Nagkatotoo Na

22 0 0
                                    


Napadako ang tingin ko sa malayo
Nang makita kitang paparating sa kinatatayuan ko
Biglang naghuhumerentado ang aking puso
Sa sobrang kaba, napakabilis ng kabog nito.

Halos ako'y maupo
Nang ngumiti ka ng nakakaloko
Sabay bigkas mo ng mga salita
Ikaw ba ay kakanta?

Sa isang iglap dumami ang mga tao.
Hindi ko na alam ang dapat na gawin ko.
Ako'y kinakabahan
Di malaman kung ano ang dahilan.

Kinuha mo ang isang gitara
At nagsimula ka ng magpatugtog
Sabi mo pa'y "O aking binibini ito ay aking handog"
Nagsimulang mag-unahan sa pag-agos ang aking mga luha
Ako'y napapadyak sa galak at tuwa.

Hindi ko aakalain darating ang araw na ito
Dati naman ay hanggang sulyap lang ako sa iyo.
Naalala mo ba nung muntik nakong malaglag saking kinauupuan
Buti ako'y napakapit ng mabuti nang ika'y mapadaan

Bakit ang lakas ng iyong karisma?
At ang mga ngiti mong kayganda
Para bang mawawalan ako ng hininga
Dahil sa taglay mong di maipagkakaila

Kilig doon, kilig dito
Yan ang aking nararamdaman sa tuwing dumadaan ka klassrum ko
Feeling ko tuloy isa akong espesyal na tao
At gusto mo kong makita pati ang aking anino.

O mahal hanggang sulyap nalang ba ako?
Kailan mo mapapansin ang pagtingin ko sa iyo?
Kailan mo mapapansin ang isang taong nakatayo sa tapat ng klassrum nyo?
Habang hinihintay kang lumabas
At dala-dala ko ang sulat na ginawa ko para sayo.

Yan ang lagi kong sinasabi sa tuwina
Parang ang dating panaginip lang ngayon ay nagkakatotoo na
Sa harap ko pa mismo ikaw ang kumanta
Ako'y iyong hinarana
At pinaibig sa mga matatamis mong salita.

Binigyan mo ko ng isang dosenang bulaklak
At ako'y napalakpak
Sa tuwa, sa kilig, sa sobrang saya
Na ngayon ay aking tinatamasa.

Ika'y lumuhod at binigkas ang mga salitang parang ikamamatay ko na
Sabi mo lang naman "Pwede bang maging akin ka na?"
Hindi na ko nagpadalos-dalos
Ikaw ay aking tinulungang tumayo
At sinabing tatanggapin kong magiging iyo.
Dahil mahal na mahal kita aking sinta matagal na.
Kaya wag mo sana akong sasaktan
At sanay ako'y iyong alagaan at pahalagahan.

Sapagkat matagal na kitang minamahal
Kahit buksan mo pa ang aking puso
Ang iyong litrato lang ang nakaukit dito.
Wala ng iba dahil ikaw lang talaga.

Ngayon magsisimula na tayo sa bagong kabanata ng ating buhay
Sana ito ay ating mapagtagumpayan
Sa pagtanda nating dalawa
Sana tayo parin ang makasama

Hindi kita iiwan aking sinta
Bastat ikaw lang ang aking makatabi at makasama
Mapahanggang katapusan
Lalakbayin natin ang walang hanggan.

Petals Of PoemsWhere stories live. Discover now