OutofMyLeague E I G H T
Nice meeting you.
Jayne, gumising ka na jan! Tanghali na. Ano ba naman si Mommy. Wala pa namang pasok eh keaga ako gisingin.
Opo! Gising na poooooooooooooo! Di na ako lumabas ng kwarto. Grabe. Kinuha ko agad yung phone ko and chineck kung may mga nagtext. Meron naman kaso puro gm nina Mira at Kim. :|
Jayne! Sina Mira nasa labas. Lumabas ka na jan! Anooo?! Bakit nandito 'yung mga 'yon?! Amp. Di pa ako naliligo!!!!!!
Dali dali akong lumabas ng kwarto ko. Shempre nagCR muna ako tapos nagsuklay. Tapos hinarap ko sila.
Hoy! Anong ginagawa niyo dito?! Bungad ko sa kanila sa sala.
Nakalimutan mo na?! Bibili tayo ng school supplies! Pasukan na kaya next week!
Anoooooo?! Bat ang bilis?! Di ko pa ramdam ang bakasyon. TT__TT
Ay nakalimutan mo na nga. Yan na ba ang epekto ni Daniel sa'yo? HAHAHAHA!
Loka! Daniel ka jan. Di ko lang talaga naalala! Sorry lang ha.
Di pwede magsorry kapag ikaw! HAHAHA! Tae talaga 'tong si Mira. Nambabara!
Ohsha tama na 'yan. Maligo ka na!
At dahil masunurin ako, naligo na ako. Yung dalawa ayun nangeelam lang ng laptop ko. Hahaha. Kainis. Nawala talaga sa isip ko na pasukan na namin next week. Di pa ako excited pumasok.
After ko maligo, shempre nagbihis ako ng panlakad. The usual, shirt and jeans. Tapos humingi nalang ako ng pera kay daddy. Kasi kapag kay mommy dami pa nun litanya bago ako bigyan. Hahaha!
Kuya Carlo! Wala ka bang ipapabili?
Tetext nalang kita. Naglalaro kasi ng dota kaya di mo makausap ng maayos.
Sige! Mommy! Aalis na po kami!
May pera ka na ba? Sige. Mag-ingat kayo!
Opo! Bye Ma!
At lumabas na nga kami ng bahay namin. Palabas na din kami ng compound. Nilalakad lang namin. Malapit lang kasi chaka sanay na kaming maglakad. Hanggang sa sakayan papuntang SM maglalakad pa din kami. XD Di kami nagtitipid. Ganito lang talaga.
Bat wala si Kuya Jet? Nako. Kaya pala hindi mapakali kanina. Hinahanap ang kuya ko. Hahaha
Nasa school. May pasok na kaya 'yun.
Ay kaya pala si Kuya Carlo at Aldrei nandun.
Kaya pala tingin ka ng tingin sa mga tao sa bahay. Hahaha
Crush kasi ni Mira si Kuya Jet. Pangalawa sa aming magkakapatid. Si Ate Kate, Kuya Jet, Kuya Carlo, Ako tapos si Aldrei. Dami namin noh? XD
Nako. Ikaw talaga Mir. Hahaha
Nung nakasakay na kami ng jeep papuntang SM..
Wala na naman kayong inimbitang sumama diba?
Wala. Bakit?
Ahh. Wala. Mabuti na yung sigurado. Hahaha. At parang naweirduhan sa akin yung dalawa kaya di nalang ako umimik. Ngumiti nalang ako sa kanila. :P
Pagdating namin sa SM, dumiretcho agad kami sa National Book Store. Tapos kanya kanya na kaming cart. Magkikita nalang kami sa cashier. Buti nalang at mejo konti ang tao kaya di masyadong nagsisiksikan at nagkakagulo sa loob.
Kumuha ako ng gtec, binder, envelope, folder, intermediate pati na rin yellow pad at isang candy magazine. Hahaha. Osige na. Ako na masipag magsulat. Kaya nga binder lang binili ko eh. Hahaha.
Hinanap ko na sina Mira at Kim nun. Pero laking gulat ko ng makita ko sila at may kausap na ibang tao.
Grabe! Ang laki ng pinagbago mo ateng! Alam kong masama mageavesdrop pero I can't help it.
Oo nga! Di ka na tulad dati na neneng nene! Nakatago lang ako sa gilid ng mga cabinet. Yung kung saan nakalagay yung mga books. Nandun lang kasi sila sa may ballpen section.
Nagimprove ka na!
Grabe naman kayo! Makapuri naman. Hahaha. Ako pa rin 'to. Ang Alex na kaibigan niyo. :)
Oo! Nabasa niyo yan ng maayos. Si Alex nga. Si Alex na Ex ni Daniel. Anong ginagawa niya dito sa Cavite?!
Ano nga palang ginagawa mo dito? Balita ko kasi sa Batangas ka nakatira.
I'm back guys! Dito na ulit ako! :D Hindi nakasagot sina Mira at Kim. Nagulat siguro. For good na ulit ako dito sa Cavite. Ayaw niyo ba?!
AYOKO! Ay san nanggaling yun?!
Eh di maganda! San ka mag-aaral?
Saan pa nga ba? ::)
Waaaaaaaaaah! Schoolmate na ulit ka namin!! Tapos niyakap siya ng mahigpit ni Mira.
O__________O
Nagulat ako dun ah. I didn't see that one coming. So ibig sabihin makakasama niya---
Hoy Pau! Nakita na pala ako nina Kim. Tumingin ako sa kanila. Tumingin ako kay Alex, nginitian niya ako. Ang ganda pala niya. No wonder kung bakit nagkagusto siya kay Alex.
Lumapit ako sa kanila tapos ngumiti. :)
Tapos na akong kumuha ng ma gamit. Bayad na tayo. :) Sabi ko ng painosente. Di ko muna pinansin si Alex.
Ay Pau si Alex nga pala. Alex si Pau. Di mo na siya naabutan nung umalis ka ng school.
Hi. Nice meeting you Pau. Tapos inabot niya sa akin ung kamay niya. Nakipagshake hands naman ako.
Nice meeting you too Alex. :)
Alex? Tapos ka na ba? Hinahanap na tayo ng Kuya mo. May babaeng nagaapproach kay Alex mula sa malayo. Siguro mommy niya kasi medjo matanda.
Tapos na po. Tapos naghandsign siya ng ‘wait’. Uy guys sige kitakits nalang sa pasukan. :) Nagbeso siya kina Kim at Mira. Tapos tumingin siya sa akin.
Hope we could be friends. :) Tumango nalang ako at nagsmile.
Umalis na siya at pumunta na dun sa babaeng tumawag sa kanya.
And now you finally met Alex. Daniel's ex-girlfriend. K. Fine. Whatever.
Tapos siniko ni Kim si Mira. Huy!
Whaaat?! Natawa nalang ako. Magtatalo pa tong dalawang to dito.
Hay nako. Tama na yan. Tara na? Bayad na tayo.
Ayan tignan mo. Sinabi mo pa kasi yon!
Ano na naman bang ginawa ko?!
Ewan sayo! Tara na nga.
Naramdaman ko nalang na sinundan nila ako. Hay nako. Di pa din tumigil Hahaha! Di ko na narinig yung mga bulong nila at pumila nalang ako. Seems like magiging complicated 'tong 4th year ko ah? Whatchuthink?

YOU ARE READING
Music of Our Hearts: Out of My League || COMPLETE
Romance[COMPLETE] Music of our Hearts presents Out Of My League. Isang torpe at isang tanga. Paano nila maamin sa isa't isa ang kanilang nararamdaman kung palagi silang nauunahan ng hiya? Alam na ng buong barkada, sila na lang ang hindi makaramdam. An...