CHAPTER 12

41 1 0
                                    

CHAPTER 12

Nag-iimpake na si Haya sa mga oras na iyon. Bukas na kasi ang biyahe niya. Siguro tama din ang kanyang naging desisyon. Makalilimutan din niya si Trevor kapag nasa probinsiya na siya. Hindi pa rin mawala sa isipan niya ang huling sandaling nayakap niya ito kanina sa engagement party nito. Yakap iyon ng pamamaalam. Siguro matatagalan bago sila magkita ulit, pero sana kapag nangyari iyon ay pareho na silang nakapag-move on. Pasasaan ba't magiging parte na lang ito ng unang karanasan niya sa pag-ibig, at least marami siyang natutunan dito.

Habang itinitiklop niya ang mga damit niya, inaalala niya ang mga unforgettable moments nila ni Trevor. Ang una nilang pagkikita sa elevator ng Bryant Corporation nang mag-apply siya ng trabaho dito, pangalawa nilang pagkikita sa pinto ng comfort room sa isang restaurant sa Greenhills, pangatlo nilang pagkikita sa Gig Night niya habang siya'y kumakanta, pang-apat nilang pagkikita sa G-zone Café na pagmamay-ari ng matalik niyang kaibigan na si Geena, at ang huli at panglimang beses nilang pagkikita bago sila tuluyang nagkakilala ay sa board room na katapat lamang ng opisina ng department niya. Hindi rin niya malilimutan ang una nilang pagkakakilala nang umulan ng malakas at nakisuong ito sa payong niya at ang mga naranasan niyang mga first dito: first manliligaw niya ever na nagdala ng bouquet of hyacinth, first holding hands while walking, first duet nila sa pagkanta habang nasa sasakyan, first guy na humarana sa kanya sa mismong birthday niya, first kiss niya sa cheeks nang ibigay nito ang birthday gift nito na kwintas bukod sa gitarang may naka-engrave na initials ng pangalan nilang dalawa at ang first heart break niya. Hindi rin matatawaran ang mga cheesy lines nito na talagang nagpakilig sa kanya. Maraming magagandang alaala ang babaunin niya sa pag-uwi sa probinsiya pero kailangang gawin niya ang lahat para hindi maiwan ang puso niya dito sa Maynila. Itinago niya sa kahon ang gitarang bigay nito, hinipo niya ang naka-engrave na mga letra doon at tinapunan ito ng huling tingin. Isinama din niya dito ang bigay nitong kwintas, matagal niyang pinakatitigan ang pendant nito bago ito ilagay sa maliit na kahon at ilagay sa gilid ng gitara.

Kapagkuwan ay may narinig siyang tumutugtog ng gitara pero medyo malayo ang pinanggagalingan noon. Baka naman nagraradyo lang ang kapatid niya sa kabilang kwarto. Maya-maya pa ay bumuhos naman ang malakas na ulan. Kahit na medyo malakas iyon ay narinig pa rin niyang may kumakatok sa may pinto.

"Pasok!" sigaw niya dito.

"Ate, ang prince charming mo nasa labas!" sigaw nito. "Basang-basa sa ulan, walang masisilungan, walang malalapitan!" pakanta nitong sabi mala-Aegis. Imbes na matawa sa ginawa ng kapatid niya ay kinabahan siya na may halong pagtataka. Anong ginagawa niya dito? Diba dapat nasa party pa siya? Bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya inaasahan ang ganoong pangyayari lalo pa't engagement nito ngayon. Bumaba siya sa may sala. Andoon ang kanyang ina at mga kapatid. Sumilip muna siya sa bintana para tignan ito. Nandoon nga si Trevor sa labas ng gate nila na may dalang gitara. So siya pala 'yong narinig ko kanina na tumutugtog... Pero hindi pa rin niya maintindihan kung bakit ito naroon. Binuksan niya ang pinto. Agad siyang nakita nito.

"Haya!" sigaw nito habang hindi pa rin tumitigil sa pagtugtog ng gitara. "This song is for you!" At nag-umpisa na itong kumanta ng "Hard To Say I'm Sorry" ng Chicago.

Everybody needs a little time away, I heard her say, from each other

Even lovers need a holiday, far away from each other

Hold me now, it's hard for me to say I'm sorry

I just want you to stay

"Trevor! Anong kalokohan 'to?" sigaw niya dito. "Hindi mo ba nakikitang umuulan?" Pero hindi ito nakinig sa kanya. Patuloy pa rin ito sa pagkanta.

Love at Fifth SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon