CHAPTER 10

25 1 0
                                    

CHAPTER 10

     Umuwi si Hyacinth ng gabing iyon na luhaan. Daig pa niya ang natalo sa contest. Unti-unting dinudurog ang puso niya habang kumakanta siya kanina at nakita niyang inabutan ni Trevor si Savannah ng panyo. Ako dapat ang inaabutan niya ng panyo. Siya dapat ang nagpupunas ng mga luha ko. But he left me just when I needed him most.

Nasa kwarto siya noon nang may kumatok sa kanyang pinto. “Ate, may bisita ka… si Kuya Trevor nasa labas. Maghihintay daw siya sa’yo.” Maghihintay? Masarap sanang pakinggan kung hindi nangyari ang mga nangyari na. Hindi niya pa ito kayang makita sa ngayon.

Mahigit isang oras na siyang nakahiga noon pero ‘di pa rin siya makatulog. Naghihintay pa kaya ito? Bumango siya at sinilip ito sa may bintana. Nandoon pa nga ito! Awtomatikong napatingin siya sa wall clock. Alas onse na ng gabi, bakit hindi pa siya umuuwi?

Bumaba siya ng hagdan at lumabas ng gate.

Nilakasan niya ang loob niyang kausapin ito. “Trevor, it’s already late. Umuwi ka na…”

“I need to talk to you. I need to see you…” mababakas mo sa mukha nito ang kalungkutan. “I never meant to hurt you.”

“I believe that. But what about the entire time we spent together, was it just a big joke? Wala bang halaga iyon sa’yo? I found a guy I cared about so much and he turned out to be engaged with someone else.” She’s teary-eyed pero pinigilan niyang tumulo ang mga iyon.

“I screwed up,” pagtatapat nito sa kanya..

“Oh really?” sarcastic niyang sabi. “How’s that working out for you?”

“I’ve missed us. I miss you…” Me too, napapikit siya sa sinabi nito at doon tuluyang bumagsak ang mga naipon niyang luha.

“You’re not getting it. It doesn’t even matter. It has nothing to do with how much we like each other. You’re engaged to be married. Savannah’s beautiful and nice at siya ang gusto ng ama mo para sa’yo. How am I supposed to compete with that?”

“Haya…. I’m sorry… ”

“I don’t wanna fight with you, please. Just go home. I don’t have to say anything anymore.” At tinalikuran na niya ito. Masakit talikuran ang lalaking gusto mo pero mas masakit ‘yong gusto mong pigilan ka nito pero hindi nito magawa. Duwag ka talaga, Trevor!

Matuling lumipas ang araw. Dalawang linggo na ang nakaraan at Gig Night na naman. Pero naiiba ito sa mga nagdaan. Masaya ang aura niya ngayon. Siguro dahil she’s now letting go of the past, she’s now healing. Pero sa totoo lang, para sa mga babae, mali ang kasabihang ‘past is past’ dahil para sa kanila ‘past is always present.’ Ayaw na niyang isipan pa ang mga nangyari at ibalik ‘yong sakit. Inimbita niya ang mga kaibigan niya. Dumating siyempre sina Geena, Kassandra at si Harriette. Dumating din sina Vlad at Justin pero hindi niya inaasahang sasama si Trevor. Wala na siyang nagawa pa dahil kaibigan naman ito nina Vlad at Justin. How rude of her naman para paalisin ito eh customer din naman ito doon. Hindi daw nakasama si Savannah dahil abala ito sa magaganap na engagement. Ugh! That engagement again! Hindi ko talaga matatakasan ang sakit ng kahapon…

Nagulat silang lahat pagkakita sa kanya. Niyakap niya ang mga kaibigang babae at naghello kina Vlad, Justin at Trevor.

“How have you been?” tanong ni Trevor. Shocked ang itsura ng mga kasama nila pati siya ay nabigla ng kausapin siya nito.

“I’m great!” Sandali lang siyang tumingin dito at ngumiti sa mga kaibigan niya.

“I didn’t know you’ve cut your hair…” sabi ni Geena.

Love at Fifth SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon