Inayos ko muna ang aking sarili,
Sabay hawak sa buhok kong maikli,
Nag-iisa ako ngayon dito sa isang tabi,
Habang tinitingnan ang orasan na di mapakali.Pinagmasdan ko ang ating kanlungan,
Naalala kong dito nagsimula ang ating pagmamahalan,
Pagmamahalan na walang hanggan,
Kahit ang humarang ay kamatayan.Biglang lumakas ang ihip ng hangin,
Na unti-unting yumayakap sakin,
Tiningnan ko ulit ang orasan,
Bakit wala ka pa ngayon sa ating tagpuan?Sabi mo pa bawal ang mahuli,
Kaya nga heto ako at nagmadali,
Pero bakit ngayon wala ka pa?
Nasaan ka na ba aking sinta.Hanggang sa may narinig akong paparating,
Lumalakas ang tibok ng puso kong praning,
Kaya napahawak tuloy ako sa isang baging,
At paglingon ay akala ko'y ikaw ang dumating.Ang babaeng aking di inaasahan,
Tumapak sa ating kanlungan,
Tinulak ko siya sa damuhan,
Ngunit bumangon parin sya na parang di nasasaktan.Sinampal nya ko ng ubod na lakas,
Tila'y nawalan ako bigla ng lakas,
Nagising ako nung bigla nya kong sinigawan,
Umagos ang luhang kanina ko pa pinipigilan.Sabi niya'y "Kailan mo tatanggapin ang katotohanan?"
"Katotohanang wala na sya at ika'y iniwan ng walang paalam"
Bumalik ulit sakin ang nakaraan,
Nakaraang di ko parin nakakalimutan.Mahal, Naaalala mo pa ba nung una tayong magkita?
Nahihiya ka pa saking magpakilala,
Nabighani tuloy ako sa iyong angking taglay,
Nang mga oras na yun di ako mapalagay.Mahal, Naaalala mo pa ba nung minsang umuulan?
Sabay pa nating tinakbo ang maputik na daan,
Kasiyahan ang nakamarka sa ating mukha,
Di inantala, magmukha man tayong dukha.Mahal, Naaalala mo pa ba nung ninakawan ako sa may kanto?
Nandun ka at agad sumaklolo,
Binugbog mo pa yung tarantado.
Mukha tuloy nya parang napaso ng tarambutso.Mahal, Naaalala mo pa ba nung ako'y iyong hinarana,
Sobrang saya ang aking nadarama,
Nung marinig ko ang boses mong kayganda.Mahal, Naaalala mo pa ba nang nagpunta tayo dito sa ting kanlungan?
Inukit mo ang ating pangalan,
Pagkatapos tayo ay nagduyan,
Sabay liwaliw sa magagandang tanawin sa kagubatan.Mahal, Naalala mo pa ba nung minsang nagtampo ako sayo,
Sinuyo mo pa ko ng todo,
Dala ang iyong mahiwang mikropono,
Napakanta ka ng wala sa tono.Mahal, Naalala mo pa ba nung tayo'y nagpiknik sa may parang,
Binigyan mo ko ng regalo,
Binuksan ko ito,
Laman ay ang paborito kong munggo.Ngunit, Mahal bakit ako'y iyong iniwan,
Iniwan mo ko ng walang paalam,
Kahit tatlong taon man ang nakalipas,
Pagmamahal ko parin sayo'y walang kupas.Naghihintay parin ako sa iyong pagbabalik,
Araw-araw ay nananabik,
Na makasama ka sana ulit,
Kahit man lang sa isang saglit.Mahal, nasanay ako na sayo lang ang atensyon ko,
Kaya ngayon di ko parin tanggap na wala ka na sa piling ko,
Mahal, nasaan ka na ba?
Talaga bang ako'y kinalimutan mo na?Mahal hanggang kailan ako maghihintay,
Damdamin ko'y puno na ng lumbay,
Hanggang kailan ako magtitiis,
Puso ko'y parang piniga na kamatis.Mahal, akala ko ba'y sasamahan mo pa ko sa altar,
Sa harap ng Poong Maykapal,
Nandun ang ating mga magulang,
Pati na ang ating mga kaibigan.Mahal, sabi mo pa'y aanakan mo ko ng dosena
Pero bakit ngayon parang wala na akong kwenta,
Nasaan na ang iyong pangako,
Talaga bang ito ay napako.Bakit ba kasi kailangan mo kong iwan?
Di mo ba alam na ako'y nasasaktan.
Sa pag-alis mo'y para narin akong namatay,
Kaya mas mabuting wakasan ko na ang aking buhay.Kinuha ko ang matulis na bato,
Itinuon ko ito saking ulo,
Pinilit akong pakalmahin ng babae,
Ngunit sa isip ko'y wala akong pake.Isa
Dalawa
TatloHanda na ang bato,
Na ipupukpok ko saking ulo,
Ngunit nagising ako sa huwisyo,
Nang makita kita sa tapat ng punong Margarito.Apat
Lima
AnimKasiyahan ang naramdaman,
Nakalimutan ang kirot at sakit na pinagdaanan,
Nakita kitang nakangiti,
Di matatawaran ang galak saking labi.Tumakbo ako papalapit sayo,
Wala paring pinagbago,
Tiningnan ko ang iyong kabuuan,
Hanggang sa iyong kasuloksulokan.Nakita ko ang malamlam mong mata,
Ang ngiti mong napakaganda,
Abot langit ang sayang nadarama,
Sa wakas ay makakapiling na kita.Pito
Walo
SiyamNabigla ako ng ika'y naging bula,
Para akong tangang nakatulala,
Talagang ikaw na ay lumisan,
Kinuha ka nya sakin ng walang paalam.Napaiyak ako't napaupo,
Niyakap ako ng babaeng naririto,
Sinabihan nya ko ng kung anu-ano,
Ang ginawa ko nalang ay tumango.Sampu
Ako ngayo'y magpapaalam na,
Tanggap ko na ang katotohanang wala ka na,
Pero pipilitin ko parin maging masaya,
Paalam na aking sinisinta.Tandaan mo'y di ko kakalimutan ang ating alaala,
Na sabay nating binuong dalawa,
Wag kang mag-alala, mamahalin pa rin kita,
Kahit patay ka na.At sa muli nating pagkikita,
Ikaw parin ang mamahalin ko't walang iba,
Malay mo sa kabilang buhay tayo parin sa isat-isa,
Na ikaw at ako lang ang nakaukit sa tadhana.
YOU ARE READING
Petals Of Poems
RandomIn every letters that I wrote, It became hundreds of words, And thousands of memories, That breaking into pieces.