CHAPTER 2

57 1 0
  • Dedicated kay Dannessa Tadios
                                    

CHAPTER 2

What can he say? He's stunned because of a gorgeous woman on stage. Hindi niya namalayang sa unang pagkanta pa lang nito ay natuon na ang kanyang mga mata dito. Ni hindi na niya natapos ang in-order nilang snack ni Justin. Hindi lang pala ito maganda, napakatalented din nito. Why, she has a voice of an angel. Parang lullaby sa kanyang pandinig ang boses nito. Ang unang kinanta nito ay "Stuttering" ni Jessica Sanchez.

Pagkatapos ng unang kanta nito ay inanyayahan nito ang mga manonood sa gabing iyon na magrequest ng mga paborito nilang kanta. Naisip din niyang magrequest sana kaya lang wala siyang lakas ng loob baka pag iniabot niya ang kanyang request dito ay matameme ulit siya. Nagkasya na lamang siya sa pagtitig dito at makinig sa magandang boses nito. Habang kinukumbinsi nito ang mga customers ay iginala nito ang mga mata kaya't hindi malayong mahagip din siya ng mga mata nito. And their eyes met again for the third time. It was the same feeling. Hindi niya maiwasang mamangha sa kakaibang pakiramdam na ito sa tuwing magkikita sila at maghihinang ang kanilang mga mata.

Hindi lingid sa kanyang kaalaman na natuon na ang buong atensiyon ng babae sa kanya. Hindi nga nito napansin ang kaibigan nito na may inaabot na request sa kanya na nakasulat sa tissue. Nakailang tawag dito ang kaibigan nito. Malas nga lang at hindi niya narinig ang pangalan nito dahil medyo malayo ang puwesto nila sa stage. Ilang sandali pa at napansin na rin nito ang kaibigan.

Kinuha ni Hyacinth ang tissue na naglalaman ng request mula sa kanyang kaibigan at iniabot din iyon sa mga kasamahan niya sa banda. Napakaeksakto ata ng kanta sa nararamdaman niya ngayon. Hindi niya mapagtanto kung bakit kinakabahan siya. Sanay siyang kumanta sa harap ng maraming tao na palagi naman niyang ginagawa simula nang maging singer sa restaurant na iyon pero bakit parang gusto niyang umatras ngayong gabi. Dahil ba alam niyang nakikinig ang lalaking iyon na laging nagpapabilis sa tibok ng kanyang puso at nagpapatigil sa inog ng mundo? Aminado naman siyang ngayon lang niya naranasan ang ganoong pakiramdam, masarap ngunit hindi naaaayon sa sitwasyong iyon. Ayaw niyang mapahiya sa kanyang mga kaibigan at pati na rin sa masugid niyang tagahanga sa restaurant na iyon na dinadayo tuwing Gig Night nila.

She drinks lots of water and took a deep breath. Nang sumenyas na ang drummer ng kanilang banda ay sinimulan na niya ang pagkanta. Inisip na lamang niya ang mga kaibigan. Kung bakit naman kasi ito pa ang nirequest niyo eh. Hmp. "Before I Fall in Love" ni Coco Lee ang request ng kanyang mga kaibigan. Syempre pa sino ba siya para tanggihan ang request ng customers at audience niya.

My heart says we've got something real, can I trust the way I feel

'Cause my heart's been fooled before

Am I just seeing what I want to see or is it true, could you really be?

At napapikit siya habang kinakanta ang Chorus.

Someone to have and hold with all my heart and soul

I need to know, before I fall in love

Someone who'll stay around through all my ups and downs

Please tell me now, before I fall in love...

Nang matapos ang kanta ay masigabong palakpakan ang bumati sa kanya. Nasiyahan siya dahil sa gitna ng kaba ay nagawa pa rin niya ang best niya para sa mga manonood. So far, it went well. Nang dumako ulit ang kanyang mga mata sa puwesto ng lalaki ay nakita niya ang paghanga sa mga mata nito habang pumapalakpak. Masarap sa pakiramdam na kahit hindi pa niya kilala ito ay alam niyang hinahangaan siya nito. Naalala tuloy niya ang kanyang kinanta kani-kanina lang. I wish he could be that someone. Naihiling niya sa kanyang sarili.

Love at Fifth SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon