Huling dahon

80 0 0
                                    


Isa
Isang dahon ang nalaglag mula sa kahoy na aking kinauupuan.
Tagaktak ang aking pawis at nangangati ang katawan.

Dalawa
Dalawang dahon ang aking nakita.
Akin itong kinuha at inilagay sa bag kong dala.

Tatlo
Tatlong dahon ang nahulog.
Bumalik ako sa punong iyon.
Ngunit laking pagtataka ko ng may iba ng nakaupo
Sa aking pinakamamahal na teritoryo.

Apat
Apat na dahon
Ang nalaglag mula sa sanga ng punong iyon.
Sumilay ang ngiti sa iyong labi
Habang ako'y napasimangot dahil sa iyong pilyong ngiti.
Pinaalis kita, pero ayaw mo
Galit na galit ako sayo
Kaya pwede ba lumayo ka na rito.

Ang aking bukambibig
Ngunit parang wala kang narinig
At patuloy ka lng sa pag-upo
Na parang wala kang nakikitang tao
Dito sa iyong likod.

Lima
Limang dahon.
At ako'y umupo
Ngunit malayo sa iyo.
Kinuha ko ang aking baon
At ako'y lumamon.
Tinawag mo ko
Ngunit di kita pinansin.
Sino ka para aking pansinin?
Isa ka lang namang estranghero na nang-angkin
Sa aking pwesto
At yan ay ang kinauupuan mo.

Anim
Anim na dahon
Ang nahulog ng lumakas bigla ang hangin.
Mukhang babagyo pa ata
Hindi man lang ako nakapaghanda.
Nakita kitang tumingin sakin
Kaya wala akong nagawa kundi umirap
Kase hindi ko gusto ang iyong mukha.

Pito
Pitong dahon ang nahulog ng biglang pumatak ang ulan.
Wala akong nagawa kundi ang sumilong
Sa puno na kinatatayuan mo ngayon.

Biglang kumulog at kumidlat
Wala akong nagawa kundi ang mapayakap.
Hindi sa puno, kundi sayo.
At hindi ko alam kung bakit ramdam ko
Ang bilis ng tibok ng aking puso.

Walo
Walong dahon ang aking nakita habang nahuhulog ito mula sa kanyang sanga.
Mas lumakas ang ulan na nagdulot sakin ng pangamba
Anong gagawin natin ngayon dahil tayo ay sobrang basa na.

Tinanggal mo ang iyong jacket
At ito'y iyong pinasuot.
Nagulat ako at sasabihin ko sanang ayaw ko
Pero ikaw ay nagpumilit
Kaya ako'y napangiti ng mapait.

Siyam
Siyam na dahon ang nahulog ulit sa sanga.
Habang tayong dalawa nakatingala
Iniinda ang ginaw
Pati gutom at uhaw

Pero bago tuluyang pumikit ang aking mata
Pinaibig mo ko sa iyong mga salita
Hinalikan mo ko sa aking noo
Na naging dahilan para huminto ang aking mundo

Sampu
Ako'y napatingala sa kalangitan
Kita ko ang ngiti mong kayganda pagmasdan.
Kasabay nun ay ang paghulog ng huling dahon
Sana ganito nalang tayo habang panahon.

Petals Of PoemsWhere stories live. Discover now