7
Agad kong kinuha ang basket ng suman at tumakbo palabas sa naghihintay na si Noah. Nakaupo na naman siya doon sa paborito niyang bato sa may dalampasigan, hinahayaang dilaan ng alon iyong binti niya.
Kinagat ko ang labi ko noong lumagabog na naman ang dibdib ko para sa kanya. Pakshet talaga si pakshet. Hulog na hulog na yata ako sa kanya.
Magmula noong hinalikan niya ako ay nagkaroon na kami ng relasyon. Bakit pa ba kailangang magpabebe. Hinalikan niya ako, tinugon ko, pareho naming gusto iyon kaya bakit pa papatagalin?
Isa pa, gusto kong ipakita kay Noah na hindi ako katulad noong unang babaeng minahal niya. Kahit kailan ay hindi siya magiging pangalawa. Kahit kailan ay hindi ko siya itatapon. Kahit kailan ay siya lagi ang una.
Kahit kailan ay hindi siya masasaktan sa akin.
Dahil ako kapag nagmahal, talagang pak na pak. Walang tapon. Ibibigay ko ang lahat para lamang sa taong mahal ko. Hinding hindi ako magdadamot. Hinding hindi ko siya itutulak palayo. Palagi akong maghihintay sa kanya dahil yun ang dapat na para sa kanya. Karapatan niyang mahalin ng wagas at totoo.
Ngumiti siya sa akin bago niya tinalon ang mga alon. Lumapit siya sa akin at kinuha ang basket kong dala bago ko ikinawit ang kamay ko sa kanyang braso.
"Saan tayo ngayon pakshet?" tanong ko. Ngumuso siya sabay tingin sa akin.
"Kahit saan. Anywhere, as long as I'm with you Spongebob." Aniya. Namula ng bahagya ang pisngi ko bago siya hinampas.
"Noah, translate." Kinikilig kong sabi. Ngumisi siya at halos lumundag na ang kaluluwa ko para sumayaw ng desperado sa sobrang kilig. Ang gwapo mo pakshet!
"Kahit saan mo ako dalhin ayos lang Aria. Basta kasama ka." Sagot niya. Iniumpog ko ang noo ko sa balikat niya para itago ang kilig ko.
"Bakit?"
Umiling ako. Hindi na ako makahinga. Normal pa ba ito?
"Wala. Masaya lang ang puso ko pakshet."
Hinawakan niya ang aking kamay. "Masaya rin ako. Masayang masaya." Sagot niya. Hinampas ko siyang muli at naglakad lakad na naman kami sa dalampasigan. Tinulungan niya akong maglako ng suman sa mga mangingisda doon. Noong maubos iyon ay umupo kami sa buhanginan para panuorin ang alon.
Pinagbalat ko siya ng suman at inabot ko iyon sa kanya. Kinuha naman niya iyon at tinitigan muli ang tubig.
"Hindi ka pa ba hinahanap sa inyo? Malapit ng mag one hundred days." Paalala ko. Kinagat niya ang suman bago nagkibit balikat.
"Ayaw ko pang umalis. The waves brought me here." Hinarap niya ako at hinawakan ang aking pisngi. Lumapit ang mukha niya sa akin at halos mahimatay na ako sa antisipasyon ng susunod niyang gagawin.
BINABASA MO ANG
Hundred Days - LEGACY #8
Художественная прозаSometimes letting go is less painful than holding on. An addiction can only be cured by withdrawing. Kapag sobra na ay tigilan. Kapag masakit na ay huminto na. Kapag hindi na kaya ay bumitaw na.