilang oras din kami ng makarating ng bahay. Agad ako bumaba at pumasok agad ng bahay. 'Di na ko tumingin sa kanya.
Gusto ko umiyak! Pinahiya na naman ako ni Krisha sa maraming tao! Ayoko na muling pumasok dun!! Sigurado akong malalagot na naman ako kay tita kapag nagsumbong sya. Hindi. Hindi pwedeng magsumbong siya. N-natatakot ako.
Alas tres na nang dumating si tita buti na lang wala pa si Krisha.
"Magbantay ka na pala ng karenderya at pagkatapos bumili ka ng uulamin natin!" Utos nya at binigay sa'kin ang 180 pesos.
Tumango na lang ako at pumunta ng karenderya. Nagbantay lang ako maghapon..
Marami ding kumakain sa amin. Mag-gagabi na pala. Agad ako nagsara ng karenderya at tumungo ng market. Sigurado akong dumating na si Krisha at alam kong magsusumbong 'yon kay tita. Bugbog na naman ako nito.
Matapos ko mamili.. habang naglalakad ako parang may nagmamasid sa'kin. Luminga linga ako pero wala naman! Napasapo ako at binalewala na lang.
Nagpatuloy na ko sa paglalakad.
Nang makarating ako ng bahay.. ang dilim-dilim dito sa labas. Nadatna ko si tito sa labas ng bahay, may hawak sya'ng bote ng alak. Papikit-pikitpa ito.
"*hik* *hik* Alesshhuusshh!! Luma- *hik* -pit ka nga dituu *hik*" Wika nya. Lasing sya! Ang gulo nya magsalita!
Tumingin sya sa'kin ng malagkit bigla naman ako nakaramdam ng takot! Papasok na sana ako ng bahay ng higitin nya ang buhok ko. Masakit ang pagkakahila niya!
"A-aray! Tito!! H'wag po!!" Natatakot na hiyaw ko. Bigla nya naman ako pinahiga at pumaibawbaw sya sa'kin.Hindi! Ayoko na nang ganito! Natatakot na ko! Mauulitna naman ba? Ayoko. Ayoko.
"Hahaha!! *hik* napakinish mo*hik* at seksyi pa*hik*" Parang manyak na wika nya.
Bigla nya hinawakan ang damit ko at pilit 'yon sinisira.
"Titaaa!!! Tul--!" Tinakpan nya bigla ang bibig ko.
Napaluha na lang ako at pilit na kumakawala.
"Tuma-*hik* himiksh ka!" Sigaw nya.Hinahalikan nya ako sa leeg pababa.Sinusuntok ko naman sya pero bigla nya ko sinikmurahan kaya napadaing ako sa sakit.
"Hmmm!!" Pilit na sigaw ko. Hindi ako makawala! Napapikit na lang ako habang umiiyak. Sinira nya ang pang-itaas ko kaya napamulat ako.
Hahawakan na nya sana ng may biglang sumuntok sa kanya.
"Fuck! Who gave you a permission to touch her with your filthy hands, asshole!" Galit na galit na sigaw nya. Para talaga siya'ng papatay sa itsura niya.
At pinagsusuntok si tito. Lumalaban si tito pero dahil napuruhan sya kanina 'di sya makatayo.
"Fuck you!! I will surely kill you!!!" Galit parin na sigaw nya.
Pinagbubugbog nya si tito hanggang magkapasa at naliligo na ito sa sariling dugo. Iyak lang ako ng iyak. Bigla naman bumukas ang pinto at nilabas do'n sila tita na gulat na gulat.
"Papa!!"
"Roberto!!" Sigaw nila tita.
Agad sila tumungo kay tito sabay na tumingin sa'min.
"Walang hiya kayo!! At ikaw Alexus, pinakain kita! Binihisan tapos ganito ang igagante mo at nagnakaw ka pa!!" Galit na sigaw ni tita. Yinakap naman ako ng lalaking hindi ko alam ang pangalan. Natatakot na ako sa lalaking katabi ko, makakapatay na siya sana kung hindi lumabas sina tita at Krisha.
"You were never treat her well. I knew it from the very start. I'll kill you but before that i will make you living like hell. Count on me!!" Malakas na sigaw nya at 'yong mga ibang kapit-bahay namin nakatingin na sa amin. Natameme naman sila, maging ako. 'Di ko alam ang pinagsasabi nya! Kahit kelan!
"Let's go out of here!" Bulong nya sakin at binuhat ako pang kasal.Iniwan lang namin sila tita.
Pinapasok nya ko sa kotse nya. "Wear this." Sambit nya at hinubad nya ang polo nya sabay dinamit sakin kaya ngayon nakasando na lang siya. Hindi ba siya nilalamig.
"Fuck! Papatayin ko talaga sila!!" Inis na sabi nya at pinaandar ang kotse.
Siniksik ko na lang ang sarili ko sa gilid ng sasakyan. Nakakatakot.
TO BE CONTINUE....
![](https://img.wattpad.com/cover/113968577-288-k505147.jpg)
BINABASA MO ANG
Adopted By The Possessive Badboy (Revising)
Ficción GeneralAdopted by the possessive badboy ♡《Revising》♡ ♡♡♡ Si Alexus Soriano na lumaki sa kinikilala niyang pamilya ngayon at ilang taong naging alila sa puder ng kaniyang kinilalang tiya. Ngunit nang makilala niya ang misteryosong binata ay nagbago ang kani...