Apat na Sulok

17 1 0
                                    

Apat na sulok,
Madilim na kwarto,
Nakakabinging katahimikan,
Mga luhang di na mapigilan,
Pagtatangis na dumadagundong,
Unan na nagsisilbing panyo sa bawat ugong.

Sa pamamagitan ng pagluha,
Baka sakaling makatakas,
Makatakas sa mundong mapanlinlang,
Pakiwari dulot nito'y nakakahibang.

Biglang kumulog at kumidlat,
Mukha ng babae unti-unting nakikita at naiisiwalat,
Hanggang sa tuluyan naring umulan,
Ito'y nagpapaaalala sa kanyang nakaraan.

Ngayon alam nyang di sya nag-iisa,
Karamay nya ang ulan habang sya'y lumuluha,
Sa bawat sakit na nararamdaman,
Tanging ulan ang nagsilbing kalakasan.

Masasabing matalik na kaibigan nya ang ulan,
Sapagkat sa bawat hinagpis nya ay parati sya nitong natutulungan,
Ngunit iba ang gabing ito,
Tatakasan niya na ang mundo.

Hindi niya alam pero unti-unti na syang kinakain ng kadiliman,
Ang ulan na nagsilbing kalakasan nya ay unting naglaho na,
Di nya na alam ang kanyang gagawin,
Buo na talaga ang kanyang desisyon.
Iba na ang umiikot sa utak nya ngayon.

Marami na ang  nagbago,
Pagod na sya, pagod na pagod, Walang makapitan,
walang mapuntahan,
Walang may pakialam.

Tiningnan nya ang mukha sa salamin,
Tuluyan na ngang nagbago ang kanyang itsura.
Ang dating masayahin--- naging malungkutin,
Ang dating hubog ng katawan--- naging patpatin na parang isang kawayan,
Ang dating mahabang buhok--- ngayon ay hanggang leeg nalang,
Ang dating nagniningning na mata--- napalitan ng pagdudurusa,
Ang dating mapupulang labi--- naging maputla na,
Ang kanyang sarili di na niya kilala.

Tuluyan na syang inangkin ng kadiliman,
Tumulo ang kanyang mga luha habang nakatingin sa salamin,
Nasabi niya na "Hindi niya na dapat itong patagalin."

Biglang kumidlat--- ngumiti sya,
Ngiting wala nang makakakita.
Ngayon tatlo ang umaagos.

Una ang nagbabadyang ulan,
Pangalawa, ang luha nyang rumaragasa at---
Pangatlo, ang dugo nya sa pulsuhan. 

Petals Of PoemsWhere stories live. Discover now