MOH: Out of My League 02

943 9 0
                                    

OutofMyLeague T W O

Pau Morales: Ayaw talaga.

Bakit ganun? Bumabagabag talaga sa akin yung right time na sinabi ni Daniel pati ni Anthony. Bakit ba ako nagpapaapekto?! Amp naman oh. Wala lang naman dapat sa akin yun eh. Wala nga lang ba talaga? Hay nako! Ang sakit naman nito sa utak! Yaeh na nga~

Iisipin ko nalang yung bakasyon namin! Whoooa~

"Guys, sama kayo sa Batangas. Punta tayo sa isang resort namin dun."Asusual. Ganito ang buhay namin. Ang maggala ng maggala. Wala naman kasing nagsusummer class sa amin eh. Mga matatalino kami! :P

"Sige. Kailan ba yan?"


"Sa Wednesday. Mauuna naman dun sina Mommy eh. Sa Sunday aalis na sila. Sunod nalang daw tayo kung gusto nating magbakasyon dun."

 

"Magpapaalam muna ako. ¬_¬"

 

"Oh eh bakit ganyan mukha mo?"

 

"Nakakainis kasi sa bahay eh. Ako na naman ang pinagiinitan dun. Porke't andun mga pinsan ko."

 

"Hindi na nagbago."

 

"Tss. Talaga. Takte."

 

"Hay nako tama na yan. So ano, sumama kayo ah! Dapat kumpleto tayo. Migs, sama mo na sina Matt at Maggie. Kim, si Renz sama mo na rin."

 

"Baka pumunta sila ng States eh."

 

"Cheh! Sinungaling ka! Di sila babalik ng States no. :P"

 

"Oo na oo na. Ikaw na nakakaalam :P Hahaha"Hay eto na naman tayo.

 

"Oh basta sa Wednesday ah! Walang mawawala sa atin!"

 

"YES MA’AM! :D"

And so after ng araw nay un hindi na kami masyadong nagkikita. Pero si Daniel ewan ko kung anong sumapi sa lalaking 'to, palaging nasa bahay namin.

At shempre isang ordinaryong araw ulit. Di pa kasi kami nakakaalis at naghahanap pa ng tamang schedule sina Mommy para dun sa resort kaya eto nakakatunganga na naman ako dito sa kwarto ko ng biglang may sumulpot na asungot. :P

"Ano na namang ginagawa mo dito?"

 

Music of Our Hearts: Out of My League || COMPLETEWhere stories live. Discover now