CHAPTER 11

25 1 0
                                    

CHAPTER 11

Napag-alaman ni Trevor na nagresign na si Haya sa kanilang kompanya. Hindi man lang ito nagpaalam sa kanya pero naisip din niya, para saan pa? Nalaman din niya kay Savannah na uuwi na daw ito ng probinsiya para doon na magtrabaho. Kakanta din daw ito sa kanilang engagement. Paano kaya ito napapayag ni Savannah? Hindi na niya inisip pa ang dahilan basta't kailangan niya itong makausap. Hindi naman dapat umabot dito ang lahat, to the point na kailangan nitong i-give up ang trabaho nito. Pinuntahan niya ito sa resto, sumama si Savannah sa kanya. Pagkarating nila sa resto ay kumakanta na si Haya.

Woke up today thinking of you, another night that I made my way through

So many dreams still left in my mind but they can never come true

I press rewind and remember when, I close my eyes and I'm with you again

But in the end I can still feel the pain, every time I hear your name

The sun won't shine since you went away

Seems like the rain's falling every day

There's just one heart, where there once was two

But that's the way it's gotta be, 'til I get over you

"Awww... I know that song. "Until I Get Over You" by Christina Millian. It's a very heartbreaking song. Bakit kaya lately puro malulungkot kinakanta ni Haya?" saad ni Savannah nang makapwesto sila sa bar ng resto. He just shrugged. Noong nakaraan lang puro pagmo-move on ang kinakanta nito pero ngayon nakikita niya ang kalungkutan sa mga mata nito.

Walked through the park, in the evening air

I heard a voice and I thought you were there

I run away but I just can't escape, memories of you everywhere

They say that time will dry the tears but true love burns for a thousand years

Give my tomorrows for one yesterday, just to know that I could have you here

Siguro noong nakaraan, kinukumbinsi lang nito ang sarili na nakamove on na ito pero ang totoo hindi pa. Nakita niyang lumuluha na naman ito habang kumakanta. Hindi pa siguro nito alam na andoon sila ni Savannah sa lugar na iyon.

When will this river of tears stop fallin', where can I run so I won't feel alone

Can't walk away when the pain keeps callin'

I've just gotta take it from here on my own but it's so hard to let go...

Paano ba niya maiibsan ang sakit na nararamdaman nito? Kung may alam lang siyang paraan para maging maayos ang lahat ay ginawa na niya. Ilang beses na niyang kinausap ang kanyang ama pero nagmatigas pa rin ito sa pakiusap niya. Hindi na niya alam ang gagawin pa. Sa susunod na linggo na ang nakatakdang engagement nila ni Savannah at hindi niya makakayang umalis si Haya.

Nang matapos itong kumanta ay nag-excuse siya sandali kay Savannah at sinundan si Haya sa backstage. Nang makita siya nito ay lumabas ito sa back door ng resto na malapit sa comfort rooms. Sinundan pa rin niya ito.

"Haya, please mag-usap tayo."

Hindi pa rin siya humaharap dito. "Ano pa bang dapat nating pag-usapan?"

Hinawakan niya ang kamay nito para pigilan at pilit na iniharap sa kanya. "You are not leaving me!" maawtoridad na sabi niya. Napalunok ito nang pasigaw niya iyong sinabi.

Love at Fifth SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon