CHAPTER 1

108 4 0
                                    

CHAPTER 1

"Isa na lang...patay kang baboy ka....Yes!" Napahiyaw si Hyacinth nang matira nya ang pinakahuling baboy sa nilalaro niyang Angry Birds. Nasa last level na siya ng "The Big Setup" at sobrang tuwa niya nang mapagtagumpayan niyang matapos ang larong ito sa loob ng dalawang buwan.

Kapapasa pa lang niya sa board exam at bago maghanap ng trabaho, nagdesisyon siyang magpahinga muna. Ipinangako din niya sa kanyang sarili na kapag natapos niya ang laro ay maghahanap na siya ng trabaho. Tuwang-tuwang nagtatalon siya sa kanyang kama hanggang sa mapagod at nahiga siya nang may ngiti sa kanyang mga labi.

Sa wakas, two months is not that bad. It was a fun break for me, naisip niya.

"Haya!" tawag nang kanyang ina. "Bumaba ka na diyan at kakain na."

"Opo. Bababa na po." At nagmamadali siyang bumaba para makakain na. Pagkakain ay agad siyang naligo at nag-ayos para sa kanyang first job hunting. Matagal na siyang nakapagresearch sa mga kompanyang pwede niyang mapag-apply-an at ngayon nga ay iisa-isahin na niya ang mga ito.

She's ready to face a new beginning. A new chapter in her life. Baka nga ito na rin ang pagkakataon niyang makabawi sa hirap ng kanyang mga magulang sa pagpapaaral sa kanya at makatulong din sa mga kapatid niya. Pangalawa siya sa kanilang magkakapatid. May asawa na ang kanyang ate at dalawa naman ang nag-aaral pa sa kolehiyo. Gusto niyang mapag-aral din niya ang kanyang mga kapatid dahil batid niya ang pinagdaanan ng kanyang ina para lamang makapagtapos siya. She graduated cum laude in her Bachelor of Science in Accountancy course and God blessed her so much because she passed the CPA Board Examination in just one take. She's very proud na nagkaroon na rin ng karugtong na tatlong letra ang kanyang pangalan. Why, she's now Ms. Princess Hyacinth Reyes, CPA. Labis ang tuwa ng kanyang mga magulang sa achievements niya pero labis din ang lungkot nila nang sabihin niya sa mga ito na hindi muna siya magtatrabho at magpapahinga muna siya.

Of course, for her she needed a break. She deserves it. A peaceful vacation with no stress and problems. Sa apat na taong pag-aaral sa kanyang kurso ay ginusto din niya ang makapagpahinga. Dahil nga subsob siya sa pag-aaral hindi siya nagkaroon ng oras para sa ibang mga bagay. And two months is not really not bad after all, it's all worth it. Nakapag-isip-isip na siya kung ano nga ba ang plano niya sa buhay, nakapag-enjoy pa siya sa paborito niyang laro.

Nang makasakay siya sa taxi ay nagpahatid siya sa kompanyang una sa kanyang listahan - ang Bryant Corporation. Isa itong kompanyang sikat sa bansa at iba pang panig ng mundo. Maganda naman ang background ng kompanya at okay din ang benefits dito. Matagal na ring nakahanda ang mga papeles na kakailanganin niya sa pag-aapply. In short, lahat handa na, siya na lang ang hinihintay.

Habang naghihintay na bumukas ang elevator ay pinagsawa niya ang kanyang mga mata sa nakikita. Napakaganda ng interior ng lobby pa lang ng thirty-storey na building na iyon. The floor is well carpeted and the chandeliers look elegant. There are beautiful ornamental plants all over the place which adds fresh look in the building. Naisip tuloy niya, Sana matanggap ako dito para magmukhang sosyal ang lola mo...Ay like!

Nang magbukas ang elevator ay parang biglang nawalan siya ng panimbang sa kanyang nakita. Oh my God. Sa pagkakatulala ay napansin din niyang matamang nakatitig din ang lalaki sa kanya! Hindi niya malaman kung bakit pero parang tama nga yong mga napapanood niya sa pelikula na parang nag-slow motion ang kanyang paligid. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. She had never seen as handsome as that face. Nag-iisa ito nang bumukas ang elevator. Naihiling pa niya na sana siya na lang ang kasama niya sa elevator ng mga oras na iyon. Hindi pa rin sila kumikilos na dalawa hanggang sa nagsara na nang tuluyan ang elevator at tumuloy na iyon sa basement kung saan matatagpuan ang parking lot ng kompanya. Hindi pa rin siya makapaniwala na biglang nanigas ang buong katawan niya nang ganoon. Ni hindi nga kumurap ang mga mata niya. Pinakatitigan niya lang ito. Imbes na nakarating na siya sa HR department ng kompanya ay maghihintay na naman siya ng susunod na elevator paakyat ng naturang building.

Love at Fifth SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon