AN:
Ewan ko kung may nagbabasa pa nito pero eto na ang update. Hahahaha!
============================================================================
OutofMyLeague T W E N T Y O N E
Tanga.
FLASHBACK.
“Kay Daniel ba galing to?”
Tapos pinakita ko sa kanya yung papel.
“Oo.”
Kinurumple ko ung papel, pero hindi ko naman tinapon. Hawak hawak ko pa rin ito.
“Anong ibig sabihin nito?”
“Hindi ako ang taong dapat magsabi niyan sa'yo.”
Wow, so may nakatakdang magasabi sa akin?! Sino naman yon?!
“Kung hindi ikaw, sino?”
“Malalaman mo rin.”
“Sht naman Migs o! Sabihin mo na!”
“Pau, wala akong karapatan na mangialam sa kanya, sa kanila.”
“Kanya? Kanila? Sht.”
END OF FLASHBACK.
At iniwan ko siya dun. Peste naman o. Ano to, blues clues? Hahanapin ko muna lahat ng clues para malaman ko kung anong gusto nilang sabihin sa akin?! Wow ha. Ako na ngayon ang girl version ni Steve!
“Frapuccino for Pau!”
Nagtataka na ba kayo kung nasan ako? Nasa MOA ako. Dito na kami nagkita ni Migs. Para kung sakali, malayo sa lugar kung nasan ang mga kaibigan ko. Gusto ko muna mapagisa. -___- Nakakaloko lang kasi.
“Thank you. :)”
Sabi ko sa barista na nagbigay ng drink ko.
Lumabas ako ng store at naglakad papuntang seaside. 4pm palang naman. Kaya okay lang. Mamaya nalang ako uuwi. O uuwi nalang ako kapag pinauwi na ako. O kaya. Ay basta! Uuwi ako kapag, kapag, kapag nakarecover na ko? =________="
Pagkarating ko sa seaside, shempre, ano pa bang makikita ko dun? Shempre, mga LOVERS. Hahaha! Hindi ako nagbibitter. Sinasabi ko lang. >:) Humanap ako ng mauupuan, ung walang masyadong naglalandian este couple. HAHAHA! Nandito ako para magrelax, hindi para manuod ng live action romance! HAHAHA
Sa may mejo dulo ako napaupo. Ung dun na sa mejo liblib na pwesto. Malapit sa may fountain ng MOA. Alam niyo ba un? Basta sa dulo! Hindi ung may lights ha. Basta ung isa pang fountain sa kabilang ibayo ng MOA. HAHAHA! Maganda naman dun, di nga lang dayuhin ng tao kasi sobrang layo sa entrance ng mall. Hahaha!
Umupo akong nakaharap sa araw. Pasunset na kasi kaya ayun.
Alam niyo ung nakakarelieve na feeling? Etong moment na to. For a while, parang nakalimutan ko ung problema ko. Ano nga bang problema ko? Ayy lovelife? HAHAH! Pwede ko bang iconsider na lovelife to?
‘you may not be an angel, ‘cause angels are so few. But until the day that one comes along, i’ll string along with you.’
Deym. Ano bang ibig sabihin nun? Hindi ko maintindihan eh. :( kaawa-awang bata ko naman.
Di ko alam kung anong dapat kong maramdaman eh. Saya. Saya dahil siya pala yun. O lungkot. Lungkot dahil wala siyang lakas ng loob na magsabi nito. O di kaya naman sakit. Sakit dahil kung gusto niya ako, no, mahal niya ako, bakit sila ni Alex ang magkasama? Bakit hindi nalang kami?
“May problema ka din sa pag-ibig noh?” Nagulat ako sa nagsalita. Tumingin ako sa kanya.
She’s just some random people na pumupunta sa Seaside para tumambay at bigla nalang kumakausap ng tao na di naman niya kilala. – Yan ang naisip ko.
Hindi ko siya sinagot, baka kasi mamaya di pala ako ang kausap niya.
“Huy, kausap kita.” Tapos pinoke niya ako sa braso.
Tumingin ako sa kanya.
“Hehe, bat naman naisip mo na pag-ibig ang problema ko?”
“Kitang-kita kasi sa mata mo.” Napa-“huh” look naman ako sa kanya. “Kasi diba sabi nila, eyes are the window to your soul. Ayun, napagtanto ko lang. mukha namang tama ang hula ko eh.”
Tumango nalang ako sa kanya at tumingin sa dagat.
“Mind if you share?” Hindi ako sumagot. “Sige, ako nalang magkkwento.”
Di ko nalang siya sinagot. Hayaan niyo na siya magkwento, baka wala lang talaga siyang makausap eh. Hehe. ^______^
“Ganito kasi... ewan ko. hanggang ngayon mahal ko yung ex ko eh.. pero di ko maintindihan ung utak niya... mamaya mahal niya, tapos biglang may iba siyang babae.” Nagbuntong hininga siya. May pinagdadaanan pala 'tong babaeng 'to.
“Mahal ko siya, oo pero ayoko ng ginagawa niya sa akin.. minsan nga gusto na akong patayin ng mga kaibigan ko sa katanghan ko eh. :( Hahahaha! Ang tanga ko daw kasi. harap-harapan na akong ginagago pero open arms pa din ang pagtanggap ko sa kanya.”
“Ang tanga mo nga.” Sabi ko sa kanya.
“Ha?”
“Ang tanga mo nga. Harap-harapan ka nang ginagago pero tanggap mo pa din.”
“Ganun naman kasi un diba? *iyak iyak* Kapag mahal mo, kahit nagmumukha ka nang tanga, okay lang. basta alam mo, anjan pa din siya.”
Natahimik ako.
“Wala naman kasi yan sa mga nanggugulo sa relationship niyo. Ang mahalaga, handa kayong kumapit sa isa’t isa hanggang dulo. Tanga man kung sabihin ng iba, pero maiisip din nila na nagmamahal ako kaya ko nagagawa ang bagay na un.”
BOOGSH.
Natamaan ako sa sinabi niya. Well, magkaiba nga naman ung sitwasyon namin pero diba?
Ito ako, nagpapakatanga. Sinasabi sa sarili na wag na umasa kay Daniel pero pasaway ag tadhana, pilit naman kami pinaglalapit. Yung mga kaibigan namin, hindi ko alam kung tumutulong silang paglapitin kami or hindi. Ay ang labo! Pakamatay nalang yung mga isda sa dagat, baka sakaling may makuha akong sagot! =_______=
“Hala, sige, alis na ako. Nice meeting you ---“
“Pau. Call me Pau.” Tapos ngumiti ako sa kanya.
“Myrtle. Sige Bye Pau! Thanks for listening.”
At naglakad na siya palayo sa akin.
Tumingin ulit ako sa dagat. Papalubog na pala ung araw.
“Daniel.” Kinuha ko ung papel at muling binasa.
“Bahala na, kung hindi man ako ang anghel na para sa'yo, gagawa na ako ng paraan para maging anghel mo.”

YOU ARE READING
Music of Our Hearts: Out of My League || COMPLETE
Romance[COMPLETE] Music of our Hearts presents Out Of My League. Isang torpe at isang tanga. Paano nila maamin sa isa't isa ang kanilang nararamdaman kung palagi silang nauunahan ng hiya? Alam na ng buong barkada, sila na lang ang hindi makaramdam. An...