Pangako

14 0 0
                                    

Mahal, pangako ko sayong ikaw lang--- ang mamahalin ko sa twina,
Pangakong hindi kita iiwan ng mag-isa,
Pangakong ikaw lang wala ng iba pa,
Sabay nating susugpuin ang lahat ng problema.

Mahal, pangakong tutuparin ko lahat ng ating pangarap;
Sa Altar, ako'y iyong makakaharap,
Hindi ako kailanman maghahanap,
Pagkat ikaw lang ang tangi kong hangad.

Pangakong hindi ako lilisan,
Nakatatak na yan saking puso't isipan,
Ikaw lang ang aking mamahalin ng hangganan,
Walang makakapigil kahit pa ang kamatayan.

Nakakabusog ng puso,
Ang mga katagang sinabi mo,
Mga pangakong hindi mo ipapako,
Sapagkat yan mismo ang lumabas sa bibig mo.

Kaya ngayon pakikuha ng martilyo at pako,
Pundasyon para di masira ang iyong mga pangako,
Pangakong hindi mo ko iiwan,
Pangakong ako lang ang iyong iibigin magpakailanman.

Kailangan ko ng kandado,
Para ako'y makasigurado,
Na ako lang ang mamahalin mo,
Kase ako lang ang nararapat para sayo.

Tuluyan ko ng isasarado,
Ang ating mahiwagang pinto,
Ngayon di na makakalabas;
Mga pangako mo'y baka mawaldas.

Kaso sadyang hindi sapat,
Kulang pa ang aking ginamit--- pagkat hindi ka naging tapat,
Ikaw nga ba para sakin ay karapat-dapat?

Gamitin ko man ang kadena,
Ikaw parin ay mawawala,
Sapagkat yun ay gawain mo na,
Ang maghanap ng iba---
Kapag tuluyan ka ng nag-sawa.

Nasaan na ang iyong mga pangako?
Nasa sulok ba at nagtatago?
O katulad din ba ito ng salitang "Tayo"?
Parang bula na agad naglaho.

Magaling ka lang pala sa salita,
Daig mo pa si Juan tamad sa gawa,
Andami mo pang pinangako,
Tinuring ko pa itong mga ginto.
Mauuwi lang pala sa pagiging bato.

Pagkat ika'y tuluyan ng lumisan,
Lumisan ka ng walang paalam,
Hindi nako aasa na babalik ka pa,
Dahil simula ngayon hindi na ako magpapakatanga,
Para tanggapin ang iyong pagmumukha,
At para pakinggan ang marurumi mong salita.

Hanggang dito nalang ako,
Nasaktan ako ng todo---
sa lahat ng ginawa mo
Kaya simula ngayon, wala nakong pakialam sa buhay mo.

Kakalimutan ko na ang lahat ng iyong pangako,
Pagkat hindi narin ito magkakatotoo,
Sisimulan ko ulit sa umpisa,
Hanggang sa tuluyan nakong makawala sa hawla---
Sa hawla na nakaukit ang iyong presensya.

Kahit gumamit pako ng napakaraming pambura,
Ang sakit na ikaw ang nadulot ay hindi agad mawawala,
Kaya nagpapasalamat parin ako.
Sa mga masasayang alaala--- sakin ay pinadanas mo.

Petals Of PoemsWhere stories live. Discover now