MOH: Out of My League 22

551 9 6
                                    

Out of My League T W E N T Y T W O

PAU’S POV

Agad agad akong umuwi. Hiniram ko kay Kuya ung susi ng sasakyan niya. Oo, 16 palang ako pero may lisensya na ako at maalam na akong magdrive.

Sa ngayon, ang kailangan ko ay mga sagot sa mga katanungan ko.

Mali.

Sagot sa nagiisang tanong na gumugulo sa akin.

Sino ba talaga ang nagbibigay nung papel sa akin?

Habang nagddrive ako, kinuha ko ung phone ko para itext ang isang tao na sa tingin ko may alam sa tanong ko.

Si Alex.

Sinabihan ko siya na makipagkita sa akin sa Coffee Shop malapit sa bahay nina Mira. Nagreply naman siya na papunta din siya dun.

Tamang-tama.

HEAVENLY SOLUTIONS CAFE.

Nung dumating ako don, nakita ko na si Alex na nakaupo dun sa isang table malapit sa mirror.

Nag-order muna ako bago ako lumapit sa kanya.

“Oh Pau, anjan ka na pala. Have a seat.” At umupo ako sa harapan niya. two seats lang kasi ung pinuwestuhan niya kasi.

“Alex, may gusto sana akong itanong sa'yo eh.”

Bigla namang dumating ung inorder ko.

“Ano ulit un Pau?”

“May gusto sana akong malaman.”

“Oh sure, ano un? Basta ba kaya kong sagutin eh.”

Huminga ako ng malamin bago ko sinabi ung mga salitang matagal nang gumugulo sa akin.

“Kayo ba talaga ni Daniel?”

Parang nagulat siya sa tinanong ko kasi napahigpit ung hawak niya dun sa baso ng frapp niya.

“B-bakit mo naman natanong?” Sabay tingin niya sa akin diretso sa mata.

Pinakita ko sa kanya ung papel na pinakita ko kay Migz.

“Hindi ko alam kung bakit, pero malakas ang pakiramadam ko na si Daniel ang gumawa niya.” Sabi ko sa kanya.

Tiningnan ko siya. Mukhang hinihintay niya ang kasunod ng sasabihin ko.

“Pero alam ko, hindi siya ung naglalagay nitong mga papel na nababasa ko. ibang tao.” Pagtutuloy ko.

“Anong ibig mong sabihin?” Tanong niya.

“Ikaw ang tatanungin ko ulit, Alex. Kayo ba talaga ni Daniel?”

Hindi ko alam kung san ko nahuhugot ung lakas ng loob para itanong sa kanya yun.

“Sana Pau, after ko masabi lahat ng dapat mong malaman ngayon, ay hindi ka magalit sa akin, sa amin.”

Bumuntong hininga siya.

“H-hindi talaga ako girlfriend ni Daniel.”

Nagulat ako.

Tangina. So wala palag rason para magselos ako?!

Eh wait?

In the first place, wala naman talaga akong dapat ikaselos.

Hindi naman kami, diba?

“Nagttrip lang ako nung mga panahon na yon. Sinakyan naman nila kaya nag-go with the flow sila sa panttrip ko.”

“P-pero bakit mo ako pinagttripan?”

“Kasi alam kong mahal mo siya.”

Dun ako mas nagulat. Hindi ko naman sinabi un ah!

“Kung itatanong mo kung pa'no ko nalaman, un ay nung una tayong nagkita sa bar. Halata naman sa mga tinginan at galaw niyo eh. ayaw niyo lang aminin sa mga sarili niyo kasi natatakot kayo. Natatakot kayo na baka iba ang kahinatnan niyo at mawala ung pinakaiingat-ingatan niyong friendship.”

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.

“Pau, I’m sorry. Hindi ko naman kasi akalain na aabot sa ganito. Na masasaktan kayo pareho dahil sa inaakto niyo.”

“Ha? Masasaktan? Pareho?”

“Ano ba yan girl! Perfect combination talaga kayo ni Daniel! Hahaha! Isang manhid at isang torpe.”

Hindi ko nalang siya sinagot.

“Basta Pau, sorry. I didn’t mean to hurt you. Pero on the brighter side, siguro naman may magbabago na. ^___________^” Then she smiled.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko, pero nginitian ko nalang rin siya.

Nung palabas na kami ng shop, nagoffer ako ng ride sa kanya pero tinanggihan niya. May pupuntahan pa daw kasi siya.

Before kami maghiwalay..

“A-ah, Alex, salamat nga pa. Tsaka ung panttrip na ginawa mo, ayos lang din.”

“Don’t mention it Pau. Alam ko may magandang kahihinatnan ung ginawa ko. :)”

At tapos nun, naghiwalay na kami ng landas.

Music of Our Hearts: Out of My League || COMPLETEWhere stories live. Discover now