A/N: Nasira kasi ung hard drive ko kaya di ko mapost ang mga pictures. Naghanap lang ako sa net. :(
Out of My League T W E N T Y F I VE
PAU’S POV
Sabi nila, kapag may taong umaalis, may taong dadating. Yung ibang dumadating, permanenteng nananatili sa buhay natin. Yung iba naman, dumaan lang, para pasayahin or saktan tayo. Yung iba naman, akala natin permanente na un pala, aalis din.
Malapit na ang Christmas concert, maayos na naman ung mga plano namin.
Ang hindi lang maayos ay yung isa sa amin.
“Hoy pare, nakatulala ka na naman.” Sita ni Daniel sa kanya.
At oo, nakakasama ko na ulit siya. Pero syempre, kasama palagi yung barkada.
Di niya sinagot si Daniel.
Actually, naging ganyan na yan simula nung araw na umalis si Mira. One week na sigurong ganyan yan. Buti nalang wala yang gagawin sa concert sa Friday, kundi, magkakaproblema kami.
“Kuya Migs, tama na nga yan.” Si Matt naman ang kumausap sa kanya.
Then he sighed.
“Guys, iwan niyo muna ako, please.” Sabi niya sa amin. Pero di niya pa din kami tinitignan.
“Tara na nga muna. Punta muna tayong gym.” Yaya ko sa kanila.
Iniwan na rin namin siya don. He needs time and space. Alam naman namin un. Problema kasi di pa niya inamin eh.
Oo nga at uuwi pa si Mira pero shempre, di pa namin alam kung kailan un. Magaaral din daw kasi siya dun diba.
Hay, sana lang, malampasan na yan ni Migs.
“Uy Pau.” May bigla namang tumawag sa akin. Kanina pa pala ako naiwan.
Kami nalang pala ni Daniel ang naiwan dito.
“Naiwan na nila tayo. Kanina pa kita tinatawag kaso nagdday dream ka ata.” Nakakahiya. >///<
“A-ah, tara na!” Naglakad na ako, palampas sa kanya, kaso hinawakan niya ako sa may braso. “Ba-bakit?”
“Pau.. Iniiwasan mo ba ako?” Tanong niya sa akin, tapos ung tingin niya pa sa akin, napakaseryoso.
“Hi-hindi. Ano ka ba, magkasama lang tayo nung isang araw eh.” Sagot ko naman sa kanya.
Kinalas ko naman ung pagkakahawak niya sa akin at naglakad ulit.
Ewan ko ba, pero di ko siya kayang makausap ngayon.
Matapos ng lahat ng nalaman ko.
Pinagselos niya ako at ginamit si Alex.
Matagal na pala niya akong gusto---mahal, pero di siya nagsasalita. Hanggang notes lang siya.
Pero...
Pero...
Pero gusto ko din siya makasama.
Ay ewan.
Ang labo ko talaga kahit kailan.
Nahawa na ako sa kabaliwan ni Mira. >______________<
Nilingon ko ulit si Daniel. Di pa kasi siya nasunod sa akin.
“Daniel, so-sorry.” At nagumpisa nang tumulo ang mga luha ko.
Agad naman niya akong niyakap.

YOU ARE READING
Music of Our Hearts: Out of My League || COMPLETE
Romance[COMPLETE] Music of our Hearts presents Out Of My League. Isang torpe at isang tanga. Paano nila maamin sa isa't isa ang kanilang nararamdaman kung palagi silang nauunahan ng hiya? Alam na ng buong barkada, sila na lang ang hindi makaramdam. An...