A L E X U S
"Alexusss!!! Napakatanga mo naman! Maghugas lang ng pinggan 'di mo pa magawa, hah?!" Galit na singhal sakin ni tita Angie. Sya si tita Angie, ang natitira ko'ng pamilya na umalaga at nagpalaki sa akin. Wala na ko'ng ibang malalapit na kamag-anak kung hindi si tita Angie. Kaya kahit ganito ang trato nila sa akin, tinitiis ko dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya.
"A-aayusin ko na po tita." Mahinang sambit ko. Nakayuko at kinakabahan dahil sa sasabihin niya.
"Huwag ka kasi tatanga-tanga, hah! May trabaho pang naghihintay sayo!" Sigaw sakin ni tita. Umalis na ito at ako naman hinuhugasan ang mga pinggan at iba pa'ng hugasin.
Ako si Alexus Sariano, labing walong taong gulang. Simula nang tumungtong ako sa pamamahay na 'to ay laging inaalila at inaapi katulad na lamang ni Krisha Solidad ang anak ni tita Angie na lagi ako'ng inaapi, ang sabi pa ng mga kapit-bahay namin siya ay pasaway at kikay na anak at laging nakukuha ang gusto, mahirap lang kami at ang mga gusto ni Krisha ay nabibili ni tita kahit mamahalin pa ito.
Nagtataka na lang ako minsan kung nasaan na nga ba ang mga magulang ako at bakit nila ako iniwan kay tita Angie. Dahil paggising ko na lang nandito na ako sa kanilang bahay at yuon na nga nag-iba ang pamumuhay ko.
Nagulat na lamang ako nang marinig ko ang boses ni Krisha.
"Bruha ka! Bilisan mo na dyan baka malintekan ako ni mama sayo eh!" Sigaw sa akin ni Krisha. Yumuko lang ako sabay tango, Kanina lang pinag-uusapan ko siya ngayon sumulpot naman.
"O-oo." Sagot ko.
Tinapos ko na ang paghuhugas at dumiretso na sa karenderya ni tita. Tumutulong sa mga gawin sa karenderya. Ako kasi ang gumagawa nito, dahil si Krisha abala sa mga gusto nya'ng gawin at higit sa lahat nag-aaral pa ito samantala ako ni hindi man lang nakadama na makapag-aral dahil wala akong matandaan na nag-aral ako. Sa totoo niyan, hindi ako pinag-aral ni tita Angie dahil kapos na nga sa pera pero naiinggit ako sa binibigay ni tita Angie para kay Krisha ngunit ako kahit magmaka-awa ako ay hindi niya pa rin ako magawang pag-aralin.
"Tita, ako na po ang gagawa diyan." Saad ko. Lumapit ako at kinuha ang mga baso.
"Sige, pagkatapos mo patuyuin ang mga baso, ilagay mo dito." Sabi ni tita.
Sumunod naman ako. Dahil ayoko maging tamad sa paningin niya, mahirap na dahil ayoko masaktan na naman. Naalala ko na naman ang mga ginawa ni tita Angie sa akin. Masakit man ang dinanas ko pero hindi ko gugustuhin mapalayas dito dahil ito na lang natitirang pamilya ko at wala naman ako'ng ibang mmapupuntahan kaya bakit pa ako maglalayas, hindi ba?
Habang nilalagay ko ang mga baso kasi tuyu na. Napatingin ako sa lalaking kanina pa tumitingin sa'kin. Base sa itsura nya mas matanda ito sa'kin at isa sa mga tambay sa kanto. Hindi ko na lang pinansin at tinuloy ang ginagawa ko.
"Miss, napakaganda mo pwede ba'ng manligaw? Type kasi kita eh." Nakangising tanong nya. Napangiwi ako. Nakakakilabot ang ngisi niya parang may masamang balak sa akin.
Ayoko sa lahat ang mga katulad nya, kahit 'di ko pinagpatuloy ang pag-aaral ko, mas gugustuhin kong mag-isa na lang. Sagot na sana ako kaso nagulat ako sa biglang dating ni tita Angie.
