E P I L O G U E
OUT OF MY LEAGUE – FOREVER
PAULINE JAYNE MORALES <3DANIEL SARMIENTO
“Hi guys! Congratulations!” Bati sa amin ni Mira. Nakaskype kasi kami ngayon at nasa bahay kami nina Kim.
“Mamaya pa naman. Si Mira excited. Hahaha!” Sagot naman ni Daniel.
“Leche ka talaga Daniel. Porke’t kayo na ni Pau namimilosopo ka na.” Sagot naman niya kay Daniel.
Niyakap naman ako ni Daniel from behind.
“Mhine oh, inaaway ako ng bestfriend mo.” Pagsusumbong niya.
“Leche! Ang landi!” Sabat naman ni Mira.
Hahaha! Nakakaloko talaga mga 'to. Kahit di magkakasama, grabe pa din maginisan.
“Hoy Daniel, chansing ka na naman kay Pau!” Sabay hampas ni Kim sa kamay na nakapulupot sa akin.
“Babe, wag mo na nga silang punahin.” Sabay kiss sa cheeks ni Kim.
Grabe, ang sweet ng mga kasama namin noh? Hahaha!
“Guys! Grabe kayo ha. Grabe! >.>” Sabi ni Mira bigla.
Oops, nalimutan ata namin na may kausap kami sa Skype. Hahaha!
“Mga bata, maghanda na kayo. Aalis na tayo.” Sigaw ng Mommy ni Kim sa baba.
“Oh ayan, ggraduate na talaga kayo. Congrats guys!” Bati muli ni Mira.
“Salamat!” Sabi naming tatlo sa kanya.
“Osha, sige na. Babay na! Magaaral pa ko dito! Hahabol pa ako sa graduation dito eh. Hahaha!” At nagpaalam na kami sa kanya.
**
GRADUATION NIGHT
Halo-halong emotions. Merong kinakabahan kasi baka daw di makagraduate. Merong naiiyak kasi valedictorian. Merong masaya kasi atlast natapos na din ang highschool.
“Congratulations Batch 20**! Wag na kayong pasaway sa college ha? Haha. Congratulations ulit students.” Bati ng director ng school namin.
At yun na ang marka para magcelebrate kami.
“YAHOOO! GRADUATE NA TAYO!” At sabay sabay kaming naghagisan ng graduation cap.
**
Dahil nga graduate na kami, nagorganize ng party ang aming mga magulang. Mommy ko, ni Kim, ni Daniel at ni Migs, ay pati pala ang mommy ni Ysabelle. Oh diba, bongga!
Nagtataka ba kayo kung bakit wala sa bahay kanina nina Kim si Migs? Nandun siya, ayaw lang magpakita kay Mira. Hahaha!
Pool party siya.
Kaming magkakaibigan lang ang nandito, shempre nandito mga magulang eh. kasama ung iba naming kamag-anak. Grabe nga eh, naging family reunion ng bawat isa 'tong celebration namin. Hahaha.
Napunta kami sa may pool side.
Ako katabi si Daniel.
Si Kim katabi si Matt.
Si Maggie katabi si Renz.
Si Migs katabi si Ysabelle.
Wala lang. Random talks.
Nagbabalik tanaw kami sa mga memories ng 4th year.
Ang sarap tawanan ng mga kalokohan, kagaguhan, kapalpakan namin noon. We wouldn’t trade them for anything. Kasi kung hindi yun nangyari, wala kami sa ganitong sitwasyon.
Bigla akong niyakap sa likod ni Daniel.
Sinilip ko naman ung iba naming kasama, ayun nagkaroon na ng kanya-kanyang mundo.
Naglalandian----este naglalambingan sina Kim, Matt, Renz at Maggie.
Sina Migs naman at Ysabelle, seryosong naguusap.
“I love you. Jetaime. Aishiteru. Te amo. Mahal kita.” He gently whispered on my ears. Then gave me a kiss onmy cheek.
Napangiti naman ako sa kanya.
“Mahal din kita.” Then I kissed him on the lips. Smack lang naman guys!
Tapos bumalik ulit kami sa orihinal na pwesto namin.
Makalipas ang ilang minuto, hinarap niya ako sa kanya.
“I love you Pauline Jayne.” Then he kissed me passionately.
“Hoy tama na yan! San pa mapunta eh!” Sigaw ni Migs sa amin tapos nagtawanan sila.
Baliw talaga kahit kailan. Hahaha!
“Tumigil na, sayang!” Pabirong sabi ni Daniel. Hinampas ko naman siya sa may balikat.
“Loko!” Sabi ko.
“Joke lang Mhine.” Then he kissed me on my forehead.
Sabi nila, kapag nakita mo na yung taong mamahalin, wag mo nang papakawalan. Gawin mo na ang lahat para makuha siya. Iwasan mo lang ung may masasaktan kang tao. Pero wag kang susuko hangga’t di mo siya nakukuha.
Sa nangyari sa akin, di ako sumuko kay Daniel. Oo may nasaktan ako, pero napatawad na naman ako. Nasaktan din ako, nasaktan din siya, pero in the end, kami pa rin talaga.
Another story have been closed, not ended.
Marami pang pwedeng mangyari, di pa dito magtatapos ang lahat.
Pero sa ngayon tatapusin ko na ‘to.
Your girl next door is now signing off. :)
and i'm out of my league once again...
even if saving you sends me to heaven...
YOU ARE READING
Music of Our Hearts: Out of My League || COMPLETE
Romans[COMPLETE] Music of our Hearts presents Out Of My League. Isang torpe at isang tanga. Paano nila maamin sa isa't isa ang kanilang nararamdaman kung palagi silang nauunahan ng hiya? Alam na ng buong barkada, sila na lang ang hindi makaramdam. An...