Mahal mo siya

16 0 0
                                    


Mahal kita,
Pero mahal mo siya,
Linya ng mga taong umiibig sa kanilang iniibig,
Linyang mahirap isambit,
Pagkat ito'y masakit,
Masakit marinig--- mismo sa iyong bibig.

Bakit nga ba madaya ang tadhana?
Nagmahal lang naman ako--- bakit sukli nito'y paghihirap?
Masama na nga ba talagang mangarap?

Na ako'y mahalin mo at hindi iba?
Ako na palaging nandyan para sayo,
Ako na dadamayan ka sa oras ng problema,
Ako na di magsasawang intindihin ka,
Ako na kailanman hindi mang-iiwan,
Kase pagmamahal ko sayo'y walang katapusan.

Hinding-hindi ako magiging sapat sayo pagkat mahal mo siya,
At ako? Isa lang natatanging ekstra,
Ekstra sa buhay mo--- sa pelikula niyo,
Ekstra na lalapitan mo pag nag-away kayo.

Kase sa kwentong ito,
Kayong dalawa ang natatanging bida,
At ako naman ang mapagpanggap na ekstra.

Hindi ako kontrabida,
Dahil wala akong balak agawin ka,
Sadyang mahal lang kita,
Kaya nanatili parin ako dito sa twina.

Masaya na akong nakikita kita,
Masaya kapag kasama mo siya,
Masaya nga ba ako?
Pagtawa--- para ang lungkot na nararamdaman maitago.

Ang pagmamahal ko sayo'y walang hinihinging kapalit,
Kahit pagsabihan pako ng iba na ako'y isang sabit,
Pagkat hindi ako naniniwala,
Kase wala naman akong masamang ginagawa.

Mahal kita, pero mahal mo siya,
Tutulungan ko kayong magbuklat ng ilang pahina,
Gagawin nating magical ang pag-iibigan niyong dalawa,
Nandito lang ako nakatodo suporta,
Pipilitin kong maging masaya kase pareho kayong mahalaga.

Mahalaga sa akin---pagkat kayong dalawa ay kaibigan ko,
Kahit laging sinasabi nila na "third party" ako sa date niyo,
Hindi ko parin kayo iiwan,
Dahil ako'y magsisilbi niyong sandigan.

Mahal kita pero mahal mo siya,
Okay lang ako aking sinta,
Kakayanin kong mag-isa,
Sapagkat ang nais ko lang kayo'y maging masaya,
Kahit ako'y nadudurog sa twing kayo ay aking nakikita.

Petals Of PoemsWhere stories live. Discover now