MOH: Out of My League 24

529 5 0
                                    

Out of My League T W E N T Y F O U R


PAU’S POV


*BLAG BLAG BLAG*

 


“Pau! Pau! Pau!” May nasigaw sa labas ng kwarto ko. Umagang-umaga naman, ang ingay!


Bumangon na ako ng kama para pagbuksan kung sino man un. Nakakainis eh. Sabado ngayon, so ibig sabihin, walang pasok, pwedeng matulog hanggang hapon.


“Pau! Buksan mo 'to!” Sigaw ulit nung taong nasa labas.


“Ito na! Saglit lang naman kasi!” Pagbukas ko ng pinto, si Kim pala. “Bakit ba Kim?! Natutulog yung tao oh.” Bulyaw ko agad sa kanya.


Hindi niya ako pinansin, imbes, pumunta sa closet ko at naghalungkat ng damit ko.


“Hoy Kimberly, ano bang ginagawa mo?” Kinakalat ba naman kasi ung damit ko sa kama.


“Magbihis ka na! Pupunta tayo ng airport!” Sigaw niya sa akin.


“At bakit naman?”

 


“Magbihis ka na! Hahabulin natin si Mira! Papunta na dun sina Migz! Dalian mo!” At tinulak niya ako sa banyo ko.


Sht. Ano daw ulit? Hahabulin si Mira? San naman pupunta ung babaeng yon?!


Matapos kong magbihis, hinila na ako ni Kim sa sasakyan ni Matt. Buti nalang marunong madrive 'tong lalaking 'to.


Habang papunta kami sa airport, tinatawagan namin ng tinatawagan ung cellphone ni Mira. But no luck, kasi di niya sinasagot.


“Badtrip ka talaga Mira.” Nasabi nalang bigla ni Kim.


“Kim, paano mo nalamang aalis si Mira? Tsaka, kailan pa niya balak to? Bat di niya sinabi sa atin?”Tanong ko sa kanya. Sa ngayon kasi, wala talaga akong alam sa mga pangyayari kundi aalis ung isa sa mga bestfriend ko na hindi nagpapaalam sa amin.

Music of Our Hearts: Out of My League || COMPLETEWhere stories live. Discover now