CHAPTER 8

21 1 0
                                    

CHAPTER 8

Isang araw bago ang birthday ni Haya. Biyernes iyon ng gabi. Nakiusap siya sa pinagkakantahan niyang resto na excuse muna siya for the Gig Night dahil tutulungan siya ni Trevor na gumawa ng kanyang sariling birthday cake tulad ng pangako nito. Dumating ito ng maaga dahil nanood pa sila sa Youtube ng mga videos on how to bake a Red Velvet Cake.

Hinanda na nila ang mga ingredients. She preheated the oven for 375 degrees Fahrenheit. Pinaghalo nila ang mga sangkap at kalaunan ay iniligay na nila ang batter sa baking pan at ipinasok na iyon sa oven. And while waiting for it, they started to make the frosting.

"Masayang mag-bake, hindi ba?" sabi niya kinalaunan dito.

"Yeah, I think it's not bad... at all."

"You know, this is something that I had always wanted to do," pagko-confess nito. Nginitian niya ito.

"Well for me, this is about doing things with the person that you like," tinitigan siya nito. Mas lumawak tuloy ang pagkakangiti niya dito. Kumuha siya ng frosting gamit ang hintuturo niya at ipinahid niya iyon sa ilong nito. Tumawa siya ng malakas. Gumanti ito sa kanya at para silang mga batang naghabulan sa loob ng kusina at nagpapahiran ng frosting sa mukha. Matapos magbake ay nagpunta sila sa may garden para makapagpahinga. Nagkwe-kwentuhan sila noon nang biglang may tumawag dito. Sinagot niya iyon agad dahil mukhang importante. Pagbalik nito ay nawala ang masayang aura nito.

"Who's that? What's the matter?"

"Honestly, this will sound bad, you know." Bigla siyang kinabahan sa bungad nito. "I have some bad news."

She decided to lighten the mood so nagbiro siya dito. "You're dying?"

"No, not that bad." Medyo natawa ito pero sumeryoso ulit.

"I'm dying?" tanong niya.

Tumawa ito. "No. It's just that I have an urgent meeting..." naghintay siya sa kasunod na sasabihin nito "...in Taiwan and..." bumuntong hininga ito ng marahas. Naghintay pa rin siya "...it's tomorrow! There I said it!"

Nabigla siya. "Tomorrow?"

"God, I know it's your special day. I really really want to celebrate it with you but --" naihilamos nito ang mga kamay sa mukha nito sa sobrang frustration.

"No, I understand," putol niya sa iba pang sasabihin nito pero nalungkot siya sa loob-loob niya. "It's okay if it's really important. You've done a lot." Napakabait naman ng tadhana at sa mismong birthday pa siya magkakaroon ng meeting, sa Taiwan pa! Nakalulungkot na hindi ko siya makakasama sa birthday ko. Hapon kasi iyon gaganapin at inimbitahan din niya ang iba nilang kamag-anak para maipakilala si Trevor sa kanila. It's not like meeting her boyfriend but meeting the one that she likes, ang first ever manliligaw niya. One word that can explain how she feels right now - disappointed.

Sumapit ang kaarawan ni Haya. Madaming dumalo -- mga kaibigan, mga kamag-anak, mga kaopisina pero tulad ng inaasahan, ang isang taong ini-expect niyang magiging kapanabay niya sana sa sayang nararamdaman niya sa espesiyal na araw na iyon ay wala sa tabi niya. Nalulungkot man pero ginawa niya ang lahat para maestimang mabuti ang kanyang mga bisita at paminsan-minsan ay tumatawa para lamang ipakita kung gaano siya kasaya na naroon sila para batiin siya. Nang matapos ang party at nagsiuwian na ang lahat ay nag-ayos na sila. Tinulungan siya ng kanyang mga kapatid. Kasalukuyan siyang nagliligpit noon ng mga baso nang may biglang narinig ang bunsong kapatid niya sa may labas. Sumilip ito sa may bintana at biglang tumingin sa kanya.

"Ate, ang prince charming mo nasa labas. Hinaharana ka!" Akala niya ay nagbibiro lamang ito. Imposible! Nasa Taiwan siya hindi ba? Pero tumango-tango ang kanyang kapatid tanda ng sagot sa nagtatanong niyang mukha. Inilapag niya ang mga hawak, tinungo ang pinto at nang tuluyang mabuksan iyon... He's really here! May hawak itong gitara at tumutugtog ito pero hindi pa ito kumakanta.

Love at Fifth SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon