Kunwari

262 0 0
                                    

Kunwari
Kunwari masaya ako
Kunwari masaya ka
Kunwari masaya tayo.
Ay wala nga palang tayo
So uulitin ko.
Kunwari masaya ako,
Masaya ako na nakatingin dito sa tabi.
Malamok at madilim pero iniinda kahit masakit
Masakit makagat ng lamok
Pero wala ng mas sasakit pa
Na makita mo ang iyong minamahal na may kasamang iba.
Habang hawak mo ang iyong camera
Para kunan sila
Dahil yun ang utos nya.
Kunwari natutuwa ako,
Natutuwa ng makita kayong magkasama
Sa gitna ng ulan habang hawak mo ang aking payong na ibinigay ko kanina.
Yakap mo pa sya ng may tinging nag-aalala
Nag-aalala ka na mabasa sya
Habang ako dito nakatunganga
Nagmumukhang tanga sa likod nyo.
Habang tinatanaw ko kayo palayo.
Basang-basa na ako pero ininda ko ito.
Ganun kita ka mahal ngunit di mo man lang ramdam.

Kunwari kinakausap mo ko,
Kinakausap mo ko para tulungan kita sa assignment mo.
Mukha ba akong matalino?
O baka ikaw mukha kang libro,
Dahil sa kapal ng mukha mo
Para kausapin pa ko.

Kunwari pinapansin mo ko,
Pinapansin mo ko para ipabuhat sakin ang bag mo.
Bag mong puno ng libro.
Ang alam ko hindi ka naman palabasa.
Sinasadya mo ba to? Kikiligin na ba ako?
Leche lang hindi ako alipin mo
Pero ito ako ngayon nagpapa-alipin na naman.
Nagbabakasakali na maramdaman mong tinitibok ka ng puso ko.
Na para bang nasa karera dahil sa sobrang bilis nito.

Kunwari kasama kita,
Kasama kita, wait kasama nga ba kita?
O sya ang kasama mo habang naglalandian kayo sa harap ko.
Hindi na kayo nahiya
Ang kakapal ng mukha nyong dalawa

Dapat sa inyo binabaril ng mamatay.
Pero alam kong di ko magagawa yun
Masyado kitang mahal para hindi hayaan na maging masaya ka.
Alam kong masaya ka sa piling nya.
Alam ko ring kung gaano sya kahalaga.
Alam ko rin na mahal na mahal mo sya.
Samantalang ako,
Hanggang kunwari lang
Kunwari masaya ka sa piling ko
Kunwari mahalaga ako para sayo.
Kunwari mahal na mahal mo ko.
Kunwari pareho tayo ng nararamdaman
Kunwari ayaw nating mawala ang isa't isa.
Dahil hindi natin kakayanin pag tayo'y naghiwalay pa.

Ngunit alam kong isang lng akong stranger sa paningin mo.
Wala akong halaga sayo.
Wala akong panama sa kanya
Walang-wala ako dahil langit sya o kaya langit kayo pareho at lupa ako.
Bagay kayo sa isa't isa
Ay hindi Plastik sya at Hayop ka naman.
Dahil hindi mo ramdam ang aking pagmamahal.
Manhid ka, pero pasensya na kung nagpupumilit akong mahalin mo ako.
Pasensya na kong hindi ko kayang kalimutan ka dahil ang alam ko lang ay magpakatanga.
Humarap sayo na masaya kahit ako'y wasak na
Kahit ako'y basag na
Dahil nakuha mo na lahat sakin.
Hindi lang katawan ko pati narin ang puso ko.
Hindi ko sinabi sayo na may nangyari satin.
Dahil ayokong makagulo sa relasyon nyo.
Ayokong makagulo sa masayang pagsasama nyo.
Naalala mo ba nung gabing umiyak ka sa harapan ko?
Nag-away daw kayo kaya gusto mo ng makausap.
Sinamahan kita sa bahay niyo
Umiinom ka at halatang lasing na
Pero hindi ako makagalaw sa sunod mong ginawa.
Hindi ko alam, parang sumabog bigla ang puso ko.

Kinukuryente ako sa mga haplos mo.
Pinigilan kita dahil alam kong mali to.
Ngunit ang lakas mo, kahit anong gawin ko ay hindi ako makawala.
Hanggang sa nangyari na nga ang dapat na di mangyari.
Ako'y iyong niromansa habang tinatawag mo ang pangalan nya.
Hanggang sa ako'y napaluha na naging hikbi.
Hindi ko aakalain na iisipin ng taong mahal ko ang taong mahal nya habang ginagawa nya yun sa akin.
Ang tanga tanga nagpagamit ako sa taong hindi kayang mahalin ako.

Ngayon, balik tayo sa una
Kung saan hawak ko ang camera
Habang haplos sa tiyan kong lumalaki na
Naalala ko nung malaman mong buntis ako.
Nagalit ka sakin at sabay sabing "Kaibigan mo ko, kelan ka pa nagtatago sakin ng mga ganito at sino ang ama ng anak mo?"
Gusto kong sabihin na ikaw,
Pero tumagos sa puso ko ang sinabi mong kaibigan lang ako.
Kaibigan lang talaga ang turing mo sa akin sa loob ng labing-dalawang taon.
Oo labing dalawang taon kitang minahal
Hindi ko aakalain na otso pa pala ako nun
Wala pang muwang at alam tungkol sa pag ibig
Ngunit ng ika'y aking makita sa palaruan ay dun ako napa-ibig.
Napa-ibig mo ako dahil sa angking taglay mo.
Nabihag mo ang bata kung puso maging hanggang ngayon na malaki na ako.
At malaki na ang tiyan ko.
Limang buwan ko na syang dinadala,
Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya
Dahil baka lumaki sya ng walang ama.
Haha lalaki nga pala syang walang ama
Dahil hindi mo alam na ikaw ang ama nya.
Buti hindi mo pa ko kinukulit na malaman kung sino ang ama ng anak ko.

Dahil baka di ako makapigil at sabihing ikaw ang ama ng dinadala ko.

1, 2, 3 click

"Maganda ba?" bungad mo sakin at kinuha ang camera upang iyong makita ang kinunan ko kanina.
Ngumiti ka ng malapad at ako'y iyong niyakap.
Feeling ko ang safe ko, feeling ko mahal mo ko
Pero feeling lang ako. Feelingera ko talaga.
Kinalas mo ang yakap sakin at nagpasalamat.
Unti-unti ng lumabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Nakita ko ang nag-aalala mong mga mata.
Napahalakhak ako, hindi dahil sa tuwa, kundi ang sakit sakit na.
Ang sakit magkunwari,
Mahirap magkunwaring masaya ka.
Mahirap lalo na sa harap ng lalaking mahal mo.
Hindi ko na kaya,
Dapat ko ng itigil ang pagkukunwari ko dahil sa simula pa lang sana tinigil ko na para di nako nasasaktan ng ganito.
Bakit masakit ang umibig?
Bakit kailangan ko pang umibig?
Bakit kailangang masaktan tayo sa salitang pag-ibig?
Yan ang laging tanong ko sa tuwina.
Ang tanga lang dahil alam ko na ang sagot.
Nagmahal ako sa taong di ako mahal kaya nasasaktan ako.
Dahan-dahan akong umusog at nagpakawala ng isang matamis na ngiti.
Niyakap kita ng mahigpit.
Wala akong pakialam kahit sya lumapit.
Hinalikan kita sa pisngi.
At nakita ko ang kanyang pagngisi
Alam nyang mahal kita
Alam nyang nasasaktan ako sa tuwing magkasama kayo
Dahil kapatid ko sya
Slash kakambal pa.
Akala mo sya yung batang babae kasama mo sa palaruan noon,
Akala mo sya yung tumulong sayo nung muntik ka ng madisgrasya.
Akala mo lang ang lahat dahil kami ay magkamukha.

Akala mo mahal ka nya
Ang totoo may mahal na syang iba.
Dahil ang totoo insecure at selfish sya.
At ang totoo ay gusto nyang saktan ako at gawing kaawa-awa.

Tumikhim sya at tumingin ng masama sakin.
Nagsmile ako bilang ganti.
At nakita ko ang pag irap nya.
Pinuntahan ko ang aking kapatid at niyakap sya.
Ng mahigpit yung tipong di na sya makakahinga.
Buti nga sa kanya.
Kinalas ko ang pagyakap sa kanya at ngumiti.
Tiningnan kita, at isa-isang hinakbang ang paa ko.
"Paalam, Congrats sa bagong kasal" sabi ko at tuluyan ng tumakbo.
Nanunubig ang mga mata ko at tuluyan na ngang umagos ang aking mga luha.
Ngayon papakawalan na kita mahal,
Ngayon papakawalan ko na din ang sarili ko
At susubukang kalimutan ka
Magbukas ng bagong pintuan para sa iba.
Itigil ang pagkahibang ko na mundo kita.
At higit sa lahat ay itigil na ako ang aking pagkukunwari.
Paalam at salamat sa alaala.

Petals Of PoemsWhere stories live. Discover now