Tuluyan ng nagwakas ang araw,
Mga bituin sa kalangitan ay akin ng natatanaw,
At ang kagandahan lang ng buwan ang tanging ka-agaw,
Tila ba ito'y kaganapan na sa pang araw-araw.Pagsigaw mo saking pangalan--- bigla akong kinabahan,
Tibok ng puso ko'y di na mapigilan,
At agad mo kong niyakap,
Saksi ang buwan at mga bituin sa alapaap.Masaya tayong nagkwekwentuhan,
Habang nakaupo dito sa damuhan,
Walang humpay ang ating pag-iibigan,
Pangako natin sa isat isa ito'y hanggang katapusan.Kung pwede lang itigil ang oras pansamantala,
Sana matagal ko na itong ginawa,
Ngunit mag-uumaga na,
At kailangan na nating mamahinga.Ngunit tila'y nagbago ang bugso ng hangin,
Umaga palang pero ang kalangitan ay makulimlim,
Hanggang sa tuluyan ng nagdilim,
Wala na akong nakikitang buwan at bituin.Kahit sobrang sama ng panahon,
Hinintay parin kita doon,
Sa ating tagpuan---
Sa ilalim ng halamang kawayan.Bagsik ng hanging habagat,
Galit ang kulog at kidlat,
Ngunit walang makakapigil sa akin,
Basta't makita lang kita sa aking paningin.Ang di pagpapakita ng araw, buwan at mga bituin,
Ang siyang pagtatapos din ng relasyon natin,
Sapagkat hindi ka na muling nagpakita,
Katulad nila, ikaw rin ay nawala.Ang dating magkasalubong naging magkasalungat na,
Ang dating pagsalubong ng buwan at mga bituin sa paglubog ng araw ay nagwakas na,
Tila ba'y naging isang bula
Isang pitik ng kamay agad itong mawawala.Tuluyan ng inagaw ni ulan ang aking kasiyahan,
Kasiyahang makakasalubong ko muli ang aking mga bituin at buwan,
Kasiyahang pilit niyang inaangkin,
Tuloy--- ng dahil sa kanyang presensya ako'y nabalot ng kalungkutan.Ako ang iyong araw---
Liwanag mo sa bawat paggising sa umaga,
Ikaw ang aking buwan at bituin.
Ikaw ang kislap sa buhay kong madilim.
Kaso nagwakas na ang ating relasyon,
Dahil kay ulan kaya di na tayo magkasalubong.
YOU ARE READING
Petals Of Poems
RandomIn every letters that I wrote, It became hundreds of words, And thousands of memories, That breaking into pieces.