"Bruha ka talaga!! Lumalandi ka pa sa oras ng trabaho mo!" Asik ni tita sakin. Lumapit sya sa'kin at sinambunutan ako. Ang sakit, napakasakit! Halos mapunit ang anit ko sa tindi ng pagsambunot niya sa aking buhok.
Hindi ko alam kung bakit sila ganito sa akin. Hindi ko naman alam at wala ako'ng intensiyon na maglandi pa ng lalaki. At hinding-hindi ko gugustuhin iyon na masabihang 'malandi'.
"Ah! Tita tama na! Pakiusap!" Makaawa ko. Nakita ko naman umalis ung lalaki. Lumingon ako kay tita na galit na galit. Hindi ko inaasahan na maulit na naman sa akin iyon.
"Ikaw malandi ka! Dito ka pa talaga naglandi! Sa oras pa ng trabaho mo!" Bulyaw nya. Napayuko na lang ako sa sinabi ni tita Angie. Mali ang bintang niya sa akin. Hindi ko naman gusto iyon at hindi ko rin pinansin. Siya ang lumapit at wala naman akong ginawa.
"Tita hindi naman po ako nakikipaglandian eh!" Sagot ko. Mas lalo nya ko'ng sinambunutan. Hindi ko na kaya sa sobrang sakit.
HIndi ko naman alam ang gagawin kapag ganito sila sa akin. Napapaiyak na lang ako sa mga sinasabi niya at sa pagmamalupit nito sa akin.
"Bobo ka na nga!! Malandi ka pa!" Sigaw nya at binitawan ang buhok ko sabay tulak.
Pagkatulak nya, napasalampak ako sa sahig. Dumaing ako sa tindi ng sakit. Lalong nasaktan ako sa ginawa ni tita Angie. Wala naman ako'ng ginagawang masama. Wala. Lagi na lang ganito. Pero titiisin ko... Tiis lang sarili ko.
"T-tita!" Tawag ko. 'Di nya 'ko pinansin at umalis na sya. Pumasok si Krisha na nakangisi habang naka-krus pa ang kanyang dalawang braso.
"Buti nga sayo! Malandi ka kasi!! Hmp!" Sabi nya at tinulak pa ko lalo sabay alis. Ang sakit.
Bakit ba nila ako ginaganto? Porket ba bobo ako? Oo inaamin ko na isa akong bobita pero 'wag naman ganito. 'Di ako malandi dahil wala akong ginagawang kahit na ano!
Hirap na hirap ako tumayo at paika-ika pang lumakad. Ansakit ng balakang ko. Napatingin ako sa braso ko. Nagulat ako dahil may nakita ako'ng dugo! Tumulo ang luha ko. Pinunasan ko naman ito agad. Ayoko'ng makita nila akong umiiyak dahil kukutyain na naman nila ako.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagbabantay sa karenderya. Hindi ko maiwasan ang mapaluha sa inabot ko kanina, kahit may sugat ako tiniis ko. Wala rin naman ako'ng alam sa panggagamot nito. Konting galos lang naman ito kaya hindi ko na dapat pa'ng problemahin.
Mag-gagabi na pala. Sinirado ko na ang karenderya at tumungo sa bahay. Pagbukas ko ng pinto bumangad sa akin si Krisha na nakahilata sa mahabang upuan.
"Hoy, Alex! Bumili ka daw ng pagkain para sa hapunan. Ito oh!" Utos ni Krisha at inabot sakin ang 200 pesos.
"Atsaka gusto ko ng goya! Bilhan mo ko, huh!"Dagdag niya pa. Tumango na lang ako.
Palabas na ako ng bahay nang makasalubong ko si tito na masama ang tingin.
Nagtuloy na lamang ako sa paglalakad. Pumunta na ko sa pinakamalapit na tinatawag nilang 'Market'. Napaisip ako.. Goya? Ano ba kaya iyon? 'Di ko alam kung ano 'yon pero baka may mahanap ako dito.
