CHAPTER 3

42 2 0
  • Dedicated kay Rachel Cancino Poquiz
                                    

CHAPTER 3

"Good morning, ma'am," salubong kay Haya ng guwardiya pagpasok niya sa lobby ng Bryant Corporation. This is her first day on her first job ever so excited siya. Maaga siyang gumising at nag-ayos para sa pagpasok sa opisina.

"Good morning, too," at ngumiti siya sa guwardiya. Okay, kaya mo 'to Haya. Work hard! Good luck!

Tuluyan na siyang naglakad patungo sa elevator para umakyat ng 15th floor. Pagbukas ng elevator, nag-exhale siya at naglakad na patungo sa Finance Office kung saan siya na-assign. Habang naglalakad sa carpeted na hallway na iyon ng kompanya ay may nakasalubong siyang isang matangkad at matipunong lalaki. May mga hawak itong papeles at nagmamadali itong makapasok ng boardroom ng Finance Department na katapat lamang ng Finance Office. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nahulog at nagkalat ang ibang mga papeles na hawak nito sa sahig dahil nahirapan siyang buksan ang pinto ng boardroom. Hindi nagdalawang-isip si Haya na tulungan ang lalaki. Well, hindi pa naman ako late so I can give him a hand. Pinulot ni Haya ang mga nagkalat na pahina ng mga dokumento, isinaayos iyon at iniabot dito.

"Thank you, miss..." sincere nitong sabi habang kinukuha niya ang iniabot ni Haya at ngumiti pa ito sa kanya ng pagkatamis-tamis. He has that sexy smile. Oh my! Haya ang aga-aga, pinagalitan niya ang kanyang sarili.

"You're welcome. I can help you open the door if you want," at gumanti rin siya ng ngiti dito. Nag-nod lang ito. Unti-unti niyang binuksan ang pinto ng boardroom. Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto at agad niyang napansin ang isang lalaking nakaupo sa gitnang dulo ng long table. Nagulat siya at nakita rin niyang ganoon din ito. Natulala siya, hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Ano ba ito? It's so early para mawala ako sa sarili. Hindi pa sana niya aalisin ang tingin dito nang-

"Thank you again, miss. Sorry sa abala," apologetic na sabi ng lalaking pinagbuksan niya.

Nagbawi siya ng tingin at hinarap ang lalaking nagsalita. "No worries. Sige mauna na ako," ngumiti siya at nagpaalam na. At bago niya tuluyang isara ang pinto, she looked at him again as she closes the door slowly. She blinked her eyes many times just to prove that she's not hallucinating or something. Pero hindi nagkakamali ang kanyang mga mata, It's really him! Oh God. He's also working here! Napakaliit talaga ng mundo. Anong gagawin ko? Diba dapat akong matuwa dahil sa wakas makikilala ko na rin siya pero bakit ganoon bigla akong natakot sa hindi ko maipaliwanag na dahilan? She suddenly looks at her wrist watch and then - Five Minutes! Nanlaki ang kanyang mga mata. Pinagana niya ang kanyang isipan at isinantabi muna niya lahat ng nangyari kanina.Pagkalipas ng ilan pang segundo ay kinalma niya ang kanyang sarili at tumungo na sa katapat na pinto ng boardroom. Itinuro sa kanya ng bago niyang boss ang desk niya at in-orient siya sa magiging trabaho niya as a Financial Analyst simula sa araw na ito. Mahaba pa ang araw niya pero hindi siya mapakali dahil alam niyang nasa kabilang room lang ang lalaking laging laman ng isip niya lately at hindi malayong mangyaring magkasalubong sila sa lobby, sa hallway o kaya sa elevator. Then so be it, Haya. If you see him again, just act normal and say Hi. What am I thinking? Oh no, you're being irrational! Just focus on your work, lady! Pinagpatuloy na niya ang pagtatrabaho at inisip na lamang niya na malalampasan din niya ang araw na ito ng walang problema. Sana nga...

Pagkagaling sa magdamag na pagbabantay sa kanyang ama na nasa ospital, dumeretso na agad sa opisina si Trevor dahil kailangan niyang um-attend ng board meeting. Hindi na siya nag-abala pang umuwi ng kanyang bahay dahil kapag ginawa niya iyon ay siguradong late na siya darating sa opisina. Tinawagan niya agad ang kanyang secretary para daanan na lamang sa bahay niya ang mga kailangan niyang papeles at ideretso na sa boardroom. Habang nasa daan ay hindi niya maiwasang mag-alala sa kanyang ama. Pangalawang beses ng inatake ito ng stroke, buti na lamang mild lang at agad naagapan. Mahal niya ang kanyang ama at siya iyong klase ng anak na gagawin niya ang lahat dahil tumanataw siya ng utang na loob dito. He could never ask for a better father, naging mabuti itong impluwensya sa kanya kaya gusto niyang mapaligaya ito sa paraan na alam niya -- to be the future CEO of his father's own company.

Love at Fifth SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon