Parehong Makata

14 0 0
                                    

Ang kaninang sinag ng araw ay tuluyan nang nagwakas,
Makulimlim na kalangitan ang tanging naipapamalas,
Kulog at kidlat na may dalang dahas,
At ang ulap ay nagsisimula ng lumuha nang malakas.

Isang babaeng nakahiga sa kwartong nababalot ng kadiliman
Iniisip kung sya ba'y babangon o tuluyan nang mamamaalam
Hindi para wakasan ang kanyang buhay
Kundi para tanggalin ang peklat na tanging latay--- sa bawat pasa na nasa kanyang puso na lagi nyang natatamo galing sa kanyang iniibig ngunit hindi kailanman nasuklian ang kanyang pag-ibig.

Maaari nga bang magmahalan ang dalawang taong hindi pa nakakausad sa kanilang nakaraan?
Paano kung mahulog ang isa? Sasaluhin kaya siya?
Tanging naisip nya nang makita ang butiki sa kisame pagkatapos i-non ang switch ng ilaw, nagbabakasakaling matatanaw niya ulit ang liwanag ng malinaw.

Manunulat laban sa isang manunulat,
Bubuklatin ang pinakamatayog na aklat,
Upang sila'y pagtagpuin ng tadhanang kay kulit,
Pilit iniiwasan pero patuloy paring lumalapit.

Sasanggain ba nila ang panang ginamit ni kupido,
O haharapin nila ang pagsubok na kanilang matatamo,
Isang Ginoo at Binibini,
Pilit na binubuo ang kanilang sarili,
Isang nang-iwan at iniwan,
Ngayong pagtatagpuin ng kapalaran.

Maituturing silang makata,
Sapagkat marami na silang nagawang akda,
Saliw ng musika,
Ritmong nagpapaindayog sa bawat madla,
Ngayong magkaharap na sila,
Maghahanap ng pagpipilian,
Isang mahuhulog, ngunit hindi sinalo,
Nahulog pero sinalo,
O kaya baka nahulog na silang pareho.

Petals Of PoemsWhere stories live. Discover now