Pagkapasok ko ng market ramdam ko ang lamig. Hmm! Sana ganto na lang sa bahay para 'di mainit. Bumili na lang ako ng isang kilong manok at mga sangkap.
Goya goya goya. San ba 'yon dito?
"Ma'am anong hinahanap nyo?" Napatingin ako sa nagtanong. Sinuri ko ang itsura nya. Baka nagtatrabaho ito dito, napakaayos nya tingnan. Sana ganyan din ako kaayos tingnan.
"Ah, goya po ang hinahanap ko." Sagot ko. Ngumiti sya.
"Dito po ma'am." Sabi nya. Ah! Yan pala 'yong goya, tsokolate!
"Salamat po." Wika ko at ngumiti."Welcome ma'am." Tugon nya.
Matapos ko bumili, lumabas na ko ng market. Habang naglalakad ako, nakarating na pala ako sa masikip na kanto. Medyo kinakabahan ako. Kakaiba ang nararamdaman ko sa daanang ito.
"Syete 'tol! May chix dun oh!"
"Ganda nya pre! Mukhang may bibiktima na naman tayo nito!" Rinig ko'ng bulungan ng dalawang pasalubong sa dadaanan ko.
Tumaas ang mga balahibo ko sa katawan. Nang makalagpas sila, ramdam ko ang mga tingin nila kahit nakatalikod ako sa kanila.
Nagulat na lang ako ng may yumakap sakin. "Miss ganda! Gusto mo ba sumama samin sa langit? Masarap 'yon!" Bulong ng yumakap sakin. Naalarma ako sa aksyong ginawa ng lalaki sa akin.
Ano'ng langit ang sinasabi nila?! Papatayin ba nila ako? Nahintakutan ako sa naisip ko. Ayoko pa mamamatay! Gusto ko pa mag-aral.
"Oo nga! Miss ganda!" Sabat ng kasama nya at naramdaman ko na lamang na may humawak sa pang-upo ko. Bastos!
"Ayoko! Pakawalan nyo ko!! Mga manyak!! Hmmm!" Pagpupumiglas ko.
Agad nila tinakpan ang bibig ko at pilit parin na bumibitaw sa kanila. Ang sasama nila! Wala naman ako'ng ginagawa sa kanila!! Ayoko matulad sa mga kumakalat na chismis sa lugar namin na magahasa ng tao! Natatakot ako.
"Jackpot 'to!" Wika no'ng masamang lalaki. Pinahiga nila ako at hinawakan ang mga kamay at paa ko. Bigla naman ako napaiyak. Hindi tama ito!
Mga masasama talaga sila! Wala silang awa sa tulad ko! Takot na takot ako sa nangyayari sa akin. Ayoko nito. Ayoko mawala ang iniingatan ko.
"Oh, miss bat ka umiyak! Dadalhin ka pa namin sa langit" Sabi ng isang lalaking humawak sa t'yan ko paitaas.
Napapikit na lang ako at umaasang may tutulong sakin. Iyak lang ako ng iyak. Bakit ba ganito ang kapalaran ko? Naging magulong buhay. Hindi ko naman ginusto ito. Umaasa pa ri'ng may tutulong sa akin.
*bang*
Napamulat ako sa tunog ng baril."Hala!"
"P-pulis ba 'yon?"
"Sayang! Tangina may umepal pa!" Sabi nila.
Muntik na nila ako hubaran. Tumakas sila at nagsitakbuhan. Nanginginig ako sa nangyari, hindi ako makakilos ng tama. Takot pa rin ako.
Sana pulis nga iyon dahil itulungan niya ako para mawala ang mga walanghiya'ng nagtakhang gumahasa sa akin.
TO BE CONTINUE...
BINABASA MO ANG
Adopted By The Possessive Badboy (Revising)
General FictionAdopted by the possessive badboy ♡《Revising》♡ ♡♡♡ Si Alexus Soriano na lumaki sa kinikilala niyang pamilya ngayon at ilang taong naging alila sa puder ng kaniyang kinilalang tiya. Ngunit nang makilala niya ang misteryosong binata ay nagbago ang kani...
