CHAPTER 5

32 1 0
                                    

CHAPTER 5

Hindi maitago ni Haya ang excitement na nararamdaman niya nang ipaalam niya sa kanyang mga magulang ang gagawing pag-akyat ng ligaw ni Trevor sa kanya sa gabing iyon. Ni hindi nga niya inaasahan na malugod nilang tinanggap ang ideyang iyon. Masaya siya at naintindihan ng kanyang pamilya ang gumagandang takbo ng kanyang buhay pag-ibig, naikwento niya kasi sa kanila ang lahat ng nangyari. Ito ang maganda sa pamilya niya, they're open minded sa mga bagay na ito kaya hindi siya nagdadalawang-isip ipaalam kung anuman ang problema o masayang karanasan niya.

Naligo na siya at nagbihis ng simpleng damit. She put on some make-up and French twist her hair. She really wants to look nice this evening because at last, she believes that God wants her to find her happiness by introducing "the one" to her family. She wanted this evening to be perfect and special.

Bumaba na siya at dumeretso sa may dining room para malaman kung handa na ang kanilang magiging dinner kasama syempre si Trevor pero nagulat siya nang makita ang mga pagkaing nakahain sa mesa. Ano 'to fiesta? May Paella Marinara, Baked Rosemary Chicken, Four Cheese Penne, Sweet and Spicy Pork Ribs, Chopsuey, Beef and Bacon Casserole and Java Rice. Crema De Fruta and Peach Mango Pie for dessert and Berry Banana Smoothies for their drinks. Wow! Nganga ang lola mo! Bigla tuloy siyang naglaway sa sarap ng mga pagkaing nasa harapan niya.

Hinarap niya ang kanyang ina na noo'y nasa kusina. "Ma, don't you think it's too much? Manliligaw palang po 'yung tao parang bibitayin niyo na," pagbibiro niya dito. Tumawa lang ito at nagpatuloy na sa ginagawang pagluluto.

Maya-maya pa narinig nila ang pagtigil ng sasakyan sa tapat ng gate nila. Sumilip sa bintana ang kanyang bunsong kapatid. "Ate, andito na siya!" excited na sabi nito. Bigla siyang kinabahan. 'Yun bang kabang may halong excitement at takot. Nakita niyang bumaba na ng hagdan ang kanyang ama, nagtanggal naman ng apron ang kanyang ina. Ang bunsong kapatid niya ang nagbukas ng gate at sumundo dito. Nakatayo na sila para salubungin ang mahalagang bisita nila sa gabing iyon.

Bumukas ang pinto at- "Good evening," ngumiti ito sa aming lahat habang may hawak itong bulaklak. Nakipagkamay agad ang ama at ina niya dito pati na rin ang dalawang kapatid niya. Pero sigurado siyang hindi maipaliwanag ang itsura niya sa mga oras na iyon.

Bumaling sa kanya ang kanyang ina, "Hindi mo ba siya ipakikilala sa amin, anak?" Tulala pa rin siya sa mga nangyayari at gusto na niyang lamunin siya ng lupa.

Tinignan niya ito, "Who are you?" nagtatakang tanong niya dito habang nakakunot ang noo. Biglang nagtinginan ang pamilya niya sa kanya, nasa mukha nila ang pagtatanong. Oh I remember, siya 'yung tinulungan ko sa office noon.

"For you..." sabay abot nito sa kanya ng bugkos ng bulaklak na hawak nito. Tinanggap naman niya agad ito. Hyacinth. The're very beautiful pero mas maa-appreciate ko ito kung si Trevor sana mismo ang nagbigay. "Miss, can we talk outside for a while?" sabi niya kapagkuwan sa kanya.Nagnod lang siya, nag-excuse naman ito sa pamilya niya at lumabas na sila pareho.

Nag-ipon ito ng lakas ng loob tsaka nagsalita, "First of all, I'd like to apologize on behalf of Trevor. Nagkaroon kasi ng emergency kaya hindi siya nakapunta at hindi niya nakuha number mo para sabihan ka ng maaga," paliwanag nito.

"So, ikaw ang pinapunta niya dito?"

"Nakiusap kasi siya sa akin," nagkamot ito sa may batok.

"Bakit ikaw ang pinapunta niya?"

"Well, aside from being his secretary, kaibigan ko din naman siya kaya tinulungan ko siya."

"You're his what?" mali ata siya ng narinig. Secretary? Is he some kind of an important person?

"Yeah, you heard it right. Secretary niya ako. So, paano ba yan mauna na ako. Pasensya na sa abala, Miss--?" alinlangang tanong nito sa kanya.

Love at Fifth SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon